Napahagulgol ako sa mga nabasa ko. Akala ko hindi ako importante sa buhay ng lolo at lola ko dahil hindi naman ako lumaki sa puder nila. Pero mas madami pa silang ipinamana sakin kaysa sa kapatid ko na nakasama nila nang matagal.
Lolo, pambawi mo ba to sakin?
"Lolo ko..." Iyak ko. Lumapit naman si Ethan at hinagod ang likod ko.
"Yang mga papel na hawak mo ang dahilan kung bakit namatay ang asawa ko. Bigyan mo ng hustisya si Mariano at yung mga buhay na nawala, Selena. Bawiin mo ang hascienda." Pakiusap ni aling Tess.
"H-hindi ko nga po alam kung pano yun gagawin." Pag-amin ko.
"Nabanggit sakin ng Papa ko bago siya mamatay na isa sa mga apo ni Don Leandro ang nakakaalam kung nasaan ang mga titulo ng ari-arian niyo." Sinabi ni Ethan.
"Wala bang dukumento na nagsasabi kung sino sa amin ng kakambal ko? Baka may naiwan ang Papa mo." Suhestyon ko.
"Wala. Ninakaw lahat ang mga papel na may kinalaman sa trabaho ng asawa ko marahil ay nagbabakasakali silang may mahahanap sila doon." Sagot ni aling Tess.
"Ang natatandaan ko, verbal daw ang pagkasabi ng Lolo mo." Sabi ni Ethan.
Si Samantha. Siya lang ang nakakaalam kung nasaan yun dahil hindi naman kami nakapagusap ng lolo.
Hindi ako nagsayang ng oras at nagpasya na akong magpaalam para bumalik na agad sa Masigla.
"Tita, maraming salamat po. Hindi ko alam kung paano ko kayo masusuklian pero pinapangako ko, babawiin ko ang hascienda." Pagbitiw ko ng pangako.
Ngumiti siya saakin at niyakap.
"Magiingat kayo ng kapatid mo, hindi niyo alam kung anong kayang gawin ni Elaine." Bilin niya.
_______________________________________
*Dialing...*
"Ma, please sumagot ka." Bulong ko.
Sinusubukan kong tawagan si mama at papa habang nagmamaneho pero hindi sila sumasagot. Ibaba ko na sana ang tawag nang sumagot si Mama.
"Oh anak, napatawag ka." Sagot ni mang Francis sa kabilang linya.
"Ma, nandiyan ba si Samantha? Can I talk to her?" Tanong ko.
"What? 'Di pa ba kayo nagkikita? Hinatid siya ni Francis diyan kaninang umaga." Sagot niya.
What? Nandito na siya?
"Hindi pa po. Nasa labas kasi ako. Call you later." Tugon ko at ibinaba na ang tawag.
Lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko. Binilisan ko ang pagdrive.
Ang daming gumugulo sa isip ko ngayon. Excited ako na hindi.
Excited ako na makita ang kapatid ko kasi hindi ko na matandaan kung kelan kami huling nagkita.
Excited akong sabihin sakanya ang nalaman ko.
Pero hindi ako excited na magkikita ulit sila ni CJ. Hindi ako excited sa magiging reaksyon ng kapatid ko sa oras na malaman niya ang nagawa ko. Mas lalong hindi ako excited na masaktan.
Nakatanggap ako ng message kay Mama.
Tumawag ako sa kapatid mo, nasa bahay siya ni Veronica hinihintay ka.
Nang mapasok ko ang Masigla, dumeretso agad ako kung saan naghihintay si Samantha.
Doon ay nadatnan kong nakaparada ang mga kotse nila CJ at Kyle. So they're here. I assume they've met her already.
Kumatok ako at binuksan ito ni Coleen.
"Tara, nasa likod sila." Sabi niya at sinundan ko siya sa likod ng bahay nila. Meron kasi silang garden sa likod at malawak doon.
Nakita ko ang kakambal ko na masayang kausap si CJ. Ngayon palang parang nadudurog na ako.
Ang laki ng ngiti niya.
Masaya siya.
Masaya sila.
"Sam." Tawag ko sakanya. Napalingon siya at halos tumakbo siya para yakapin ako.
"Twinny! Oh my gosh I've missed you." Mataas ang boses niyang bumati sakin. Niyakap ko siya pabalik at nagtama ang tingin namin ni CJ.
"We need to talk." Sabi ko.
"Right now? Can't we just catch up first?" Tanong niya.
"Yeah, sure." Sagot ko.
Nakita ko agad ang pagkakaiba namin. Oo at magkamukha kami pero madami din kaming pagkakaiba.
Mas matangkad siya konti. Parehas kaming maputi pero siya may freckles mukha tuloy siyang amerikana. Kulot ako gaya ni mama pero bagsak ang buhok niya.
Lumapit kami sakanila pero hindi ako tumabi sa kapatid ko dahil ayokong lumapit sa lalaking pinagalayan ko ng lahat.
"Hi, Selena. It's been a while." Bati sakin ni Denise kaya sakanya nalang ako tumabi.
"Denise, may nakita ka bang sasakyan sa labas ng apartment ko?" Bulong ko sakanya.
"Oo, bukas naman yung apartment kaya akala ko nandoon ka. Nagtaka nga sila kung bakit nalate tsaka kung bakit hindi kayo nagkita agad ng twinny mo." Sagot niya.
Sasagot sana ako nang nakita kong may tumatawag sakin. Napatingin silang lahat sakin. "The great Lance Cameron Alves looks like missing my sissy." Pang-aasar ni Samantha.
Hindi ko na siya pinatulan at tumayo nalang ako para sagutin ang tawag ni Lance.
"Selena, nasaan ka ba? For pete's sake I'm so worried." Bakas nga sa boses niya ang pag-aalala.
"I just need to unwind. I'm sorry but no need to worry. Kasama ko na si Samantha. Did you know she's coming home this soon?" Tanong ko.
"Yeah. Kaya gusto sana kitang sunduin kagabi kasi ayokong magpang-abot kayo. Ayokong mag-away kayo." Tugon ni Lance. Ewan ko ba. Bakit hindi ko kayang suklian ang dalisay at selfless niyang pagmamahal. Nasaktan ko siya pero concern parin siya sakin.
Sobrang manhid ko lang ba o sobrang napamahal lang kasi ako sa iba?
"Lance, after naming mabawi ang Masigla sasama na ako sayo. Wag mo lang sana sabihin kina Mama at lalo na kay Samantha yung tungkol sa amin." Pagpasya ko.
Ito ang katotohanan at kailangan ko itong harapin. Kailangang umusad ang buhay ko.
Malapit na kami sa katotoohanan kaya ko naman sigurong magtiis hanggang sa matapos na lahat nang ito.
BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
General FictionCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...
