Chap.o60

5.3K 55 2
                                    

Chap.o60


I'm bored to death. Alas otso pa lang ng gabi at maaga pa para matulog kaya napagdesisyunan kong lumabas sa sala muna para manood. Manonood muna ako ng konti bago matulog tutal ay ayoko namang lumabas para magbar. I don't want to go there alone.

I straightly went to the couch and sat there comfortably. I then grabbed the remote control to browse for channels. I want something funny to watch sana kaya browse lang ako ng browse hanggang sa wala din akong nakitang palabas na gusto ko. That was when I switched off the tv and laid on the couch na lang.

At saktong paghiga ko ay sya ring pagbukas ng pinto ng unit ko. Napaupo ako nang wala sa oras at ngumiti na nang makita kong si Gav ito.

"Evening, honey. I have something for you." Nakangiting sabi nito sabay upo sa right side ko.

Inilabas na nito pagkatapos ang mga laman ng hawak nitong paper bag. May junk foods at bote ng Jack Daniels.

"May balak ka bang lasingin ako?" Hinarap ko na ito.

"Wala. I'm just here to help you."

At tumayo na ito at pumunta sa kitchen. Pagbalik nito, may bitbit na itong glasses at bowls. Inilagay na nito ang mga junk foods sa mga bowls at kinargahan na nito ng alak ang dalawang baso. He gave me the other glass after.

"Cheers!" Ngiti nito habang hawak ang baso nitong may laman na ding alak.

"Cheers!!" Ininom ko na ang laman ng baso ko.

"Did he contact you already?" Kapagkuwan ay tanong nito habang busy ito sa pagkain ng kung anong-anong junk foods na nakahain sa mesa.

"Hindi pa. Maybe he already gave up on me."

Halos magdadalawang linggo nang hindi nagpaparamdam si Ysrael sa akin. Nagkaayos na kami ni Gav at magkaibigan na din kami pero wala pa din akong alam kay Ysrael hanggang ngayon. I tried contacting him but unfortunately, unattended na ang number nito. Nagtanong na din ako kay Jude tungkol dito at maging ito ay walang kaalam-alam kung anong nangyayari sa kakambal nito. Ganun din ang mga magulang ni Ysrael. Wala itong pinagsabihan kung asan ito kaya nga alalang-alala na ako.

Siguro nga ay nag-give up na ito sa akin. It was my fault anyway. Kung inassure ko sana dito na sya talaga ang mahal ko, sana ay kasama ko sya ngayon.

"You look so depressed. Ang swerte ng lalakeng yun sayo." I heard him say afterward.

Ngumiti naman ako dito. "I'm the lucky one. Ako ang swerte dahil una pa lang, minahal na ako ni Ysrael. Hindi ako nito sinukuan at tinulungan ako nitong magmahal ulit."

At hindi na nagsalita si Gav pagkatapos. Gavino's my friend now. Hindi ko talaga ito kapatid pero parang kapatid na ang turing ko dito. Tanggap na nito na si Ysrael na talaga ang mahal ko at tanggap na nito na hanggang magkaibigan o magkapatid lang kami.

Cerezo pa rin naman si Gav. Hindi pumayag si tatay na mag-iba ito ng apelyido. Hindi din pumayag si tatay na umalis si kuya sa poder ni tatay. At nagpapasalamat ako na pumayag ito sa mga gusto ni tatay. Ebidensya lang ito na mahal ni Gav si tatay at tanggap na nito ang sitwasyon namin - na hindi na kami para sa isa't isa.

"Gusto mong hanapin ko sya? I can do anything just to find the guy." Wika ni Gav makalipas ang ilang sandali.

"No need. Kaya ko namang maghintay eh. I can wait."

"What if wala ka ng mahintay? Wake up, Cyrene. Kaya mo ngang maghintay pero ang tanong, may hihintayin ka ba?" Naramdaman ko ang galit nito sa pagtataas nito ng boses sa akin.

"Kasalanan ko naman eh."

At naramdaman ko na lang ang pagyakap ni Gavino sa akin. Ginawa nya ito dahil sa pag-iyak ko. Peste talaga ang mga luhang ito. Kahit anong pilit kong pigil na wag lumabas ang mga ito, lalabas na lalabas pa din sila.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko... Nawawalan na ako ng pag-asa..." Pag-aamin ko kay Gav.

Talagang nanghihina na ang kalooban ko. Kahit anong pilit ko sa sarili ko na may hihintayin ako, hindi ko pa din kayang mag-isip ng negatibo. Kaya nga nang sinabi ni Gav yung katagang may hihintayin pa ba ako, tuluyan na akong umiyak.

Yun talaga ang realidad eh. Hindi ko alam kung may hihintayin ka pa ba. Kaya kong maghintay kahit matagal pero paano na kung wala akong mahintay? Baka may iba na si Ysrae l lalo nat ang daling mahalin ng lalakeng yun. Hindi ko na alam ang mangyayari sa sarili ko kapag nangyari yun. Hindi ko kaya yun at ito ang sigurado ako.

"Hush, please. I promise you, honey, hahanapin ko yung lalakeng yun. Hindi ako papayag na maging malungkot ka habangbuhay."

"I want to rest." Nasabi ko na pagkatapos.

Yun lang ang hudyat para humiwalay si Gav sa yakapan namin. Kitang-kita ko sa mukha nito na naaapektuhan din ito.

"Wala kang kasalanan, okay?" Assurance ko dito dahil sa klase ng expression nito.

Ngumiti ito ng tipid. At kahit anong pilit ko dito noon pa man na wala itong kasalanan, hindi ko pa din ito mapilit na maniwala. Nakokonsensya ito sa nangyayari sa akin ngayon at alam ko ito kahit na hindi ito sabihin ni Gav.

"Gusto mo nang magpahinga, diba? Come, I'll take you to your room."

Kahit kaya kong magpunta sa kwarto ng mag-isa, inalalayan pa din ako ni Gav. Maingat din ako nitong inalalayan pahiga sa bed ko at ito na din ang naglagay ng comforter sa akin hanggang sa beywang ko.

"Good night, honey. Everything's gonna be fine after this." He kissed me on my temple.

Lalabas na sana ito pero nagsalita ako.

"Don't leave me, please. Dito ka lang sa tabi ko, Gav. I don't wanna be alone."


I WOKE UP with a different feeling the next morning. It was as if someone's looking intently at me. Nagmulat na ako ng mga mata at tinignan si Gav kung ito nga ba ang tumitingin sa akin pero tulog pa rin ito. Ang himbing ng pagkakatulog nito at talagang may yakap-yakap pa itong unan.

Itinaas ko na lang ang comforter hanggang sa balikat nito dahil wala itong pang-itaas na damit. Mula noon hanggang ngayon, hindi pa din ito natutulog na may suot na shirt o sando man lang. Hindi pa din ito nagbabago.

At pagkatapos kong kumutan si Gavino, napatalon na lang ako nang marinig ko ang pagsara ng pinto ng silid ko. Natakot ako dahil baka may nakapasok na magnanakaw sa unit ko pero nang mapagtanto kong mahigpit ang security dito, nakahinga din ako ng maluwag. Kung hindi magnanakaw yun, sino yun?

Konti lang naman ang nakakaalam sa passcode ng pad ko. Sila yung mga taong mahalaga sa akin. Di kaya...

Agad na akong tumayo at tumakbo papalabas sa pad ko. Kung hindi ako nagkakamali, baka si Ysrael yun. Maybe he was in my room earlier and he was the one who was watching over me. Alam kong si Ysrael yun at sigurado ako dito.

Tumakbo ako nang mabilis para maabutan ito pero hindi ko ito naabutan. Napamura na lang ako nang nag-close na ang pinto ng elevator. Ni hindi ko man nakita kung sino ang sakay nito. Ni hindi ko man lang nakumpirma na si Ysrael yun.

At dahil malakas ang paniniwala ko na si Ysrael talaga ang taong yun, sa hagdanan na ako dumaan at hindi ko na hinintay pa ang isang elevator na pataas pa lang. Tatakbo na lang ako hindi bale nang nasa 12th floor ako. Mas importanteng maabutan ko si Ysrael. Mas chance na akong makausap sya. Miss na miss ko na sya.

Hindi ako tumigil sa katatakbo kahit sandali man lang. Panay ang naging takbo ko pababa at kahit ramdam ko na ang pagod, hindi pa din ako tumigil. Hanggang sa marating ko na ang basement kung saan ang parking.

Akala ko makikita ko na agad si Ysrael. Mali pala ako dahil huli na nang mapagtanto kong malawak ang parking space dito. Pero hindi pa din ako nawalan na pag-asa. Tumakbo ako para maghanap at nang may makita akong nakaandar na kotse, mabilis akong pumunta sa gitna para pigilan ito. Agad naman itong tumigil at hindi ako sinagasaan. Thank god.

Panay ang dalangin ko habang nasa harap ko na mismo ang kotseng pinigilan ko. Hindi ito ang Benz ni Ysrael pero umaasa akong si Ysrael ang nasa loob nito. Hindi ko kasi makita ang driver dahil tinted ang salamin ng kotse.

Hindi bumaba ang driver kaya sinubukan kong silipin ang driver's side para makita ito. At dahil tinted ang salamin ng kotse, ni wala akong ideya kung tama ang pinigilan kong kotse. Bahala na.

Naglakad na ako papalapit sa kotse pero napaatras ako nang bumusina ito. Panay ang busina nito pero hindi ako tumabi. Baka kung tatabi ako, aalis nang bigla ito at hindi ko na makikita pa kung sino ang nasa loob nito.

Natigil lang ako sa paglapit nang naramdaman ko na ang bumper ng kotse. Dun na ako tumigil sa paglapit dahil wala na akong ilalapit pa. Bumuntong-hininga na ako bago magsalita.

"Ysrael..." Tawag ko dito. Para na akong tanga sa pagtawag ng pangalan ni Ysrael sa nasa loob ng kotse. Ni hindi ko nga alam ni si Ysrael talaga ito.

"Ysrael, alam kong ikaw yan." Pagpapatuloy ko. Hindi ko man alam na si Ysrael nga ito, ramdam kong sya ito. "Ysrael please. Please let me see you..." At narinig ko na ang pagkabasag ng boses ko pagkatapos.

Hindi naman ako nabigo at nakita ko ang paglabas ni Ysrael. He looks so depressed and problematic. His stubbles and eyebags are some evidence of how bad he is.

"Ysrael..." Naiiyak na tawag ko na dito saka ako nagtangkang lumapit dito.

Sinubukan ko itong yakapin pero umiwas ito. Sa ginawa nyang yun, dun ako mas lalong umiyak. I feel unwanted.

"Sya pa rin ba, Cyrene?" Matigas na wika nito at ramdam ko ang coldness ng tinig nito. "Minahal mo ba talaga ako o sadyang yung lalakeng yun pa din ang mahal mo hanggang ngayon? Cyrene, I love you but unfortunately, you can't love me back. Umasa ako eh. Umasa ako na sana ako pa din, na sana ako ang piliin mo dahil ako ang boyfriend mo. Siguro nga wala akong importansya sayo." At naramdaman ko na ang pagkabasag ng boses nito.

Tinignan ko ito at nakita ko itong umiiyak. He's hurt and I could feel it. Ang nagawa ko na lamang ay umiling sa bawat sinasabi nito. Hindi totoo ang mga sinasabi nito.

"And you know what? Umasa ulit ako after two weeks. I hoped that maybe I still have the chance. Kaya nga I came here. But heck, Cyrene. I saw you two on your bed. He was naked and--."

"You're wrong. You are so wrong, Ysrael." Tanggi ko na. Sa wakas ay nakaya ko nang magsalita. "Sa tingin mo ganun kababaw ang pagmamahal ko sayo? Ganyan ba ang tingin mo sa akin, huh?" Buong tapang na mga tanong ko dito. "Mahal kita, Ysrael. Sobrang mahal kita na ikaw ang pinili ko at hindi si Gavino. Kung nakita mo man kaming magkatabi sa kama, hindi ibig sabihin nun ay meron nang nangyari sa amin. Hindi ako ganun, Ysrael. May dignidad naman ako at kung alam mo lang, ikaw lang ang lalakeng pinagbigyan ko ng sarili ko. At nang ibigay ko ang sarili ko sayo, alam ko nang sa iyo na ako hanggang sa huli." Taas-noo kong mga pahayag.

Nasasaktan ako, oo. Hindi ko inasahang ganun ang magiging tingin nito sa akin. Nakakasakit lang kasi.

"Ysrael, ang sakit eh. Wala kang tiwala sa akin at ang baba ng tingin mo sa akin. Ganyan lang pala ako kababa sayo. Pero tangina, mahal kita eh. Mahal na mahal kita. Siguro nga, hanggang dito na lang ang lahat." Wika ko kasabay ng pag-iyak ko.

Tinalikuran ko na ito at saka ako naglakad papalayo dito. Naramdaman ko ang pagsunod nito pagkatapos pero hindi ko ito nilingon o tinignan man lang. Nang nasa tapat na ako ng elevator, dun lang ako pinigilan at hinawakan ni Ysrael.

"Sorry..." Sinserong pahayag nito. "Nabigla lang ako at--."

Hindi na nito natapos pa ang dapat na sasabihin nito dahil sa pagbukas ng elevator. Tinignan ko na ang nagpatigil kay Ysrael at nakita ko si Gav na lulan ng elevator. Agad nang lumapit si Gav sa amin pagkatapos.

Sa paglapit ni Gav, naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Ysrael sa kamay ko. I could feel the intensity he felt toward Gav, and I couldn't blame him. He thinks Gavino is his rival but he's wrong. Wala itong kalaban dahil nag-iisa lang ito sa puso ko. Gavino's my past, no doubt on that.

"Let go, pare. Nasasaktan na si Cyrene sa paghawak mo." Basag ni Gav sa katahimikan.

Tinangka nitong agawin ang kamay kong hawak ni Ysrael pero hindi pumayag ang huli. Iniiwas lang nito ang kamay ko para hindi ito maagaw ni Gav.

"Ikaw dapat ang mag-let go at hindi ako." Bwelta na ni Ysrael.

Nagkatinginan na ang dalawa pagkatapos. Nagkasukatan sila ng tingin - yung tipong walang sinuman sa kanila ang gustong sumuko.

"Let Cyrene choose." Kapagkuwan ay wika ni Gav.

Binitiwan na ni Ysrael ang paghawak sa kamay ko at saka muling nagsalita naman si Gav.

"Whoever she decided to choose, we'd both respect it. No hard feelings and no grudges at all."

Gusto kong kontrahin si Gav dahil mas pinapalala nito ang sitwasyon. Can't he see that Ysrael is fuming mad right now? Sa ginagawa nito, siguradong mas magagalit si Ysrael.

"So is it a deal?" Ngising tanong pa ni Gav.

"Deal." Matigas na pagpayag na ni Ysrael.

"Choose now, Cyrene honey." Nilingon na ako ni Gav at sinabihan. "Let him see how you choose your true happiness." Sa sinabing ito ni Gav, napagtanto ko na ang gusto nitong ipahiwatig. Gusto nitong ipakita kay Ysrael na si Ysrael talaga ang syang pipiliin ko. My true happiness eh.

Dahil sa sobrang kagalakan, napayakap na ako kay Gav. I'm glad that he already accepted the fact that Ysrael's my happiness now. I'm delighted that he's doing me a favor at this moment.

"Thank you, kuya Gav." Bulong ko na dito.

"Welcome, honey." Sagot naman ni kuya Gav. "If I were you, hahabulin ko na si Maniego. Nag-walk out na ito, honey, at baka iba ang nasa isip na naman nito. Baka isipin nitong ako ang pinili mo."

Humiwalay na ako at sinunod ang sinabi ni Gav. Hinabol ko si Ysrael at saktong napigilan ko ito sa pagpasok sa kotse nito.

"What?! Tanggap ko na na sya ang pinili mo kaya please lang, dun ka na sa lalakeng yun." I sensed bitterness in his voice and it made me beam. "Don't smile at my misery, and please--."

I shut him off by giving him the best kiss that I could offer. He didn't want to answer my kiss at first so I deepened the kiss until he moved his lips with me after. I smiled for that reason.

"I don't understand why the hell did you kiss me." Wika ni Ysrael pagkatapos kaming maghalikan.

"Isn't it obvious? I don't need to choose cause you're my only option, Ysrael. Wala akong pagpipilian pa na iba at mas lalong hindi si Gavino kasi matagal na kaming tapos. Tanggap na naming pareho na wala na kami at hanggang magkapatid na lamang kami." Mga paliwanag ko. Nakita kong ngumiti si Ysrael dahil sa mga sinabi ko.

"Does it mean?"

I kissed him hard.

"Yes. It is you that I need. It is you in my heart. And it is you that I love. I love you, Jude Ysrael Maniego."

"Oh honey, I love you, too."

At si Ysrael na ang syang humalik sa akin. We even entered his car after and continued kissing inside.

"Honey, stop please. I might not stop." Nahihirapang wika ni Ysrael nang tangkain kong tanggalin ang shirt nito.

"Then don't stop." And I resumed kissing him and stripping his tee.

Si Ysrael na ang pumaimbabaw pagkatapos at saka ito na ang naghubad ng mga damit ko.

"We can go to your room if you want." He huskily said as he is seductively doing wanders on the middle of my thighs. Oh god!

"N-no please." My plea to him as I bit my lower lip. Kung pupunta pa kami sa pad ko, baka mabitin pa ako. "Let's just do it here, please. Ohhh shittt..."

Hindi ko na napigil pa ang pag-ungol ko. Blame Ysrael for he's so good.

"You sure, honey?" He smirked.

"Y-yes. Besides I want to try a new venue."


The End

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon