Chapter 67

7.7K 210 23
                                    

From this chapter forward, third person na po tayo. Salamat!

Sumapit ang hapon at mula sa itim na lambo ni Nica, nakatingin lang siya sa labas at hinihintay ang pag-labas ng mga studyante. Ayon sa impormasyon na ibinigay sakanya, dito nag-aaral si Zyhena bilang isang kindergarten. At pag-sapit na nga ng alas-tres, nag-labasan na ang mga maliliit na bata na sinusundo naman ng magulang ng mga ito.

Kaagad naman napansin ni Nica ang isang bata na tumatakbo, Zyhena. Ilang minuto na lang ay darating na ang sundo nito kaya lumabas na siya at agad lumapit sa bata at dahil kakatakbo ni Zyhena ay natalisod ito, tumakbo na si Nica at itinayo ang bata.

Nag-angat ng mukha si Zyhena upang makita kung sino ang tumulong sakanya at ang pag-luluha nito ay umurong nang makita kung sino ang babaeng nakatayo sa harapan nito.

"M-Mommy. Mommy I miss you!"- Bigkas nito at tuluyang napahagulgol sabay yakap sa bewang ng ina nito. Nakaramdam ng kasiyahan si Nica, matapow ng pag-alis nito ay hindi siya sinukuan ng anak at kinikilala pa rin siya nito. Naghiwalay ang dalawa kung kaya't lumuhod si Nica at pinantayan ang anak.

"How are you baby?"- Nakangiting tanong nito.

"I am really sad mommy. Hindi ka na po bumalik."- Malungkot na sagot nito. "Pero ngayong nakita kita, I feel happy."- Tila isang mahika, nagbago ang emosyon nito at nakitaan ng kasiyahan.

5 minutes from now, darating na ang sundo ni Zyhena at gusto pa nitong makasama ang anak.

"Do you want to have a date with me at the amusment park?"

Bumilog ang mata ng bata at patalon-talon na tumatango. Tumayo na si Nica at binuhat ang anak. At nag-tungo sa kotse nito. Kahit saglit lang.

HINUBAD ni Nica ang kulay itim nitong leather tska ipinatong sa balikat ng anak.

"Mommy! What happened to your arm?"- Tanong ng anak ni Nica at hinawakan pa ang sugat nito na may kaunti pang hapdi. Isang malaking hiwa na natamo nito sa labanan nila ni Lance kanina lang at hindi pa niya ito nagawang gamutin.

"Nothing baby, don't worry mommy is alright."- Ngumuso naman si Zyhena habang nakatitig pa rin ito sa kamay ng ina at tila hindi naniniwala na hindi masakit ang sugat.

"Are you sure? I got bitten by an ant and it hurts like I'm going to die."- Napatawa si Nica sa sinabi ng anak, sobrang cute.

"Okay okay."- Usal nito at binuhat ang anak tska binigyan ng halik sa pisngi. Yakap-yakap niya ito habang patungo sa kotse. Naramdaman na lamang niya ang pag-hikab nito at ihinilig ang ulo sa balikat nito. Zyhena feels secure with her mom.

"I love you mommy. Don't go."- Bulong nito tska ipinikit ang mga mata hanggang sa nilamon na ng antok.

Ang sabi ni Nica sa sarili ay saglit niya lang itong ipapasyal pero sobrang natutuwa ito sa presensya ng anak kaya heto at ginabi pa sila. Marahil hinahanap na siya sa mansiyon ng mga Ejercito pero hindi naman siya natatakot. Anak niya ito at may karapatan siya, kinukuha niya lang.

DAHAN-DAHAN na binuhat ni Nica ang anak na ngayon ay mahimbing na natutulog. Nakabalot pa rin sa katawan nito ang leather. Nag-lakad na ito patungo sa mansiyon ng mga Ejercito sa kung saan dalawang SUV na nakahilera at mga tauhan ni Nica na siyang sasalubong sa pag-dating ni Nica. Iniutos niya kasi sa mga ito na bantayan ang paligid at ng masabing walang kahina-hinala ay tumungo na ito sa mga Ejercito.

Diretso lamang itong pumasok sa mansiyon ng Ejercito at nag-door bell na lamang sa main door. Bumukas ito at iniluwa ang isang kasambahay na nakilala na niya noon ng magkasama pa sila ni Jake. Nanlaki ang mata ng kasambahay.

Hindi niya ito pinansin at dumiretso lang sa loob at ramdam niyang naka-sunod lamang ito sakanya.

'Good thing she didn't stopped me from coming in.'- Sa isip ni Nica.

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon