Chapter 56

5.3K 137 3
                                    

Nica's POV

Suot ko ang isang black off shoulder long gown with a slit, at nakalugay ang mahaba kong buhok ngayon ay umaabot na sa bewang ko. Kasama ko ang aking ina, si Zacharias ang lolo ko at si Maze at Nine. At ang buong mansiyon na ito ay napapalibutan ng tauhan ko. Isang imbitasyon ang dumating sa amin, isang gathering kung saan nandito lahat ng kilalang businessman at businesswoman. Ang lolo ko ay isa ring businessman, that's how we live. 

"Is she your daughter?"- Tanong ng isang babaeng nasa mid 40's na naka-salubong namin. If a known businessman will be asked like that, panigurado sasagot sila and they will be proud of introducing their sons and daughters pero hindi kami, dinaanan lang namin ang babae. 

At naniniwala na ako sa mama ko, all of the words she said ay totoo. Sa ngayon, tinatawag na kaming isang pamilyang cold sa isa't-isa, hindi sa mundo ng business kundi sa mundong ginagalawan namin. 

Naupo na kami sa silyang naka-laan para sa amin, hindi ko alam kung bakit ako nandito dahil isinama lang naman nila ako. Tahimik ko lang pinapanuod ang mga tao nang mapag-pasyahan kong mag-banyo muna.

Nang matapos kong gumamit ng banyo, napagpasyahan kong lumabas na and as I am on my way sa pwesto namin, isang pamilyar na lalaki ang namataan ko Jake Ejercito. 

Malalim akong naka-titig sakanya. He's wearing a suit that really looks good on him at napaka-daming pagbabago sakanya, mas lalong nag-matured ang pangangatawan niya at ang mukha niya, may  mga mumunting balbas na hindi madumi tignan kundi mas lalo pang nakapag-dulot ng appeal na nakaka-akit.

Jake, who was once mine. 

Pinakiramdaman ko ang sarili, pero wala akong makapa kundi panlalamig.

Nilisan ko na ang lugar na iyon dahil wala din naman akong magagawa, kung maaari ayaw kong magpakita sa ibang tao. Tinungo ko nalang ang mansiyon.


NAABUTAN ko si Lance na naka-taas ang paa habang pinaglalaruan sa kamay ang baril. 

"Hindi ka man lang ba marunong kumatok? What if I am doing something wonderful?"- Mapang-asar niyang tanong at naka-ngisi pa 'wonderful?' inirapan ko siya at tinahak ang kama niya tska nahiga. Siya lang naman ang kausap ko dito dahil bata pa lang kami nakilala ko na siya.

"Tss. You bored? Gusto mo ng may magagawa?"- Tumayo siya at nahiga rin sa tabi ko.

"Ano?"- Maikling tanong ko.

"Let's kill someone, that'll be fun."- Tska tumawa ng napaka-pait. Kung siguro ibang tao ang kasama niya, he will be mistaken. But not for me, nilingon ko siya at naka-titig lamang siya sa ceiling. 

"I'll tell you a secret."- Hindi ko siya sinagot at naka-titig lamang sakanya.

"Madumi ako gumawa ng trabaho dahil hindi ko iniisip kung sino ang ibang mapapahamak sa paligid ko. But little did you know, isa pa lang ang nakitilan ko ng buhay at hindi ko sinasadya yun. I shot her with my gun but I wasn't aiming for her, I was aiming for the guy na nakatutok ang baril sa babaeng yun. My heart started to race so fast, I might die para akong tinakasan ng hangin at hinahabol ko ang aking pag-hinga, I was staring at her as she fell on her knees. Sa pagtitig kong iyon sakanya, nahuli ako ng pulis. Since then, I keep doing dirty works, but not to kill."- Sa pagtitig kong iyon sakanya, nakita ko ang luhang naglalandas sa gilid ng mata niya.

"I know."- Saad ko at ibinalik ang tingin sa ceiling.

"What!?"- Sigaw niya tska napa-upo at nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim tska ginawang unan ang dalawang kamay ko.

"Inalam ko ang lahat, lahat-lahat."- Makahulugang sagot ko.

"Damn! You're mysterious."- Nakangising saad niya tska napa-iling-iling at muling bumalik sa pagkakahiga.

"Eh ikaw kailan mo kukunin ang anak mo?"- Dagdag ni Lance

"Hindi ko alam dahil hindi ko din alam kung nasaan siya at wala na akong balak alamin Lance."- Hindi na siya muling sumagot o nagtanong at tanging katahimikan ang namayani sa aming dalawa.

Yun ang mas nakabubuti sana ay maintindihan niya.

***

A/N: There is nothing special here but I'll give you another update later. Kailangan kong pag-isipan yung isang scene kaya eto muna.




Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon