Chapter 43

412 3 0
                                        

Niresetahan ako ng pampakapit dahil muntik nang malaglag ang dinadala ko dahil sa paginom nung gabing yun.  Pauwi na kami galing hospital at walang kumikibo sa aming dalawa ni Lance. Naiintindihan ko naman siya at nararapat lang sakin tong gantong trato dahil niloko ko siya, sinaktan ko siya.



"Let's pretend you're just having a period cramp for now until we come up with a plan." Malamig pa sa yelo niyang sinabi nang lumiko kami sa kanto papasok ng apartment.




Sumilip ako sa bintana at nakitang naghihintay si Samantha sa labas ng apartment.




Inalalayan ako ni Lance palabas ng kotse at sinalubong ako ng kakambal ko.



"What happened? Coleen told us you were brought to the hospital." Tanong niya nang puno ng pag-aalala. Siya na ang umalalay sakin at si Lance ay nagpark ng maayos.




"Period cramps. Kasabay ng alcohol intoxication." Pagsisinungaling ko.



"I knew it. You went too far at the party." Ngumiti ako ng tipid. "We were all so worried about you." Sabi niya at yumakap siya sakin.



Hindi naman kami close ng kapatid ko dahil hindi kami lumaki ng magkasama. Mas kilala ko pa nga yung kasambahay namin kaysa sakanya. Kaya awkwardness lang ang naramdaman ko lalo na at dala ko ang bunga ng kasalanan ko sakanya.



"I'll let you rest now, we will visit you later with our friends." Aniya.




Yumakap pa ulit siya sakin at ngumiti ako nang magpaalam siya. Sakto namang pumasok si Lance dala ang ilang gamit na dinala namin sa hospital.



"Gutom ka na ba?" Tanong niya sakin habang nililigpit ang mga gamit namin na nilapag niya sa lamesa. Nakatalikod siya sakin at inilalabas niya ang mga gamit sa bag para iligpit.



Dahan-dahan akong tumayo at marahan ko siyang niyakap mula sakanyang likod. Natigilan siya sa ginagawa niya dahil sa ginawa ko.

"Lance, I'm really sorry." Paulit-ulit kong sinasabi habang umiiyak. Hinawakan naman niya ang kamay ko na nakayakap sakanya at hinaplos ito. "I don't deserve you, iwan mo nalang ako. Ayokong madamay ka pa sa gulo ko."



Kinalas niya ang yakap ko at hinarap ako. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko gamit ang daliri niya.



"When I asked you to marry me I promised the heavens to always be with you and to always love you. Oo masakit pero mas matindi yung pagmamahal ko sayo kaysa sa galit ko." Tugon niya.




"Pero buntis ako...buntis na ako. Hindi mo dapat akuin ang responsibilidad. Madami pa diyang iba na walang sabit, mas hihigit pa sakin." Paghagulgol ko sa dibdib niya.




"Sila ba si Selena Lorraine Villaruel? Kasi kung hindi ikaw, wala akong pakialam." Lance, bakit ba sobrang bait mo sakin. Ano bang ginawa ko para maging swerte na mahalin ng isang katulad mo. "Aalis na tayo dito as soon as possible."




"Let me finish my school year, dalawang linggo lang naman. Take it as my farewell to them." Malungkot kong sinabi.




"Okay but promise me you will take care of yourself while I'm not with you. Syempre hindi naman ako estudyante doon para makalabas-pasok pag kailangan moko."



Tumango ako sa sinabi niya.




Mahigpit niya akong niyakap at hinagod ang likod ko. This is the right thing to do. Ang piliting suklian ang pagmamahal at pagtanggap sa akin ni Lance. Simula ngayon ay sisikapin kong kalimutan na si CJ at ang lahat ng nangyari dito sa Masigla.

_______________________________________



Kinaumagahan ay hinatid ako ni Lance sa school. Sabi niya susunduin din niya ako mamayang hapon. Pinagbaon narin niya ako ng pananghalian ako para daw hindi na ako maglalakad pa papuntang cafeteria. Sobrang hands on niya sa kalagayan ko ngayon at naappreciate ko yun nang lubos. Nagsisimula na akong mabuhayan ng loob sa likod ng napakalaki kong problema.





"Selena!" Tawag sakin ni Jimuel habang tumatakbo at hingal na hingal siyang lumapit sakin. "Okay ka na?"






"Oo, period cramps lang. Salamat nga pala Jimuel sa pagtulong sakin."




"Wala yun, maliit na bagay. Nga pala patapos na ang school year, may ball ang school sa gabi ng last day ng school year. May date ka na ba?" Tanong niya.





"Pero freshman palang ako paano naman ako makakaattend." Tugon ko at nagsimula kaming maglakad.




"Ganito dito sa Legarda, lahat ng year kasali sa ball. Bakit nga pala kita tinatanong eh matik na si Zamora ang date mo dun." Sabi niya ng natatawa.





"Sira ulo. Hindi ah, baka kasi hindi na ako makakaattend. Babalik na ako ng Manila. Dapat nga last week pa pero nagextend ako na tapusin nalang ang school year." Tugon ko.





"Sayang naman kung ganun." Malungkot na sinabi niya.





"Si Mikay for sure wala pang kadate yun. Gusto mo sabihin ko?" Tanong ko.


Lumiwanag ang mukha niya at napakamot sa batok niya. Nahihiya ba 'to?



"S-Sige ba. Sabi mo ah." Masaya niyang sinagot at tsaka na siya umalis. Halata naman kasing gusto niya si Janela ayaw pa umamin.




Nang malapit na akong makarating sa building namin ay saktong nakatambay sina Kyle, Mico at CJ sa tapat ng building nila. Napatayo si Mico at kumaway sakin. Ngumiti lang ako at kumaway pabalik tsaka ako sumenyas na may klase ako at tumango naman siya.




Hindi na ako naglakas loob na tumingin sa lalaking pinag-alayan ko ng lahat.

ASTROPHILE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon