*Tok tok tok*
Nagising ako sa isang katok at nang dumilat ako ay may lalaking kumakatok sa bintana ng kotse ko. I did my best to open my eyes wide para makita ko ang mukha ng lalaki.
Familiar.
"Ethan?" Sambit ko sa pangalan niya tsaka ko binaba ang windshield ko.
"Selena. Kaninang umaga ko pa napapansin tong kotse at hapon na pero nandito parin kaya naisipan kong tignan. What's up?" Aniya.
"Nakainum lang at nakatulog." Nahihiya kong sinabi.
"I bet dahil yan kay Zamora." Sabi niya. Ayos, pinaalala niya talaga.
"Not for you to know but thanks for checking up on me." Sagot ko at nagstart ako ng engine.
"I don't think kaya mong magdrive." Obserba niya. Tama siya. Baka kung magdrive ako ngayon mapahamak pa ako sa sobrang lutang ng utak ko.
Yumuko ako sa manibela at sumandal dito. Nagiisip kung anong gagawin ko although wala naman talaga akong planong puntahan.
"Pwede ka naman muna sa amin habang hindi ka pa okay, Selena. Don't worry kasama ko ang Mama ko sa bahay. If it's only okay with you." Aya niya.
Mukhang wala naman akong choice so sumunod nalang ako. Siya ang nagdrive sa kotse ko at babalikan nalang daw niya ang motor na ginamit niya dahil malapit lang naman daw sila dito.
Nilagpasan lang namin konti ang resort kung saan kami nagbakasyon nila CJ. Hayss CJ na naman.
Sobrang nostalgic ng lugar.
Mas lalo ko tuloy siyang namiss.
"Ethan, sorry nga pala sa nangyari last time. Sobrang dami lang namin kasing iniisip nun kaya ganun nalang yung temper ni CJ." Pagpapaliwanag ko.
"It's okay. Tsaka ganun naman talaga yung boyfriend mo na yun ever since diba?" Tugon niya. Hindi nalang ako nagsalita.
Huminto kami sa tapat ng kawayan na bakuran na puno ng gumamela sa loob nito. Mabukadkad ang mga bulaklak nito kaya masarap sa mata.
Very probinsya ang vibe.
"Tara akyat tayo, dahan-dahan lang." Aniya at inalalayan akong umakyat sa hagdan patungo sa pinakapinto ng bahay nila. Simple ang bahay nila, kongkreto man ay malalaman mo na may pagkaluma na ito dahil sa mga nakapulupot na mga sanga ng halaman sa ibang poste ng beranda.
Binuksan ni Ethan ang pinto.
"Feel at home, Selena. Wag kang magalala, mas ligtas ka pa dito kaysa sa Masigla." Sabi niya.
"Yeah, sure. Sige lang." Sagot ko.
Nang makalabas siya ay kinalat ko ang paningin ko sa sala nila. Madaming pictures dito. Tumayo ako para tignan nang malapitan ang mga ito.
Pamilya siguro to ni Ethan.
"Yan ang tatay ni Ethan. Namatay siya sa pagsisilbi niya sa lolo mo." Biglang sinabi ng isang babae mula sa likuran ko.
"Selena, Mama ko pala. Si Mama Tess." Pagpapakilala ni Ethan sa Mama niya.
"Selena po, Ma'am. Nice meeting you po." Sabi ko at naglahad ako ng kamay.
Imbes na tanggapin niya ito ay niyakap niya ako.
"Akala ko tuluyan nang tinalikuran ng mga Villaruel ang Masigla." Aniya nang umiiyak.
Napakunot noo ako at tumingin kay Ethan. Humiwalay na naman sa pagkakayakap ang nanay niya.
"Pasensya na at naging emosyonal ako. Halika anak at maupo ka. Ipaghanda mo nga ng miryenda tong bisita natin Ethan." Alok niya at umupo naman ako.
"Bakit niyo po nasabi na tinalikuran namin ang Masigla?" Tanong ko.
"Dahil akala ng karamihan ay tuluyan niyo nang isinuko ang mansion at hascienda sa kamay ni Elaine. Madaming nagbuwis ng buhay para sa lolo mo at isa na doon ang asawa ko kaya umaasa kami na sa pagbalik mo ay mababawi mo na ang dapat na para sayo, na siyang ikinabubuhay ng karamihang magsasaka sa Masigla." Kwento niya.
"Pero hindi po ako ang hinihintay niyo, tita. Hindi po saakin ipinamana ang mga ari-arian ng Villaruel." Sagot ko.
"Kung ganun ay kanino?" Tanong niya.
"Sa kakambal ko po, si Samantha." Sagot ko.
Napakunot ang noo ni aling Tess.
"Hindi bat ikaw si Selena? Sa iyong pangalan ang nakalagay sa testamentong iniwan ni Don Leandro sa asawa kong si Mariano. Sandali at kukunin ko." Aniya. Naguluhan ko.
Akala ko ba si Samantha ang pinagiwanan nila lolo? Yun ang sabi nila Mama at Papa.
Lumabas ang mama ni Ethan mula sa isang kwarto bitbit ang isang susi.
"Pinagawa ito ng lolo mo sa asawa ko. Dito nakatago ang matagal nang pinaghahanap ni Elaine. Sumunod ka." Sabi niya at sinundan ko naman siya. Pumunta kami sa kusina sa kanilang dirty kitchen.
Kumuha siya ng basahan at pinunasan niya ang isang parte ng dingding ng chimney na puso uling na. Meron nga itong maliit na butas at noon ay ipinasok niya ang susi at ipinihit. Bumukas ang dalawang pulgadang kahon na malapad.
"Sinadyang dito itago ng asawa ko at ng lolo mo ang testamento at mga titulo dahil walang makakaisip na dito ito nakatago." Sabi niya. Naghugas muna siya ng kamay bago niya ito kinuha.
Wala nga talagang makakakita nito dahil hindi mo aakalaing doon nakatago. Sino ba namang maghahanap ng papel sa lutuan?
Iniabot sakin ito ni aling Tess at naluha ako nang makita ito.
I, Leandro Perez Villaruel, of legal age married to Olivia Etrata Villaruel, having born on the 15th day of April 19**, being of sound mind and memory and not acting under undue influence, violence, fraud, intimidation of whatever kind, do by these presents daclare this to be my last will and testament which I have caused to be written in English the language which is known to me. And I hereby declare that:
I desire that my remains be buried according to the rites of the Roman Catholic and with dignity suitable to my circumstances.
I give and bequeath to my granddaughter Samantha Lorraine Villaruel the mansion and the lot where it stands.
I give and bequeath to my granddaughter Selena Lorraine Villaruel all of my other properties such as real and personal, whatsoever and where so ever located.
Madami pa ito pero yun lang naman ang gusto kong mabasa.
BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
General FictionCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...
