Chapter 21

9.6K 255 13
                                    

CrazyMedusa Wattpad || Facebook Page

Give me your COMMENTS. Hit that VOTE. FOLLOW me miyamor aaaaand ask me for DEDICATION na minsan ay ako ang nag-kukusa kapag natutuwa ako sa mga message or comments.

COMPLETED or NOT. AMAZING comments. There will be DEDICATIONS.


Nicamaine's Point of View

Lumabas ako ng kwarto ng marinig kong namatay na ang makina ng kotse ni Jake. Umupo ako sa hagdan para maabutan ang pag-pasok niya at di ko inaasahan na may kasama siya ng pumasok siya, babae, hindi lang basta basta babae kundi yung babaeng sinasabi nilang new girlfriend niya.

"I invited her for dinner."-Nakangiting usal niya at itinaas ang isang bucket ng KFC. Nakaramdam ako ng tuwa, ngumiti ako sakanya at inabot ang plastic pero bago ko pa man ito makuha ay inilayo niya ito at inilagay sa likod niya.

"Nag sorry na ako sakanya and asked the girls to stop bullying her."- Pagyayabang nito na animo'y naka-kuha ng limang stars sa school niya. Napangiti ako at sa kaloob-looban ko naman ay sobra ang tuwa ko. Lumapit ako sakanya at inilapit kunwari ang labi ko pero sa tungki ng ilong niya ko siya sinunggaban.

"Fuck ! Aww!"-Malakas na sigaw niya matapos kong kagatin ang ilong niya, natawa ako tska ko hinila yung babae patungo sa kusina dala-dala yung KFC. Pinaupo ko siya roon tska ako naghanda ng plato at kung anu-ano.

"H-Hindi mo ba ako sasaktan?"-Napalingon ako sakanya.

"Bakit kita sasaktan?"-Kunot noong tanong ko sakanya.

"Dahil babae ako ng boyfriend mo."-Usal niya. Tinitigan ko siya at kita ko ang pag-yuko niya, tila natatakot siyang salubungin ang tingin ko. Based on her looks and style towards me, natatakot siya, napangisi ako.

"Why? Do you want me to slap you hard?"-Taas kilay na tanong ko dahilan para mapa angat ang tingin niya sa akin. At nanginginig na siya. "Tss. Don't be scared, hindi naman kita sasaktan. Kinausap ko si Jake na humingi ng tawad sa'yo. Ginawa ba niya o pinilit ka niya?"-Tanong ko. Hindi siya sumagot pero kalaunan ay tumango siya.

"Nilapitan niya ako at nag sorry siya pero parang l-labas sa ilong niya."

Napailing ako tska naupo.

"Sige kain na."-Tska ko nginuso ang chicken sa plato niya. Ngumiti naman siya at nag-umpisa na ring kumain.


NARAMDAMAN ko ang bahagyang pag-tapik sa braso ko, napalingon ako kay Ashley. 

"May miracle na nangyari kahapon ah. Lumapit lang naman ang Jake Ejercito sa babaeng kumakalat na girlfriend niya kuno, nag sorry siya at pinag-sabihan ang mga mean girls na tigilan siya."-Nakangiting usal niya. Hindi na ako nag-salita pa at napangiti nalang sa kaloob-looban. "May kinalaman ka dun no?" Nakangiting dagdag pa niya. 

"Tss. Bahala ka diyan."-Masungit na usal ko tska umalis na doon at nag-tungo sa classroom. Pagkarating ko roon ay naupo kaagad ako. Hindi ko na nakikita yung isa pang nerd, ewan ko na kung ano ang pangalan nun, hindi na rin naman siya hinahanap ng mga mata ko, ayaw ko lang talagang ibinabaon sa puso ko ang mga nagiging traydor sa akin, they're not worth it. 

"Grabe yung nangyari kahapon! Hindi iyon gawain ng isang Jake Ejercito, puno ng pride yung taong yun eh!"

"Oo nga! Sino o ano kaya ang nag-tulak sakanya para mag-sorry?"

"Baka naman wala! Baka talagang nagbabago na siya! Besides tumatanda na siya at ---"

"Nagbago? Baliw ka ba girl? Anduon nga siya ngayon sa rooftop at nakikipag-bugbugan eh!"- Umiiling na sagot niya. Napalingon ako sakanya tska tumayo, dali-dali akong nag-punta sa rooftop, at tama nga ang narinig ko mula sa nag-cchismisan na iyon, kitang-kita ngayon ng dalawang mata kong nakikipag bugbugan nanaman siya. Pinanuod ko lang siya pero napatayo ako ng diretso ng makita kung sino ang binubugbog niya. Yung nerd na hiniraman .. ay mali .. ninakawan ko ng motor nung araw na sinugod ko ang mansion! Agad akong nag-lakad papalapit at hinila si Jake papalyo na agad ko naman nagawa. Gulat itong napatingin sa akin. 

"What the hell are you doing!?"-Malakas na sigaw ko tska inalalayan patayo yung nerd. Napayuko siya, pero itinaas ko ang mukha niya sa pamamagitan ng pag-hawak sa baba niya. May dugo ang gilid ng labi nito, dumudugo ang ilong at may pasa sa gilid ng mata niya.

"Look what you did to this man's innocent face!"

"He is the fucking owner of that fucking cheap motor!"

"Of course it is his because I stole it from him!"

"What!? Bakit mo naman nanakawin ang motor niya! Where in the fucking place have you been during that time!? Sabi ko na nga ba, hindi totoo ang drug lord na pinagsasabi mo!"-Matatalim na tingin ang ibinato niya sa akin tska lumipat ang tingin niya sa nerd. Sinigawan niya ito tska pinaalis, agad namang tumakbo paalis yung nerd at ngayon ay kaming dalawa nalang ang naiwan. 

Ano bang problema nito at biglang umiinit ang ulo?! Noong mga oras na nasa hospital naman ako ay napaka buti niya sa akin, ngayong tapos na at humihilom na ang sugat ko ay tska naman siya nag mumuryot!

"Why are you mad at me?! Humihilom na ang sugat ko bakit ba in-oopen mo yung nangyari noong na-askidente ako!?"

"Nanggaling ka ba sa isang mansion noong araw na iyon?"-Matigas an tanong niya, bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tanong niya. Nangingilatis ang mukha niya! Paano niya alam iyan!? Saan niya nakuha yan!?

"Ano ba ang pinagsasabi mo diyan? Saan mo ba nakuha yang mga pinag-sasabi mo?!"-Patay malisyang tanong ko, hindi ako tanga para hindi mapansing nangingilatis ang mukha niya. Tinitignan niya ako at parang pati kaluluwa ko kinikilatis niya. May alam ang lalaking ito, parang may mali, pakiramdam ko may mali sakanya, may hindi tama sakanya. Medyo matagal kaming nag-sama, kahit 2 months lang iyon pero sa araw-araw naming magkasama sa iisang bubong wala akong naramdaman na kahit ano sakanya pero sa ngayon, nagkaroon bigla. Ewan ko kung ano. 

Hindi niya ako sinagot kundi umalis siya na parang wala lang. Napalinga ako sakanya at pinanuod siya hanggang mawala siya sa paningin ko. Napahilamos ako sa mukha, hindi ko siya maintindihan. Hindi ko pa nga siya kilala, iba ang mundo ko noon at alam ko iyon hanggang nagyon pero hindi ko alam ang mundo niya. May mga iba't ibang klase rin akong nasisilayan pero hindi ko iyon pinansin dahil ayaw kong gumawa ng sarili kong kwento kaya pinabayaan ko nalang. Pero bakit ngayon ay may namumuo nang kwento sa utak ko at hindi ko maiwasan ang hindi mag-isip. 

Biglang naging magulo tuloy ang lahat. Palagi tuloy tumatakbo sa isip ko na hindi ako nilulubayan ng nakaraan ko dahil matapos kong kalimutan ang nangyari sa pagitan namin ni Primo ay dumating nanaman ang panibago. Gusto akong kunin muli ni Maze pero ayaw ko, lumipas yun at dumating nanaman ang panibago, nakita ko si Primo na nasa labas ng gate ng campus. Hindi ko iyon binigyang pansin lahat. Pero ngayon nauungkat nanaman ang nangyari noong araw na iyon at ang mas nakakapag-pagulo sa aisip ko, si pa Jake mismo ang nag-ungkat ng bagay na iyon. 

Tanong ko, paano niyang nalaman iyon lalo na't hindi naman iyon malalaman basta basta kung ikaw ay isang normal na tao lamang. At bakit ako pa talaga ang pinahihinalaan niya, may something eh. 

Nagakakaroon ka na ba ng ideya kung sino at ano ako? Kung alam mo na, huwag mo akong lubayan dahil sa tingin ko, nag-uumpisa palang ang tunay na kwento.

***

CrazyMedusa Wattpad || Facebook Page

Give me your COMMENTS. Hit that VOTE. FOLLOW me miyamor aaaaand ask me for DEDICATION na minsan ay ako ang nag-kukusa kapag natutuwa ako sa mga message or comments. 

COMPLETED or NOT. AMAZING comments. There will be DEDICATIONS.

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon