Chapter 36

580 8 0
                                        

"CJ." Sambit ko sa pangalan ng taong tumambad sa harap ko. Bigla niya akong hinigit sa braso at inilapit niya ako sakanya.



"Pwede ba Charles huwag kang makialam. This is none of your business." Mariin na sinabi ni Lance.



"It's totally my f*cking business, cous. Bakit kayo nageempake? You're taking her away from me for the second time?" Tugon ni CJ.



"Selena, let's go or else I'm telling tita Mariel that you're not into the mansion and hascienda anymore." Pagbabanta ni Lance sakin.


I shook my head in disbelief dahil hindi naman totoo. Oo at nagmahal ako pero hindi ibig-sabibin non ay wala na akong pakialam sa totoong rason kung bakit ako nandito.


"Hindi totoo yan dahil tinutulungan ko siya." Sagot ni CJ.



"How helpful of you. Sa sobrang matulungin mo pati girlfriend ko tinatrabaho mo. Oh, my fiancé" Mariin na sinabi ni Lance habang papalapit saamin. Agad akong pumagitna dahil nararamdaman ko na ang tensyon mula sakanila.


Napaigting ng panga si CJ.


"Baka nakakalimutan mong inibahilin ko lang sayo. What's wrong with taking back what's really mine?" Sumbat ni CJ.



"Pwede ba tumigil na kayo? Satingin niyo ba natutuwa ako sa nakikita ko sainyo?" Pagitna ko nang mahinahon pa.



"Siguro kailangan niyo nang malaman ang totoo." Sabi ni Lance.


Anong totoo?


May totoo pa ba samin?


"Dami mong sinasabi." Naiinis na sinabi ni CJ sabay higit sakin. Sa lakas niya ay agad akong nahila.


Lalabas na sana kami nang sabihin ni Lance ang mga salitang hindi ko aakalaing guguho ng mundo ko.



"She's not the real Lorraine." Aniya.



Natigilan ko. Sa sobrang gulat ko ay hindi ako makagalaw. Natigilan din si CJ at unti unting lumingon.



"She's not the Lorraine you loved years ago. She's her twin sister." Pagpapatuloy ni Lance. "Selena why don't you tell him about Samantha?"


"Shut up, Lance." I sternly hissed.
Tumingin si CJ nang nagsalita ako. Namumuo ang mga luha sa gilid ng mata ako at aamba nang babagsak ang mga ito.



Guilt.

Shame.


Yan ang nararamdaman ko.


"Is this a joke? 'Cause it's really convincing." Sabi ni CJ. Nang walang nagsalita saamin ay napabitaw siya sa kamay kong hawak niya.



"It's time for you to know, Charles. Samantha grew up here in Masigla while Selena grew up in Manila at kami na befofe mainvolve si Selena sa car accident and she was sent abroad. The day I left Masigla with Samantha was the day they switched. Umuwi si Selena at nag-abroad si Samantha for her protection." Pagkwento ni Lance.



"Is it true?" Tanong sakin ni CJ nang kalmado.



Sa sobrang kabog ng dibdib ko ay na-pipi ako. Wala akong kayang sabihin dahil wala akong puwang sakanya.



"So you acted like you had amnesia so you can reason out for everything? Yun pala wala ka talagang alam kasi hindi ikaw ang taong minahal ko." Aniya.



Napatingin ako sa mga mata niya at ikinagulat kong umiiyak siya. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak.



"CJ, I'm sorry... Believe me I tried.." Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko ay tumlikod na siya at lumabas. Sinundan ko siya at niyakap siya mula sa likuran. "I tried not to fall in love with you, believe me. Alam ko naging selfish ako and I'm sorry... pero totoong mahal kita." Pagiyak ko sa likuran niya. Agresibo niyang tinanggal ang mga braso kong nakapulupot sakanya.



"You fooled me! Pinagmukha mo akong g*go, Selena. I saw signs but I ignored it because I believed you!" Sigaw niya sa mukha ko.



"I'm so sorry. Alam kong hindi mo ako mapapatawad. But know that I truly love you." Pagiyak ko.



"Love me!? Kung mahal mo 'ko hindi mo gagawin 'to." Bulyaw niya.



"CJ, mahal kita!" Sigaw ko pero parang wala siyang narinig o baka ayaw niya itong pakinggan.


Napaupo ako sa kalsada at napatakip nalang ako sa mukha ko habang pinapanood siyang lumalayo.



Sobrang sakit. Sobrang sakit pala ng realidad.


Pero may karapatan ba akong masaktan?


Patawarin mo'ko. Kung naging makasarili ako dahil pinili ko lang ang sarili ko ng isang beses lang.
Pasensya kung nakakasakit pala yung kasiyahan ko.



Itinayo ako ni Lance pero pumiglas ako. "Don't try to touch me again!" Sigaw ko.


Alam kong tama ang ginawa ni Lance pero masakit...napakasakit.
_______________________________________

Sa sobrang devastated ako ay umalis ako nang madaling araw at nagpakalayo-layo. Nagpatay ako ng phone para hindi nila ako mahanap. Wala din naman akong mukhang maihaharap pa sakanila. Isa akong kahihiyan.



Kaya siguro hindi ako binigyan ng mana dahil hindi naman talaga ako mapagkakatiwalaan.




Nasa gitna ako ng daan at umiinom ng beer sa loob ng kotse ko. Hindi naman ako dapat nalulungkot dahil deserve ko naman 'to pero hindi ko maipagkakaila na masakit kasi.



Totoo pala yung sinasabi nilang truth hurts.



Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at dinial ko ang number ni CJ pero hindi niya ito sinasagot. Dahil dun, mas lalong bumuhos ang mga luha ko.


Masisisi niyo ba ako? Kahapon lang okay kami, ngayon kinamumuhian na niya ako.



Kahapon lang sinabi niyang mas mahal pa niya ako higit sa buhay niya. Fool me, syempre hindi naman para sakin yun in the first place.



This might just be a nightmare. If it is then I wanna wake up right at this moment. Parang hindi ko kasi kaya yung bigat ng guilt at pain.




The last thing I remember was passing out inside my car.

ASTROPHILE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon