Chapter 33

501 8 0
                                        

"Ayoko na. Ang daya mo." Reklamo ni Mico.




"Hahaha. You're just letting me win, babe." Natawang sinabi ni Denise. Naglalaro sila ng scrabble at panay ang pagkatalo ni Mico sa girlfriend niya. Natuwa akong panuorin sila kung paanong sinasadya ni Mico na magpatalo para kay Denise. I never thought this guy would be so gentle to her.



He's matured in some ways.



"...tapos nagising ako nang madaling araw, wala na siya sa kwarto. If I only know, may kinita siya sa labas." Pagtuloy ni Coleen sa kwento niya. Nandito kami sa function hall ng resort kung saan pwede kang kumain gaya naming naga-almusal at mag-indoor games gaya ng ginagawa nitong dalawa.



I sipped my coffee before answering her.


"Coleen, you thought wrong. Sinundo nila ni Mico si Irina sa Masigla dahil hindi niya alam ang daan dito. Kahit si CJ sinalubong siya nang makarating sila dito."



Nilapit niya ang mukha niya.



"What!? Nandito na siya?" She sternly said and clenched her jaw.




"Galit ka? Eh diba kaibigan niyo naman siya." Sabi ko.




"Kaibigan nila. She was never my friend. Selena, kapag nandito yan... nasakanya lahat ng atensyon netong tatlo." She almost whispered just enough for Mico not to hear.
"Naiinis ako dun eh, akala mo siya 'tong pinakamaganda kung lumapit sakanila. Mas maganda nga ako eh." Dagdag niya.



Napakataray.



"Nagseselos ka lang eh." Asar ko.



"Hay nako. If I were you, bantayan mo nang maigi si CJ. Siya target nun. Kita mo nga kala mo wala silang obligasyon na bantayan tayo. Iniasa pa kay Mico." Aniya.




Sabi kasi nila, walang hihiwalay sa grupo unless may kasamang lalaki at magsasabi kung saan pupunta. Pero hindi naman nila sinabi kung saan sila pumunta.



"I trust him." I confidently said kahit hindi ko alam kung anong ibig-sabihin ni CJ sa I've missed you niya kay Irina kaninang madaling araw.



"Okayyy..." Pagtataray niya.




Nakakatawa 'tong side na 'to ni Coleen. Kala mo inaagawan ng Candy.



"Ladies, tumuwag si Kyle. Sabi niya tanghali na sila makakabalik." Balita ni Mico.



Tumayo si Coleen.



"Great. Ang saya naman ng retreat na 'to. Sabihin mo sa kanya kahit hindi na siya bumalik." Galit na nagwalk out si Coleen.




Kailangan ko siyang sundan at baka kung mapano pa siya lalo na't kailangan naming bantayan ang isa't isa.



"Coleen!" Sigaw ko.
Pero tuloy lang siya sa paglalakad.
"Bumalik na tayo dun at delikado." Dagdag ko.




Absentmindedly, naka-two piece lang pala ako at nakablazer ng see through. Kaya pinagtitinginan ako ng mga lalaki. Buti kay Coleen one piece lang.




They're whistling and calling me but I don't mind giving them time.



Ba't parang ako pa yata ang mapapahamak?



Someone grabbed my wrist and stopped me from walking.
Lumingon ako at isang strange blonde guy. Nagpumiglas ako at nawala si Coleen sa paningin ko.



ASTROPHILE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon