Queen 47: Mokong In Danger

872 29 0
                                    

Xyla's POV :



Napatigil ako nung umabot na sa limit ang lakas ko. Napahawak ako sa noo ko.

Basang-basa na ako sa ulan. Pati yung sombrero ko.

"Aish! Asan na ba yung mokong na yun?!!!" Sigaw ko.

Wait------------- Bakit ko ba siya hinahanap?

Kasi nag-aalala ako?

Oo yun. Baka mawasak pa ang mukha niya at ako pa ang pagagalitan.

Naglakad nlng ako papuntang likod ng school building.

Madilim-dilim na.

"Ano?! Eh ang yabang-yabang momnmn pala eh! Wala namang napala! Ano?! Gusto mo pa?!! Hetong sayo!!" Narinig kong may sumigaw. Napatakbo nmn agad ako sa kinaruruonan nun.

Nung nakarating na ako nakita kong pinagiisahan ng grupo ng mga lalake si..... Rowan?

"Pare si Pres!" Nagpapanic na sabi nung isang myembro nila sa isang lalake.

Natigil nmn yung lalake saka tumingin sakin.

"Lagot tayo" bulong nung isa.

Nagsitabi yung mga lalake at mas nakita ko si Rowan na bugbog-sarado.

Napatakbo ako papunta sa kanya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa lupa. Basang-basa rin siya ng ulan. Tumutulo yung dugo na galing sa bibig niya.

Hinarap ko yung mga lalake.

"Ano'ng ginawa niyo sa kanya?" Seryosong tanong ko

"Kasi Pres, siya yung nanguna siya----" hindi ko siya pinatapos

"Tapos? Papatulan niyo?" Natahimik sila sa sinabi ko

"Pag siya binugbog niyo pa, diretso na kayo sa impyerno" sabi ko na ikinatawa nmn nung leader nila

Ano'ng nakakatawa sa sinabi ko??

"Bakit, dahil mamatay na ba ako?" Natatawang sabi niya

"Dahil....." tumingala ako sa kanila "Dahil AKO na ang makakalaban niyo." Pagbabanta ko sa kanila na ikinatahimik na nila.

"Magbibilang ako hanggang tatlo. Pag kayo hindi pa umalis, magsisisi kayo" sabi ko

"Is---" hindi pa nga ako nakatapos, nagpapanic na agad silang tumakbo papalayo.

Ano yun? May multo?

nilingon ko si Rowan at agad akong napaupo sa harap niya.

Inalis ko yung bangs niya sa harap ng mukha niya.

Hinawakan ko yung makabilang pisngi niya at hinarap ko sakin.

"Rowan? Huy! Gumusing ka nga!" Tawag ko sa kanya.

Dinilat niya ang mata niya sabay tingin sakin.

"Xyla?" Tanong niya

"Bakit? Tara na nga! Hinahanap ka na nina Daryl" sabi ko at tatayo sana.

Pero nung tatayo na sana ako, bigla nalang akong hinila ni Rowan papunta sa kanya sa isang mainit sa yakap.

Nagulat naman ako sa ginawa niya.

"Wag mo akong iwan..... Wag mo kong iwan gaya ng pang-iiwan sakin nina Ate, Dongsaeng at Eomma..." sabi niya habbang yakap parin ako

Napairap lang ako sa kanya "Oo na" sabi ko

"Mangako ka..." sabi niya


"Pangako" sabi ko sabay irap.

Humiwalay na ako sa yakap at tinignan siya.

Kahit na umuulan, alam kong umiiyak siya.

Tumayo ako at hinanap si Chloe. "Asan na ba yun?"

"Sino?" Tanong sakin ni Rowan

"Si--- ayun lang pala. Chloe! Ano'ng ginagawa mo diyan?!!" Sigaw ko nung makita ko si Chloe na nasa shed

"Umuulan kasi Pres kaya hindi ako nakalapit." Sabi niya sabay ngiting nakakaloko sabay V ng mga daliri niya.

Napairap nmn ako sa kanya

"Xyla, sinong kinakausap mo?" Biglang tanong ni Rowan sakin

"Si Chloe." Sabi ko

"Huh? Wala nmn akong nakikita ah?" Sabi niya sabay silip. "Hala Xyla, may ghost friend ka!" Sabi niya

Nilamig nmn ako dun

"Wag mo nga akong takutin!" Sabi ko

"Hahahha! Joke!" Sabi niya sabay ngiti.

Nag slowmotion yung paligid the moment na ngumiti siya.

"Tara na nga!" Natauhan ako nung biglang sumulpot si Chloe sa gilid ko na may hawak na payong at ipinayong niya sakin.

"Uh.. oo." Sabi ko

"Tumayo ka na nga! Ang bagal mo!" Sabi ko habbabg tinatayo si Rowan.

"A-aray masakit" sabi niya habbang hawak yung paa niya.

"Sorry" sabi ko habbang pinaakbay yung braso ni Rowan sa balikat ko.

To be continued. ...

√  |  𝑫𝑬𝑵𝑰𝑨𝑳 𝑸𝑼𝑬𝑬𝑵  ;   𝒌𝒐𝒐𝒌𝒖 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon