Selena's POV
Pakiramdam ko nagiging dalawang oras ang isang oras. Sobrang tagal matapos ang mga subject ko. Umagang umaga pero akalamo nakikipaglaban ako sa antok ko na mala-China sa sobrang hirap pigilan.
Hang over pa more. Halo-halo ang karamdaman ko ngayon. Nahihilo, nasusuka, masakit ang ulo, masakit ang tiyan at masakit ang sikmura. Dapat umabsent nalang ako.
"Selena, okay ka lang ba?" Tanong ni Janela. Nagthumbs up lang ako dahil nakadukdok na ang ulo ko sa armchair ko. "Punta ka na kaya sa clinic." Dagdag pa niya.
"Hang over lang to. Pumarty-party kasi kami kagabi." Mahina kong sagot.
"Ahh yun naman pala. Oh siya sige mauna na 'ko. May susunod pa akong subject." Dinig ko ang pagaayos niya ng mga gamit niya at pagtunog ng zipper ng bag niya.
Gutom lang to. Dapat uminom ako ng malamig para mahimasmasan ako.
"Sabay nako palabas." Sabi ko at tumayo na din. Okay pa naman nung makababa kami ng building pero nang nasa open field kami, doon ko na naramdaman ang matinding sakit sa tiyan.
Hindi ako natatae ha, excuse me.
"Janela...awww."
"Huy, okay ka lang?" Tanong niya.
"A-Ang sakit ng tiyan ko." Sabi ko at nakahawak ako sa tiyan ko. Kumapit ako kay Janela dahil para akong nanlulumo sa sakit.
"Tulong!" Paulit-ulit na sigaw niya.
"Kaya mo bang maglakad?" Tanong ng isang pamilyar na boses.
Jimuel.
Umiling ako bilang sagot kaya binuhat niya ako na parang wala akong bigat para sakanya pero hindi yun ang mahalaga sakin kundi para akong pinapatay sa sakit.
"Selena!?" Sigaw ni Coleen nang mapadaan siya. "Anong nangyari!?" Naga-alala niyang tanong habang sumusunod samin.
Walang makagawang sumagot sakanya lalo na at nasa tapat na kami ng clinic. Pinaghintay ng nurse sila Coleen sa labas.
Kung ano-anong tinatanong ng nurse kung may allergy ba ako etc.
Habang nag-uusap kami ay nakaramdam ako ng parang may humihiwa sa tiyan ko at kasabay nito ang mainit na likod na dumaloy sa parteng ibaba ko. Kung period cramps lang ito, bakit ang daming dugo at hindi ako ganito kasakit magregla.
"Dalhin ka na namin sa hospital. Tatawag lang ako ng ambulansya." Sabi niya nang makita ang bed sheet ng clinic na may dugo dito kasabay ng pagsigaw ko sa sakit. "May pwede ka bang tawagan para puntahan ka sa hospital?" Tanong niya.
"Boyfriend ko."
_______________________________________
Nagising ako dahil sa lamig. Dumilat akong may nakasaksak na IV fluid sa kamay ko.
Napatayo naman si Lance na nakaupo sa gilid ng kama.
"Anong nangyari? Bakit nasa Hospital ako?" Tanong ko.
"So you really love him?" Tanong niya. Ang layo naman ng sinabi niya sa tanong ko?
"Anong nangyari?" Tanong ko ulit.
"Sumakit ang tiyan mo sa school dinala ka sa clinic pero titransfer ka dito." Aniya.
Hindi ako umimik. Hang over lang naman to tsaka regla bakit pa kasi kailangang mahospital.
"Hindi ka na daw pwedeng mastress, magpuyat, maglalalabas and foremost ang uminom. You have to be healthy. Eat plenty of fruits and vegetables. They also gave you meds like vitamins, ferous sulfate, calcium and folic acids." Bilin niya.
"What's with those orders? Hang over lang to ba't ang daming gamot." Sabi ko at umupo. Yumuko siya at rinig ko ang paghikbi niya. "You're overreacting, Lance Cameron. It's not like I'm dying." Biro ko. Nakapagbiro pa talaga ako.
"We have to back out in getting that d*mn inheritance. We will be flying back to Manila for your monthly prenatal check up." Sabi niya nang magaralgal dahil sa pagiyak niya. Yes, umiiyak siya.
Wait, what!?
"H-huh? Anong prenatal pinagsasabi mo?" Tanong ko. Hindi ako bobo at alam ko ang ibig niyang sabihin pero baka nabingi lang ako? Diba?
"You're 3 weeks pregnant." He said emotionless and walked out.
Oh my heavens.
That's not true.
No way.
Buntis... ako!?
Napahawak ako sa tiyan ko at nagsimulang magsink in lahat. Tama, eksaktong tatlong linggo simula noong unang may mangyari samin.
I'm crying silently,
and eventually crying out loud.
It's a cry of anguish and pity.
Awang awa ako sa sarili ko dahil kailangan pang magbunga ang pag-ibig na hindi naman talaga sa akin. Naawa ako sa kapatid ko dahil niloko ko siya. Naaawa ako kay Lance dahil doble ang sakit na naibigay ko sakanya. Mas lalo akong naaawa sa bata na nasa tiyan ko dahil kakabuhay palang niya, wala na agad siyang karapatang makilala ang ama niya.
Nasasaktan ako dahil hindi ako yung nakaraan at kinabukasan ni CJ.
We're never meant for each other.
_______________________________________
BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
General FictionCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...
