Chapter 60

6K 155 13
                                    

Nica's POV

Another week has passed. Nandito ako sa pool area at nakatitig sa lantern na pinakawalan ko na siyang umaakyat paitaas, napalingon naman ako sa dalawang nilalang na tumabi sa magkabilang-gilid ko na may hawak ding lantern, sina Lance at Allen. Pinailawan din nila ito at pinakawalan tska hinayaan na dahan-dahan ito makaakyat sa kalangitan.

Kaarawan ngayon ng anak ko, my princess.

"Ito ang pangatlong taon na nagpalipad ka ng lantern. At alam naming para ito sa anak mo."- Saad ni Allen sa tabi ko. Ngumiti ako at tinanguan sila. Nang hindi ko na matanaw ang lantern, lumakad na ako at naupo tska kinuha ang beer. Sumunod din naman sina Lance at Allen.

"Ah. Ashley asked me kung pwede ka niyang makita, I told her na hindi pa."- Usap ni Allen. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Nag-uusap pa kaming tatlo ng biglang lumapit sa amin si Kristina na hinihingal at naka-sunod pa sakanya ang mga tauha ko.

"Q-Queen."- Pag-tawag niya sa akin at napansin kong hawak niya ang cellphone ko na agad niyang inabot.

"I saw your phone ringing and saw my dad's number. W-Why is he calling you?"- Napatingin ako sa phone tska lumayo sakanila at sinagot ang tawag.

"Hindi ba't sinabi ninyong tumawag ako kapag may mali. G-Gusto kong sabihin saiyo na nasa Sgyde Medical Center siya n-ngayon."- Pinatay ko ang tawag at nanginginig ko itong nabitawan. My princess.

"Anong nangyayari? Bakit tumatawag si dad?"- Kristina.

"Ang anak ko, nasa hospital siya."- Nagtinginan sina Lance at Allen. Na-blanko ang isipan ko at dali-daling tinahak ang itim na lambo at mabilis itong pina-andar, hindi ko na napansin na naka-sunod sina Lance at Allen tska ang dalawang SUV na naglalaman ng mga tauhan ko.

NAUNANG bumaba ang mga tauhan ko at pinalibutan kami nina Allen at Lance na kasama na din pala si Kristina. Pero bago pa man kami tuluyang maka-pasok, hinawakan ni Lance ang braso ko.

"Queen."

"Bitawan mo ako Lance, may nangyaring masama sa anak ko."- Usal ko tska siya binigyan ng masamang tingin kaya nabitawan niya ako.

"Don't be reckless."- Pakiusap niya. Hindi ko na siya pinansin at tinahak lang ang daan papasok sa hospital. Lahat ay gumigilid at nakatingin, even the securities did not stop us. Mabuti nalang at baka masapak ko sila.

Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko, kinakabahan ako. Paano kung may nangyaring masama sakanya? Nag-tanong si Kristina sa Nurse Station kung nasaan si Zyhena.

"E-Emergency Room."- Sabi ni Kristina nang makarating sa amin.

Tinahak na namin ang daan patungong E.A maluwag ang hallway pero okupado namin ito dahil sa mga tauhan ko. Habang tinatahamak namin ito, mas lalo akong kinakabahan.

Nakita ko na ang naka-paskil sa pader na sinasabing 'This way to the Emergency Area.'

Lumiko kami at halos malaglag ang panga ko sa mga taong nakatingin at naka-awang ang bibig at parang nakakita sila ng multo.

Nakita ko na siya noong may dinaluhan kaming event and all I can feel is coldness within me, ganuon pa din hanggang ngayon pero gulat ako sa nakikita ka, after three years nagkaharapan kaming muli. Pero anong ginagawa niya dito?

"Queen/Nica."- Sabay na pagtawag sa akin nina Lance at Allen pero nasakanya pa rin ang tingin ko at ganuon din siya pero naka-kunot lang ang noo niya.

"Queen."- Doon lamang ako nagising ng isang malalim na boses ang tumawag, nilingon ko si Romualdo at agad itong yumuko. Nagising ako sa reyalidad sa kung sino talaga ang pakay ko.

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon