Chapter 8

13.3K 302 24
                                    

Nicamaine's Point of View

Pagkapasok ko sa classroom, agad akong sinalubong ni Lency, naupo kami sa likod, ako sa upuan ko at siya naman sa upuan ni Jake. Puro kami kwentuhan at tawanan at kung kung anu-ano ang pinag-kkwentuhan namin, may sarili-sarili kaming mundo sa loob ng classroom, pero napatigil ang lahat ng magkaroon ng sigawan at nang mag-silabasan ang ibang students sa kani-kanilang classroom. Nangunot ang noo ko tska kami sabay na lumabas ni Lency. At kasabay ng pagkalabas namin, biglang tumilapon ang isang babae, nangunot ang noo ko ng maalala yung babae, siya yung naka-away ko sa bar! Tinignan ko ang tumulak sakanya at nakita kong si Jake ito. Napa-takip ako sa bibig at hindi makapaniwala sa nagawa niya.

"What now huh bitch!?"-Sigaw niya dahilan para lumakas ang hagulgol niya. Napatingin ako sa mga studyante at nag vvideo na sila habang tumatawa. Nakaramdam nanaman ako ng awa at nag-lakad patungo kay Jake pero bago pa man ako maka-hakbang, may humila na sa kamay ko. It's Lency.

"Huwag Nica. Sasaktan ka lang din niya kapag nangialam ka sa ginagawa niya. Naisip kong gf niya ako noon at may karapatan na din ako sa ginagawa niya pero sinaktan niya lang din ako, walang exempted sa buhay niya Nica, wala. Kaya huwag ka na sanang lumapit."-Pag-wwarning niya, bumagsak ang balikat ko at nilingon si Jake, naka-titig ito doon sa babae na umiiyak habang maangas na naka-pamulsa. Napa-tingin kaming lahat sa nerd na lalapit para yata tulungan yung babae.

"Try it bitch and you'll regret it."-Matigas na sabi ni Jake dahilan para tumigil yung nerd sa pag-tulong. Ang mga tao sa paligid ay nagtawanan pa.

Tska ko biglang naalala yung pag-hihirap ko. So I know what she feels right now. Luminga ako sa paligid and saw Ashley staring at me. She mouthed 'help her', nag-aalanganing tumango ako at lumapit doon sa babae, tumahimik ang paligid at alam kong excited na sila sa sasabihin ni Jake pero ano ang pakialam ko? At paano nalang kung ako ung babaeng naka-upo dito, umiiyak, pinag-tatawanan ng lahat at higit sa lahat nangangailangan ng tutulong sa akin? Syempre napaka-sakit noon, kaya heto ako ngayon, lumalapit sakanya. Tumayo ako at inilahad ang kamay ko, tumingin siya sa akin at halatang nagulat siya at parang ayaw niya pang tanggapin kaya nilagay ko ang kamay niya sa kamay ko. Pero pinalis niya lang ang kamay ko at nagulat ako ng sinigawan niya pa ako.

"Just go bitch!"-Malakas na sigaw niya at parang ako pa ang napa-hiya and before I knew, may sumampal na sa mukha niya, nanlaki ang mga mata ko at nilingon ito. Si Ashley. At pagkatapos nun, hinila na niya ang kamay ko at umalis papalayo doon. Naupo kami sa bench ng rooftop.

"Bakit mo ginawa yun?"-Medyo pagalit na tanong ko.

"Nica. Napaka-sama ng babaeng iyon at nararapat lang yun sakanya."-Pag-eexplain niya.

"Eh bakit mo pala sinabi na tulungan ko siya? Tapos yung hitsura mo pa kanina, parang awang-awa ka!"-Singhal ko sakanya. Tumawa lang siya.

"Hindi nag-salita si Jake ng lumapit ka, tinest ko lang yun."-Umiiling-iling pang sabi niya habang naka-ngiti.

"Eh paano nalang kung sinumbatan ako nun?!"-Singhal ko at inirapan siya. Pero hindi siya sumagot.


Ashley's Point of View

Nang makita kong hindi nan-laban si Zig nang lumapit si Nica, bigla akong natuwa pero may naaalala ko. Jake love doing new things, gustong-gusto niya ng bago at madali siyang mag-sawa, kaya nga pabago-bago ang girl niya eh. At yung kanina, I looked at Jake at napaka-amo na ng mukha niya when Nica came at pakiramdam ko nagbago na siya pero mukhang mali ang iniisip ko dahil hindi imposible na baguhin ni Jake ang style niya sa mga babae niya.

Bumuntong hininga ako at tinignan siya.

"Huwag kang ma-iinlove ah?"-Tanong ko sakanya. Tumango siya at ngumiti. Pero kahit ganun ang sagot ni Nica, natatakot pa rin ako para sakanya. She might end up bleeding.

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon