xlvii

2.9K 211 102
                                    

May book 3 pa, tiwala lang sa hunhan. :)
---------------------------------------------------------------------------------------------
Luhan

"Why not fight? Luhan, I only want the kid. Please, let's make it work again." I shoved his hand, "I'm so sorry. Just give me.. a few months until she gave birth. She won't bother us. Huwag ka namang bumitaw." Sehun pleaded in a brittle tone.

"Siguro, kung hindi ko lang kayo nakita nun, baka nagbago pa isip ko. Pero shit naman, Sehun. Pag lasing ba, kailangan bumayo? Sinira mo yung tiwala ko sayo eh." Huminga ako ng malalim at tinitigan sya. "Sobra akong.. nasaktan sa ginawa mo. Galit na galit ako.. ginago mo ako."

"Hindi mo na ba ako mahal?"

"Fck! I do.. I still do." I answered.

"Then, I'll ask you again." Hinawakan nya ang kamay ko, squeezing it tightly. "Do you really want to end it?" Tinitigan ko sya ng ilang minuto. Some part of me, still want to hold on, believe in us, believe in him, want to forgive him and some part of me, DON'T. Hindi ako nakasagot. Yumuko lang ako dun. Sehun squeezed my hand, waiting patiently for my answer. "Luhan, please." he added.

"Give me some time, Sehun." pagkasabi ko nun, binawi ko ang kamay ko. "Lumabas ka na. Gusto ko munang magpahinga." ani ko tsaka humiga patalikod sa kanya. Nanatili pa sya ng ilang segundo bago tuluyang lumabas ng silid. Napabuntong hininga ako dahil dun. Maya-maya lang, bumukas ulit ang pintuan. I turned my back and saw Kharin. Napangiwi ako ng konti ng gumalaw ako ulit dahil doon sa sugat ko sa likod. Nakaengrave name dun ni Sehun. Paano ko sya makakalimutan nun?

"Nakapagusap na kayo?" he asked. I only nodded my head. "Nagkaayos na kayo?" I shook my head. "Libreng sumagot, Luhan. Panis na ba laway mo? Ilang araw ka ring hindi nakakapagtoothbrush. Siguro nga." Nagsalubong kilay ko. Sarap batuhin nito ng hollowbacks. Ampotek. Inirapan ko lang sya.

"Tumira ka pa dito, Kharin! Salinan mo nalang ako ulit ng tubig!" utos ko lang sa kanya. Napakamot sya sa ulo tsaka naman ako sinalinan ng tubig. "He.. asked me if I want to end our marriage and I said yes. Tama naman desisyon ko di ba? He hurt me! Gago sya. He broke his own promise. Binigay ko lahat sa kanya.. kulang pa rin pala kasi gusto nya ng bata." Parang baliw na tumawa ako, "Kaya siguro tinataboy ko sya kasi... I feel so, useless. That he don't really need me. I thought he's contented but those smiles are just a lie because he wants more." garalgal na sabi ko sa kanya.

Kharin patted my head. "Hindi ba pwedeng isipin mo nalang, Luhan na, mahal ka nya at mahal mo sya? Masaya ka ba sa naging desisyon mo? Baka magsisi ka? Pagisipan mo muna. If you need time, he'll give you space." Hindi na ako sumagot. Humiga ako ulit sa kama at umupo naman sya sa upuan habang tinitignan ang phone nya. Meron ba syang inaantay na tawag? Galing kay Khou?

"Hindi mo makontak si Khou?"

"Ha? Oo eh. Ang sabi ng kasamahan ko, nagmamadali daw umalis habang nasa loob kami nung bahay." sagot nya habang nagdadial sa CP nya. "Hindi ko alam pero, kinakabahan ako para sa kapatid ko." he murmured. Nagsalubong ang kilay ko dahil dun. Bakit naman kaya sya kakabahan kung nahuli na naman ang killer? Isa pa, walang kinalaman na si Khou kay Zuki dahil hindi naman din sya target nito? Nakakapagtaka?

"Kinakabahan? Bakit?" I asked.

"Ha?" Napakamot sya sa batok nya, "Gago kasi yun eh. Kung anu-anong pinapasok na gulo. Haha?" sabi nya. I just shrugged. Bigla kong naalala ang nalaman ko tungkol kay Zuki. Yung pagiging left handed nya at connection nun sa pagkakaroon pa nya ng isang kasabwat na positibong babae pa ito.

HunHan [Book 2]: Dealing With Oh Sehun [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon