Chapter 35

517 7 0
                                        

Umagang umaga, masama ang pakiramdam ko. Siguro nanibago lang ako sa lamig kagabi. Tsaka nababad na din sa araw.



Nasa labas na kami ng resort para bumalik na ng Masigla. Kaming dalawa nalang ang hinihintay dahil kami ang nagcheck out para saming lahat. Nang isang tawag ang hindi ko inaasan. Mula kay Lance.



Nasabi na kaya ni Gio ang tungkol samin ni CJ?
"Si Lance." Balita ko sakanya.



"Sagutin mo." Aniya.


Hinintay ko siyang magsalita at puno ng kaba ang dib-dib ko. Lalo na nang bakas sa boses niya ang galit. Ni-loud speaker ko ito para marinig ni CJ ang pag-uusapan namin.



"Selena, what did I hear from Gio? Was that true?" Tanong niya sa kabilang linya.



"Maybe it's better if we talk about this personally." Suhestyon ko nang mahinahon.

"Yeah. Maybe we do that. You have a lot to explain. I can't believe you stooped so low, Selena." Aniya. I saw CJ clenching his jaw. Pinili ko nalang na hindi magsalita dahil ano man ang sabihin ko, karapatan niyang magalit.
"I'll be flying to the nearest airport there tomorrow." Aniya at pinatay na ang tawag.




"How dare he shout at you." He hissed.



"Hayaan mo na. He has the every right to get angry." Sabi ko.



He held my hand as we walked towards the parking lot.

_______________________________________

"Mabuti pang sa bahay nalang ako matutulog. Baka mas magalit pa si Lance kapag nalaman niyang sayo ako tumutuloy." Pagpapaalam ko nang nakauwi kami.



"Hindi ba't mas maganda kung kasama kita para alam kong hindi ka niya masasaktan. Paano kung may gawin siyang hindi maganda?" Pagaalala niya.



"CJ, kilala ko siya. Galit lang yan ngayon pero mawawala din yun. Wag kang mag-alala. Sa tapat niyo lang naman ako oh." I said to assure him.




"Alright. Pahinga ka na sa kwarto at ako na ang bahala sa paglipat ng gamit mo." Sabi niya.




Dahil takip silim na, marahil nasa kwarto na nila sina Lala at Maymay.
Hindi na ako kumain dahil masama nga ag pakiramdam ko.

_______________________________________



Nagising ako sa isang kalabit



"Lorraine, ba't natulog ka nang hindi kumain?" Tanong ni CJ.



"Pagod lang siguro. Anyway, balik nako sa bahay. I don't want Lance to get more upset pag nalaman niyang dito ako tumutuloy." Sabi ko.




"Okay. Just call me anytime you need me." Aniya and he quickly gave me a peck.



Gabi na noong bumalik ako sa bahay na nirerentahan ko. Napahiga ako sa kama at inisip ang mga bagay-bagay.
Kalahating oras na siguro akong nakatitig sa kisame nang makaramdam ako ng kirot sa sikmura ko.



Nalipasan na naman kasi ako ng gutom.



Tumayo ako at lumabas mula sa kwarto. Binuksan ko ang ref para tumingin ng makakain.



I'm sure I'm hearing this right. Parang nakaopen ang gripo mula sa cr. Ang tagal kong nawala dito sa bahay, don't tell me na nakalimutan kong patayin ang gripo?


Nagulat ako nung makalapit ako sa banyo, biglang bumukas ang pinto at...



"Lance?" Banggit ko sa pangalan niya.



He's shirtless and wet. Naligo ba siya?
Teka panong nandito na siya? Agad?



"Yes, Lorraine? I told you, pupuntahan kita but I can't wait for tomorrow. You have a lot to explain." Aniya at tinalikuran ako sabay dumiretso sa kwarto ko.




"You, also have lots to explain. Bakit ka nagsinungaling? Sabi mo hindi mo kilala si CJ when we saw him back in Manila? Bakit hindi kita malapitan noong kailangan kita!?" Tanong ko.



"Does it matter, Selena? CJ isn't a part of your mission. Samantha's coming home very soon and you should leave with me tomorrow." He sternly said with full authority.




"I'm not leaving." Pagmamatigas ko.



"Why? Dahil kay CJ? Mahal mo na siya? You of all people know na si Samantha ang totoong Lorraine na minahal ni niya. The plan is simple, Selena. Lalapit ka lang kay CJ para makakuha ng ebidensya against her mother but what? You fell for him!?" Sigaw niya.




Sa tagal na naming magkakilala ngayon lang niya ako nasigawan.




"What if I'm quitting? After all sa kapatid ko lang naman mapupunta lahat 'cause she's the real heir so anong mapapala ko? CJ's mine now!" Sagot ko.




"You're mine!" He yelled at my face.
"Stop being selfish, Selena. What have I done for you to cheat on me? He belongs to your sister and you know that. Akala mo hindi masakit yung malaman ko na niloko mo'ko?" With that, a tear fell from my eye.



Napa-upo ako.



"Ngayon lang ako naging masaya, Lance. Ngayon lang ako naging selfish." Sabi ko nang umiiyak.




"Hindi ka ba masaya sakin? Hindi mo ba ako mahal? Whatever happened here remains here and I'll forgive you. Just do the right thing." Sabi niya nang mahinahon.



Hindi ako sumagot dahil sobrang bigat ng dibdib ko at mas lalong kumikirot ang sikmura ko.




Binuksan niya ang cabinet at nakita ang mga maleta ko, nagsimula siyang lagyan ito ng mga damit ko.



"Please, Lance. Ayokong umalis!" Sigaw ko.




Dahil sa desperada na ako, sinubukan kong tumakbo para buksan sana ang pinto nang kusang bumukas ito.


"CJ."

ASTROPHILE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon