xxxiii

3.3K 188 145
                                    

Tumawag agad ako ng pulis. Palakad lakad ako sa labas ng bahay nila Thunder habang nagseseach pa rin sila sa loob. Wala naman ang grandparents nya at si Kelly. Sya nalang ang tumutuloy dun ngayon. "Luhan, anong nangyari?" humahangos na tanong sa akin ni Detective Mikuto. Tinawagan ko agad sya para ipaalam ang nangyari. Di ko alam pero may kutob ako na yung serial may gawa eh.

"Si Thunder, he's dead." sagot ko.

"Titignan ko ano na nangyayari sa loob. Dito lang kayo." sabi nya. I scratched my arms. Hindi ako mapakali eh. Sehun is just standing next to me at kasama si Yna. Hindi ko alam kung ano na nangyayari. Hindi pa nga nahahanap si Eomma at wala pa ring progress kay Krystal dahil natutulala lang tapos ito, hindi ko na alam iisipin ko. Litsi.

"Luhan, dun nalang tayo sa ba-"

"Wag mo muna akong kausapin, Sehun. Pumasok kayo kung gusto nyo. Pwede?" Napayuko sya dahil sa pagtataray ko. Wala lang talaga ako sa mood at nakikita ko ang mukha ni Yna. Ang sarap sarap nya sakalin gamit ang kadena. Pisti. Hinga ng malalim, Luhan. Isipin mo nalang, buntis yang gaga.

Gusto ko sana pumasok sa loob kaso takot ako. Nanatili pa rin sila Sehun kasama ko't lumabas si Detective. "Mukhang ilang oras na syang patay. Hindi rin pagkalunod ang nakikita naming dahilan ng pagkamatay nya dahil wala din kaming nakitang white froth sa may bibig nya. Marahil ay hinulog sya dun pagkatapos patayin. Ipapaautopsy pa namin ang katawan nya dahil ni wala syang natamong saksak o pukpok," aniya.

White froth? Kapag pumasok ang tubig sa lungs ng isang nalulunod na tao, it causes for it to exude muccus which mixes with air and water at nagcrecreate ng white froth. Anong ginawa sa kanya? Hindi kaya may tinurok?xx

"Maaring tinurukan sya?" sabi ko.

"Ayon din ang spekulasyon namin. Ang nakuha lang namin ay ito," Binuklat nya ang notebook nyang maliit saka pinakita sa amin yun. "Ito ang nakita naming huling dinial ni Thunder anim na oras na ang nakalipas." Tinignan ko ang mga numero and, all the numbers are separate with 'x'.

9999x666x666x3

"Hindi kaya sa takot nya, napindot nya lang ito?" Anong meron sa numerong to? May mensahe ba si Thunder dito? Tingini. Siguro kaya ito ang ginawa nya para hindi burahin ng killer? "Pero baka meron din syang mensahe sa numero na yan. Isang mensahe na tinago nya dyan. Pero ano?"

"Pagiisipan ko rin ito ng mabuti. Bukod dito, wala kaming nakitang matibay na ebidensya bukod sa 'x' sa batok nya and one thing na nagpapagulo sa akin, bakit sila? Gayong wala silang kinalaman sayo Luhan?" Yun din ang pinagtataka ko. Paano na si Kelly? Matanda na ang Lolo't Lola nila.

"At bakit nakakapasok sya ng basta basta sa subdivision na ito? This is exclusive." I murmured, thinking about it hardly. Maaari may kakilala sya dito kaya nakakapasok sya ng basta basta ng 'di pinagsususpetsyahan? Then, that person is just near us. Sino sya?

"For now-" Napatigil sya nang magring ang cellphone nya. "Hello? Okay sige. Iconnect mo ako sa system para mapanuod namin. Bantayan nyo lang dyan." sabi nya at saka ibinaba ang tawag. "Pumasok na si Vina sa office nya, gusto nyo bang panuorin ito?"

Nagkatinginan kami ni Sehun. Yung mata nya, malungkot na nagaalala. Tumango rin ako. "Osige," sagot ko at hinawakan naman ni Kharin ang balikat ko. Dumapo ang mata ni Sehun dun pero, wala na akong pakialam. Magselos sya, bahala sya sa buhay nya. Sinet up ni Detective ang may kalakihang laptop at ilang gamit nya. May kung anu-ano pa syang pinindot sa main police system bago lumabas ang isang video doon. Pinanuod namin yun.

HunHan [Book 2]: Dealing With Oh Sehun [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon