Queen 36: Gutom

972 36 7
                                    

Xyla's POV :

Yes! Holiday!!! Ewan ko kung bakit !! XD. Basta wala lang pasok. Pero kahit na ganun, tinatamad parin akong tumayo mn lang at kumain sa ibaba.

Biglang bumukas yung pinto ko at biglang pumasok na nakaporma si Macy.

'La? Jumajaporgs!

"O, san lakad mo?" Tanong ko habbang nakahiga parin sa kama

"Sa labas lang mamamasyal. Sama ka" sabi niya

"Sige" tipid kong sagot. Walang ibang magawa eh at sina daddy nmn pumuntang Cebu para makapasyal din.

Naligo na ako at nagbihis. Nakashirt ako na plainwhite at nakajacket na may hood with matching jeans na grey at converse na red.

Nasabulsa ko yung wallet, phone at player ko. Yung earphones ko, nakakabit na sa tenga ko. Color? Blue.

Umalis na kami ni Macy at gamit namin yung scooter ko. Ayaw kong magcar baka macarnap.

Pumunta muna kami sa café para makapagbreakfast kami ni Macy.

Umupo kami sa usual seat namin. Ako lang ang palaging andito kadalunch. Dito kasi ako naglalunch eh, dito rin ako kumukuha ng pambaon ko sa snacks. Hahahha!!

Umorder ako ng usual order ko at siya nmn umorder ng caramel cake, hot chocolate at mga pastries. Ang aga-aags sweets agad tung si Macy.

Habbang nagiintay, kinuha ko yung phone ko at inopen ang account ko sa wattpad. Oo may account ako. Papatapos na nga yung librong sinusulat ko eh. Ipupublish ko nlng. Ngayon ang time na magpublish ako. Kaya nag publish ako ng dalawang parts at in-off yung phone ko kasi andito na ang order.

Kumain na kami. Habbang kumakain, biglang nagring yung phone ni Macy.

"Excuse me lang muna Xyla ha? Sasagutin ko muna tuh" sabi niya sabay alis kasama yung phone niya.

Habbang siya may kausap, kakain muna ako. Kinain ko yung in-order ko. Biglang may pumasok sa pinto kaya napatingin ako at nagulat ako sa nakita ko na pumasok.

Si Rowan kasama yung iba pang GP. Nagkagulo ng kunti yung café na ikinainis ko.

Ano naman ang ginagawa niya dito?

....
Rowan's POV :

Nasa pub kami ngayon at walang magawa kundi tumambay. Kasama ko yung iba pang GP na sina Keneth. Si Keneth, kasama yung girlfriend niya which is irritating.

Eh sila lang ang nagdala ng ingay dito sa pub eh! Ang ingay-ingay nila.

Kung matratrap siguro ako sa isang island at may choice kung sinong isasama ko, siguro pipiliin ko yung babaeng sobrang cold, sino pa, eh di si Xyla? Wag maging malisya, siya ang pinili ko kasi walang mangingistorbo sa boung pakatrap ko, eh ang tahimik nun eh!

Speaking of Xyla, hindi pa niya inaaccept ang friend request ko sa fb!!!!

"Huy Rowan! Nagugutom na kami!" Biglang sabi ni Daryl na ikinanout ng noo ko

"Eh di gutom ka. May magagawa ba ako dun?" Sabi ko sabay laro ulit sa psp ko

"Ibili mo kami ng pagkain!" Pagrereklamo ka

"Eh kung ikaw kaya ang bumili mag-isa! Wag mo nga akong paghanapin ng malapit na kainan" sabi ko sabay laro ulit

"Yah! Nagugutom na kami!" Angal bigla ni Derick

Inirapan ko lang sila. Biglang may kumalabit sakin.

"Rowan, nagugutom narin ako" naiiyak na sabi ni Lye sabay puppy eyes

Tinigil ko yung paglalaro ko at nagcross arms sabay patong ng dalawa kong paa sa mesa

"So? Eh ang hihina pala ng mga tiyan niyo eh!" sabi ko

*kkkkrrrruuuuuukkkk*

-__- gutom narin yata ako

"Mukhang gutom narin yang tiyan mo, Ro" sabi ni Daryl

"Tsk!" Sabi ko sabay irap at tumayo. "Tara na nga!" Sabi ko sabay kapa ng wallet ko sa bulsa

"YEEEEEYYYY!!!!" Masayang sabi nila sabay ngiting tagumpay

Lumabas na kami sa pub at kanya-kanyang research ng malapit na kainan

Habang si Hannah, gf ni Keneth, tahimik lang kaming tinitignan

"Sabi dito may malapit daw na resto, mga 34 kilometers lang" sabi ni Daryl na ikinainis namin

"Naghahanap ba kayo ng makakainan?" Biglang tanong ni Hannah.

Napatingin kami kay Hannah.

Nagnod lang kami.

Ngumiti siya samin ng napakatamis "May alam ako" sabi niya na ikinagaan ng loob namin

"Saan?" Sabay naming tanong sa kanya

"Sa CamMila Café and Pastries, dun sa café nina Xyla yata ang pangalan" sabi niya

"OO NGA!!!" sabi nilang lahat except sakin

Ayan na nmn yang Xyla na yan!!

"Nakalimutan kong may café pala si pres, tara na!! Siguradong open na sila!!" Masayang sabi ni Derick

Nagsitakbuhan na sila papunta sa kabilang kanto kung saan andun yung café nina Xyla.

Napairap lang ako at bagot na sinundan sila hanggang sa makarating kami.


To be continued....

√  |  𝑫𝑬𝑵𝑰𝑨𝑳 𝑸𝑼𝑬𝑬𝑵  ;   𝒌𝒐𝒐𝒌𝒖 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon