「Queen 6: Feeler」

1.8K 64 7
                                    

Xyla's POV:

Nasa ilalim ako ng puno. In short, nasa tambayan ako.

Hindi ko pa pala naubos yung royal ko. Sayang hindi ko nabato dun kay Leona.

Inubos ko nalang yung natira at binato kung saan saan. Wala namang makakakita.

Ilang segundo palang matapos kong ibato yung bote, may biglang bumagsak sa ulo ko.

Ano yun?! Yung bote na binato ko, bumalik sa kin?

Tumingala ako. At pinagsisihan ko na tumingala ako.

Tumayo ako agad at kinuha yung gamit ko at paalis na.

Dinig ko na tumalon siya pababa. Tapos hinabol niya ako. Ako nmn, padabog na naglakad ng mabilis para hindi niya ako masundan.

"Huy Xyla!! Saglit lang! Xyla!" Sigaw niya.

Tapos naramdaman kong may humawak sakin sa braso.

"Ano ba?! Layuan mo nga ako!" Sabi ko at kinuha pabalik ang braso ko.

I'm telling you, papatayin ko talaga tuh.

Nasa loob na ako sa school building. Mabuti nalang walang masyado studyante. Kundi baka patayin na nila ako.

Napadpad na kami sa locker. Kung saan walang tao.

Nasa locker ko ang extra maja blanca ko.

Tumigil ako sa locker ko. Tumabi siya sakin. Sumandal siya sa isang locker sa tabi ko.

"Alam mo, pakipot ka talaga. Alam ko naman na may gusto ka sakin eh" sabi niya at kumindat pa!

Pwede na bang sumuka?! Ang feeling niya ha?!! Ngayon ko nga lang siya nakilala eh!!!

"Ahh.. May gusto pala sayo ha?" Sabi ko at padabog na binuksan ang pinto ng locker ko.

*pak!

I ACCIDENTALLY hit his face, note the sarcasm.

"Oow!! Aray!! Ang sakit!" He exclaimed. Habbang hinihimas-himas ang mukha niya.

Tinignan niya ako ng masama. I smirked at him

"Ang gwapo kong mukha!" Sabi niya.

"Ahh.. Gwapo mong mukha pala ah!!" Sabi ko at kinuha ang maja blanca ko at hinampas dun sa mukha niya. Sadista na kung sadista, wala akong pake.

Padabog kong sinarado ang locker ng pinto. At umalis na. Leaving him and his face dirty.

Serves him right!!

...

Rowan's POV :

Ilang sandali palang na iniwan ako ni Xyla, biglang nakita ko si Daryl na lumabas galing sa isang locker at pinicturan ako gamit yung cp niya.

"Pfft! Ahahahah!!!" Sabi niya

Tapos, nagsilabasan na silang lahat. Sina Keneth, Derick at si Lye.

Inabutan ako ni Lye ng isang basang face towel at ginamit ko agad yun.

"Dude, mukhang ayaw sayo nung crush mo" sabi ni Keneth.

Binatokan ko agad siya.

Hello!? Okey lang ba siya? Si Xyla?! Si Xyla Camille Madrigal na SC President na tanyag sa pagkaMALDITA niya?!! Na halos ayaw akong kausapin?! Crush ko????!!! YUCK!!

"Aray naman!!!" Sabi ni Keneth at hinimas-himas ang parte kung saan ko siya binatukan.

"Mukhang ginantihan ka yata niya ah" sabi ni Daryl

"Oo nga. Una, when she hit you in the face, second, yung hinampas ka niya ng maja blanca. Kulang pa yan ng isa" sabi ni Derick.

Teka lang ha, anong sinasabi niya?

"Kung nagdududa ka sa sinabi ko, oo, hindi kami totally umalis dun sa bundok kanina. Andun parin kami nung malapit na mahulog si Xyla. Sasaklolo na sana kami eh, kaso lang, nahawakan mo." Dugtong niya

"AT, at at at, andun kami nung nagLQ kayo" sabi ni Keneth

"Ano'ng LQ yang sinasabi mo ha?! " sigaw ko sa kanya

"Sabi ko nga hindi diba, kaya chill lang pare!" Sabi niya


To be continued...

√  |  𝑫𝑬𝑵𝑰𝑨𝑳 𝑸𝑼𝑬𝑬𝑵  ;   𝒌𝒐𝒐𝒌𝒖 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon