Chapter 39

693 7 0
                                        

"Selena! May sasabihin daw ang kambal mo!" Tawag sakin ni Denise.



Lumapit ako sakanila nang matapos kaming magusap ni Lance.
Sa peripheral view ko ay kapit na kapit ang kapatid ko sakanya.



"Ano yun?" Tanong ko.




"Uminom daw tayo mamayang gabi. Libre ng utol mo." Si Mico ang sumagot.



Hangover pa nga lang ako.




"You should bring Lance, sissy. So he can have fun, you know he's busy preparing for your wedding." Suggestion ni Samantha. Wala din talagang preno ang bibig ng babaeng to.




Walang nagsalita. Alam kasi ng lahat maliban sa kapatid ko na may namagitan samin ni CJ at ayaw na ayaw niyang binabanggit si Lance.




"Sam, before having fun let's talk about Lolo first." Pangunguna ko. "I saw Ethan yung anak ng attorney ni Lolo and I talked to his mom."




"You mean that attorney Javier?" Tanong niya.




Hindi ko naiwasang hindi tumingin sa gawi ni CJ. Nakita kong walang ekspresyon ang mukha niya.



"Oo. They gave me the last will and testament ni Lolo." Pagbalita ko.



Lumaki ang mata ng kapatid ko.




"Wait, diba matagal nang nawawala yun since someone broke into their house?" Tanong ni Kyle.




"Tama pero hindi nila nakuha kasi itinago nila ito ng maayos. I read it. I'll show you." Sabi ko. Picture lang ang pinakita ko dahil ayokong iexpose ang mismong papel. Mahirap na pag nawala yun.




"Then let's show it to the court that we have it so we can have the properties back." Suggestion ni Samantha.




"No." Out of the blue na sinabi ni CJ. "We have to stay clueless that we have it or else it will trigger them. I know how my mom thinks." Dugtong niya.




"So anong plano?" Tanong ni Coleen.




"Sabi ng lawyer ni Lolo, sinabi daw niya sa apo niya kung nasaan ang mga titulo ng mga properties. It has to be you." Sagot ko tsaka tumingin kay Samantha.




"I don't remember Lolo having said something about it to me." Tugon na naman niya.




Paano na yan?



"Ikaw yung nakasama nila." I blurted out.




"Yes but he told me nothing, I swear." Pagdeny naman niya.




"Don't tell me may kapatid pa kayo or pinsan?" Tanong ni Mico.




Umiling ako dahil wala naman akong natatandaan.




"Oh my gosh." Nagulat kami nang biglang tumayo ang kakambal ko. "Sissy, you know it! It's you who knows where those are!" Mataas na boses niya.




Anong pinagsasabi niya? Ako nga diko inexpect na may mana ako kasi hindi naman kami close ng mga late grandparents ko tapos ako pa yung nakakaalam.




"You had a car crash in Manila remember? You suffered brain trauma that why they sent you abroad to get treated." Aniya at nageexplain pa with gestures.




"Eh anong konek sa titulo yan?" Tanong ni Coleen.




"Kasi naaksidente siya pauwi galing dito sa Masigla. Sa araw na yun sinabi ni Don Leandro sakanya." Sagot ng boses mula sa likuran namin. Si Lance. Nasabi ko kasi kung nasaan ako ngayon kaninang tumawag siya.




"That's what I'm trying to say! Ugh!" Pagsang-ayon naman ni Samantha.




"So you really had amnesia." Sarcastic na bulong ni CJ na narinig ko pero walang pumansin dito.




Totoo ba? Ako pala talaga ang totoong tagapagmana? Natulala ako.





Bakit ako, Lolo. Bakit hindi nalang kina Papa. Bakit kailangang lumaki ang papel ko sa lugar na to kung kelan pang nakapagdecide na akong kalimutan ang lahat.





Nasaakin pala ang sagot pero paano ko makukuha ang mga yun kung sarili kong isip ang humadlang sakin?




At least may direksyon na kung saan kami dapat magsimula.

_______________________________________

Gaya nga ng napagusapan, lalabas kami ngayong gabi para mag bar. Request to ng kapatid ko kaya pinagbigyan ko na kahit medyo may hangover pa ako.




Nagsuot ako ng old rose silk dress na thin strapped na open sa likod tsaka silver heels.



Si Lance naman ay naka denim polo na naka sleeve up at black jeans.





"You look wonderful." Bati niya sakin nang lumabas ako sa kwarto.



Ngumiti ako.




He held my left and caressed it. He traced his thumb in my ring finger I found it awkward kasi wala na dun yung binigay niyang engagement ring.



Tinanggal yun ni CJ noong unang gabing may mangyari samin.



"I bet you really loved him." Bulong niya nang nakatingin parin sa kamay ko.



Yes, I do.

I did?




"I'm sorry, Lance. Babayaran ko nalang." Sabi ko.




"No it's okay. Hindi ko naman yun binigay para bawiin." Aniya.




Mas lalo tuloy akong nagiguilty kasi nasasaktan ko siya.




"I'm sorry, niloko kita. Nasaktan kita." Paghingi ko ng tawad.




Bumitiw siya sa kamay ko pero hinigit niya ako sa bewang tsaka niya pinadausdos ang kamay niya mula sa balikat ko patungo sa pisngi ko.



Tsaka niya ako hinalikan sa noo.



"I can't get mad at you and I don't know why. Ang alam ko lang mas mahal kita kaysa mas galit sayo." Tugon niya.



Heavens, how did you create this man as perfect as he is right now?



How though I am not to see how great he is?


Niyakap ko siya at humagulgol na patuloy sa paghingi ng tawad sa kanya.



"I'm so sorry. I don't deserve you, Lance. You deserve someone better." Sabi ko.



"No, don't say that. I forgive you. Let's forget everything and leave it in the past. Wala akong ibang gustong makasama kundi ikaw lang." Bulong niya sa akin habang yakap ako.



I'll do everything to forget you, CJ. From this day on, susubukan kong iwasan ka na.



Para sa lalaking 'to.



Para sa lalaking nagmamahal sakin at tanggap ako sa kung ano man ang pagkakamali ko.

ASTROPHILE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon