Chapter 26

10.1K 246 14
                                    

Nica's POV

Pagkarating ko sa bahay, agad akong nahiga sa kama at napatitig pa sa ceiling. Pero tumayo rin agad at ibinaba ang pants ko exposing my thighs, hinawakan ko ang napaka-liit na talong rosas sa hita ko. I lied, sa sobrang desperada kong maging ordinaryo, pati sarili ko ay niloloko ko na, I have three tattoos, three roses, super small but it has a big killer meaning. Naramdaman ko nalang ang kusa at biglaang pag-patak ng luha ko at sumakto sa ito sa tattoo. Pinalis ko luha sa mga mata ko at inayos ang pants ko. Suddenly, something came into my mind. Dali-dali akong tumayo at nag-punta sa isang closed door. Pumikit ako at huminga ng malalim, tska ito pinihit at binuksan, kinapa ko ang switch at agad na in-on ang ilaw. Tumambad sa aking mga mata ang mga baril, napakaraming baril.

Nag-lakad ako at inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto, hanggang sa makita ko ang isang study table, lumapit ako at agad na binuksan ang drawer. Kinuha ko ang isang picture frame na nakataob, at agad ko itong ibinalik sa drawer nang makita ang mukha ni Ezekiel. Napa-pikit ako at isinara ang drawer. Sinunod ko naman ang isang drawer, tumambad naman ang ilang papel at notebook. Binuklat ko ito pero nagulat na lamang ako nang may humablot nito.

Gulat akong napalingon sa kung sino man ito, Jake.

"I'm sorry. I was bored."-Agad na pag-rarason ko.

"Wala ka bang nararamdaman? The last you came here you were shouting and scared."

Akala ko ay magagalit siya, pero hindi.

"Nothing. Ahm sorry."-Saad ko tska tumalikod at lalakad na sana pero may humawak sa braso ko.

"Hindi sa akin ang mga baril na'to, it's Ezekiel's."-Nilingon ko siya at siya naman ay naka-tingin sa ilang baril. 

"And one of his guns will be used for shooting that girl."-Tila nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi niya. Kung titignan mo siya ngayon ay galit na galit ang mukha niya. Yumuko siya at binuksan ang ikatlong drawer, kinuha niya ang isang USB.

"I'll show you something."-Saad niya tska hinawakan ang kamay ko at dinala ako sa living room at isinaksak ang USB sa TV at may pinindot siya, lumabas naman ang isang video.

Napa-takip ako ng bibig ko gamit ang isang palad.

Mula sa isang CCTV sa itaas, tanaw roon ang isang hideout, dalawang tao. Isang naka-cap ng itim na halos lahat ng suot ay itim, naka-gloves ng itim at kita mo ang napaka-haba nitong buhok na kulot sa dulo. Ang isang nilalang naman ay naka-leather jacket.

Simula sa pinaka-una ng video clip ay tila nag-uusap ang dalawa na tumagal pa ng isang minuto, haggang sa itinutok nung naka-cap ang baril nito at pinutukuan ang lalaki, tatlong beses. At tanaw sa CCTV kung paano umagos ang dugo nito sa may bandang dibdib. Itinutok naman nito ang baril sa itaas, hindi ito lumingon at hindi tumingin sa itaas. Ipinutok niya ito at tumama sa camera kaya nawala na ang video.

Pakiramdam ko piukpok ako ng martilyo. Pakiramdam ko nakidlatan ako ng napaka-raming beses. Napa-hawak ako sa batok ko at pinakiramdaman ang sarili. Napaka-bilis ng pag-tibok ng puso ko.  Tila nawalan ako ng dila. 

"B-Babe. Are you okay?"-Jake snapped.

Napalingon ako sakanya at tinitigan siya sa mga mata. He's in pain. Hinawakan ko siya sa magkabilang psingi gamit ang mga palad ko.

"You're in pain."-Biglang sambat ko. Pero ngumiti lamang siya ng pilit at ipinatong ang kamay niya sa kamay ko.

"Not only in your eyes but in your heart."-I whispered. Nanlambot ang tuhod ko nang makita kung paano umagos ang luha sa kaliwang mata niya.

Walang anu-ano'y niyakap ko siya nang napaka-higpit. 

"You're going to be fine Jake."-I whispered. Naramdaman kong ipinatong niya ang baba sa tuktok ng ulo ko at niyakap rin ako.

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon