Chapter 17

9.5K 269 25
                                    

Nicamaine's Point of View

"You slapped him!?"-Natatawang tanong ni Allen na may kasamang pagka-mangha ang mga mata nito.

"Ang init ng ulo ko  okay? Alam mo namang nasapak na rin kita diba?"-Singhal ko sakanya dahil napaka OA niya.

"But he's Jake! He's scarier than me! Buti hindi ka sinapak nun."-Lintanya niya habang uminom ng coffee. Napaisip ako, tama siya kahit mga babae ay sinasaktan niya. Nag kibit-balikat nalang ako at tumuloy sa pag-inom. Edi sapakan. Tss!

"Nica. I just want to talk about something."

"Allen, kahit ano ang sabihin mo, hinding hindi ako titigil."-Malungkot na sabi ko at pinakitaan siya ng isang ngiti.

"Nica. I know what you feel but please ---"

"Sa'yo na mismo nanggaling, you know what I feel kaya sana huwag mo ng pakialaman pa kung ano man ang desisyon ko. It's final at hindi na iyon mababago."

Kita ko ang pagbagsak ng balikat niya. Nakapag-desisyon na ako. Kailangan kong makilala ang may gawa nito kay Stella. 

"Pero pwede bang sa oras na may mangyayari sa'yo, tawagan mo ako kaagad."-Nag-aalalang pakiusap niya. Pero hindi ako sumagot, pinaghahanap ako ng tauhan ng putang Ezekiel na yan. Ngumiti nalang ako at tumango.

Alas nuwebe na ng mapag-pasyahan kong umuwi kay Jake. Pag-bukas ko ng pinto at pagtapak sa sahig ng bahay may nag-salita na.

"Saan ka galing?"-Mahina pero ramdam mong anduon yung galit.

"Kina Allen."

"Anong ---"-Ayaw ko nang mag-explain pa sakanya kaya naman lumapit ako sakanya at hinalikan ang labi niya, tumagal iyon ng dalawang minuto na parang french kiss na. Tumigil ako at humiwalay sa labi niya.

"Pagod ako."-Lintanya ko tska naglakad papunta sa hagdan pero hindi ko pa man naihahakbang ang paa ko sa unang hagdan ng may humawak sa braso ko at iniharap ako sakanya.

"Anong ginawa mo doon!?"-Sigaw niya. Hinalikan na nga't lahat, ayaw pa rin paawat. Nyeta!

"Babe. Usapang magkaibigan yun."-Maikling lintanya ko. Pero hindi niya ako tinigilan. Nag-init ang ulo ko at pakiramdam ko kayang-kaya ko siyang idamay sa mga taong dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng patayan ngayon!

"Kingina mo naman oh! Pagod ako kaya pwede ba? -- Shete!"- Napahinto siya sa ginagawa niya at napatitig sa akin.Pabalang kong hinigit ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Binigyan ko siya ng matalim na tingin bago tumalikod at umakyat para mag-ayos at magpalamig. 


NAGISING ako ng wala si Jake sa tabi ko, marahil nauna siyang pumasom sa school, naghanda na ako tska pumasok sa school.

"Nakita niyo ba yung bagong babae ni Jake?"

"Of course yes! Lahat ay inaabangan ang bagong babae ni Jake at ngayon nga ay meron na, malamang alam ko na ng lahat iyon!"

"Kawawa! She's pretty pa naman!"

"Well this is her life!"

"Hahaha yeah right!"

"This will be damn fun!"

Napa-kunot ang noo ko sa narinig kong chismisan ng ilang studyante. Bagong babae? Hindi ba't ako yun?! Hindi na ako tumagal pa doon at dumiretso sa classroom pero laking gulat ko nang makita ko na kaagad si Jake sa hallway kasama ang isang babae, napakagandang babae. Huminto ako sa paglakad at napatitig sakanila. Napatitig lang ako sa kanila at pakiramdam ko ay ang buong atensyon ko ay nasa kanila lang ... sila lang at wala ng iba.


MATAPOS ang klase, dumiretso ako sa rooftop, binuksan ko ang door at tinahak iyon pero bigla akong nakarinig ng mga ungol, sinundan ko iyon at habang tinatahak ang daan, palakas ng palakas hanggang sa bumungad sa akin ang isang senaryo. Senaryong nakaka-pandiri sa paningin ko. Nakaramdam ako ng paninikip sa dibdib at biglang nandilim ang isip at mundo ko at nangati na rin ang mga kamay ko.

"Aalis ka sa harap ko o kakaladkarin kita?"-Matapang na sigaw ko dahilan para mapalingon silang dalawa sa akin. Sa hiya ng babae ay agad itong bumaba at inayos ang sarili niya.

"Ako ang girlfriend niya."-Mahinang sabi nito pero nakayuko. Malamang ay sinabi niyang girlfriend siya para sabihin sa aking, sino ako para magsalita ng ganuon. Ngumisi ako.

"Laruan ka niya."-Matapang na sabi ko dahilan para mapatingin siya sa akin. Ang lakas ng loob kong sabihing laruan siya pero alam ko namang laruan din ako pero paki ko? Galit at naiinis ako kay Jake ngayon. Nilingon ko naman si Jake, nakapalit na siya at ang talim talim ng tingin niya sa akin, ibinalik ko ang tingin sa babae na nakahubad pa rin. Napatingin ako sa katawan niya at parang batong natamaan ang ulo ko dahil kitang kita ko ang kumikintab na likido sa katawan niya, galing ang mga ito kay Jake.

"Magpalit ka na, habang matino pa ako."-Lintanya ko, agad naman siyang sumunod at nagmamadali ring umalis. Maamo naman siya, hindi siya nakipag away. Nilingon ko naman si Jake at mas lalong kumulo ang dugo ko.

"Ano ba ang problema mo!?"-Malakas na sigaw ko.

"What?"-Patay malisyang tanong niya.

"Yung babae mo ---"

"Tingin palang, ang sarap na niya ---"

Biglang nanginig ang kamay ko at bigla siyang sinapak -- isang matigas na sapak! Tumagilid ang mukha niya.

"Tarantado."- Nakangising usal ko at iniwan siya doon.

***

CrazyMedusa Wattpad   ||   Facebook Page

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon