Chapter 50

6.9K 161 16
                                    

Jake's POV

Nakatitig lamang ako sa kawalan habang patuloy na tinutungga ang hawak kong bote ng alak. 

"Jake stop it. Walang mangyayari kung patuloy mong gagawin yan, it's been a week Jake! You have to at least find her." Saad ni Sekhini na nasa tabi ko lang.

I smirked "Mahirap nang hanapin ang taong yun." Natatawang sagot ko sakanya, at naalala ang mga pinagsasabi niya. Kung ano siya at kung ano ang nagawa niya, wala ng bakas niya at alam ng pamilya ko ang nangyaring paghihiwalayan naming dalawa, pero hindi nila alam ang totoong anyo niya. Tss, she's a monster anyway. Still, hindi pa rin nababago, I still love her at yun ang nakakainis. It's been a week, at parang ang mga sinabi niya ay kanina lang nasabi, fresh pa ang lahat pero sa kabila nun, nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sakanya.

"Nung mawala siya, hindi ko man lang napansin na hinanap mo siya" Nakakunot na sabi nito "You're here at your terrace all day, drinking beer and making everyone worry. Gusto mo bang ako nalang ang maghanap sakanya? I can do that." Dagdag niya, pero nilingon ko siya at tinawanan. Mas lalo namang lumalim ang pagkaka-kunot ng noo niya.

"Hanapin siya? At tutulungan mo ako? Nicamaine Laguardia, hanapin mo siya, try it. Pero ngayon pa lang sinasabi ko na sayo, kahit tawagin mo pa ang pinakamagagaling mong hacker, you won't find her." Sabay lumagok sa bote ko. Sekhini's with me all day, simula ng mawala siya and she keeps asking me, na hanapin daw namin siya with her help. Well, if she's an ordinary woman, malaking tulong ang offer ni Sekhini, pero hindi siya ordinaryo.

"Come'n Jake! I can do anything!" This time, sinigawan na niya ako.

"You can't! Dahil walang Nica Laguardia na nag-eexist sa mundo! At kahit sugurin mo ngayon ang city hall o NSO wala kang mahahanap na pangalan niya! Naiintindihan mo!?" 

Her eyes widened. "Ano ang ibig mong sabihin?"

Lumakas bigla ang pag-tibok ng puso ko, no one knows kung sino talaga siya. At ito ang mabigat para sa akin, kinikimkim ko lahat. 

"She's no ordinary woman. Dahil katulad mo siya, pero mas malala pa. Sindikato siya Sekhini, at ang mas masakit siya pala ang taong matagal na nating hinahanap. Minahal ko ang taong pumatay sa kapatid ko at ang mas malala, patuloy ko pa rin siyang minamahal." And all of a sudden, bumigay na ang luha ko.

Napasinghap si Sekhini at nagbabadya ng tumulo ang luha niya at hindi nga ako nagkakamali, katulad ko, bumagsak na rin ito. Napa-upo siya sa bench na katabi nito.

"P-Paano mo nalaman?"

"Noong araw na umalis siya ng walang pasabi, hinanap ko siya ng gabing yun. May humarang sa akin na sasakyan at hinila ako papasok sa loob. Sinabi sa akin kung sino siya at kung ano siya, they even pointed a gun at me, and she did not even care. Bawal na raw siyang makita, at kahit ano raw ang gawin ko, hinding-hindi ko na siya mahahanap. Pinaalis ako sa sasakyan and they just left me, like that."

"S-Sila tita. Kapag nalaman ---" I cut her off

"At hindi nila malalaman. Ayaw kong mapahamak sila dito, mom's coping up with kuya's death. Everyone has moved on, if I were to brag this issue, mapapahamak sila."

"A-Anong gagawin mo?" Nag-aalalang tanong niya.

Huminga ako ng malalim. "Sa ngayon, tayo lang muna ang may alam at kung maaari, hanggang sa atin lang muna at hindi malalaman ng iba." Bumuntong hininga si Sekhini at tumango bilang pag sang-ayon. Tska ko muling ibinalik ang aking paningin sa papalubog na araw. And I can feel the loneliness.

"Hindi na ako magsisinungaling. Knowing who she really is doesn't matter but her without me, does. And it hurts me, just by thinking about it." Naramdaman ko naman ang pag-yakap ni Sekhini.


Nica's POV

Lumabas na ako sa mula sa kotse at naglakad patungo sa hagdan, paakyat sa eroplano. Yumuko naman ang mga tauhan ko ng dumaan ako, pero hindi ko na pinansin ang mga ito. 

'Pupunta ako sa Korea, sinabi sa akin ng magaling kong ina, na hahawakan ko na muna ang organisasyon namin sa Korea. Pumayag na kaagad ako dahil ano pa nga ba ang magagawa ko? Mas maka bubuti na rin ito.'

Inilabas ko ang nag-iisang  litrato ni Jake mula sa bulsa ko.

"Kung nasaan ka man ngayon ay sana maging okay ka na. Alam kong masakit ang ginawa ko, marahil hindi mo na nga ako mapapatawad, pero mas maganda iyon para matuto kang kalimutan at kamuhian ako."

Pinunit ko ito pailit ng pailit, tska ko ito binitawan mula sa kamay ko, at sa tulong ng hangin, inilapad niya ito. Nag-lakad na ako at tuluyan ng pumasok sa eroplano, tska naupo sa nakalaang upuan para sa akin.

Makalipas ang ilang minuto, naramdaman ko na ang pag-galaw ng eroplano. Binuksan ko ang bag ko, at kinuha ang papel na naka-tupi. Tinignan ko ang nakalagay roon at kusa ngang tumulo ang luha ko.

"Hindi ko alam ang gagawin ko sayo, patawad."

***

CM


Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon