Chapter 37

7.6K 186 30
                                    

Nica's POV

"Oh my gosh! He's smiling!"

"I can't believe this."

"Noon puro lang siya halik, ngayon puro siya ngiti."

Hindi ko pinansin ang mga bulungan nila, ganun din naman si Jake, patuloy lang ito sa pag-subo sa akin habang pangiti-ngiti. Andito kami sa cafeteria ng school dahil lunch break na, and guess what? Kasama namin ang isang kaibigan niya dito sa school, official niyang ipinakilala sa akin ang isang to dahil siya lang ang close friend niya, at yung mga ibang kaibigan niya, bahala na daw kung paano kami magkakakilala, he's weird. 

"Hoy Jake, hinay-hinay naman brad baka mapunit na yang labi mo sa kakangiti." Pang-aasar ng kaibigan niya na ikinatawa namin. Gusto ko itong isa, dahil hindi siya mapili or maybe hindi niya lang kilala si Sekhini. Masaya kasi ako nitong kinilala hindi katulad nung mga kaibigan ni Jake, halos itaboy na nila ako. 

Naalala ko nanaman yung batang yun, tss halos tirisan ko na sila, buti nalang napigilan ko ang sarili ko. -.-

Nasa ganuon naman kaming pag-uusap nang magpaalam na si Kris, yung kaibigan niya. Tumango lang ako tska na siya umalis. 

"Hon may itatanong ako." Pag-uumpisa ni Jake nang maka-alis na nang tuluyan si Kris.

"Hmm, ano naman yun?" Tanong ko sabay subo ng fries. 

"Anong kulay ng panty mo?" Nanlalaki ang mga matang nilingon ko siya. "Color black." Sagot ko sabay irap sakanya pero ang loko humalakhak lang siya, kaya sinubo ko sa bunganga niyang nakanganga ang mga fries. "Talaga bang black?" Taas baba pa ang dalawang kilay niya. Ang weirdo niya ha? Bakit siya ba ang nag-suot ng panty ko para ganyan siya umasta? -.-

"Kasi sa nakikita ko ngayon, color yellow siya."

Agad kong kinapa ang likod ko, naka-silip nga ang underwear ko! o___O Hinarap ko si Jake at sinakal sakal siya habang niyuyugyog siya para naman magalaw-galaw ang utak niya!

"Bakit hindi mo sinabi kaagad? Ang dami mo pang nalalamang ganyan eh." Inis na sigaw ko at tinigilan siya, umayos na ako ng upo para hindi uli sumilip ang panty ko. And oh yeah, I was lying about my underwear's color. -.-

This time, kakaiba na talaga yung tawa niya, yung tipong tuwang-tuwa. 

Never minding the people who are whispering about us. Pero hindi pa rin naka-lagpas sa paningin ko yung babaeng naka-upo sa mismong trash bin, doon pa sa tabi niya. Bakit siya diyan umuupo kung pwede naman sa table? Tska ang dumi doon eh.

"Hoy Jake, tignan mo yung babae, bakit doon siya kumakain?" Nginuso ko yung babaeng tinutukoy ko. Nagkibit-balikat lang siya at pinagpatuloy ang pag-kain. "Bakit? Tutulungan mo?" Tanong niya. "Alam ko kasi ang pakiramdam, alam ko ang pakiramdam ng nasasaktan at nahihirapan, kaya oo tutulungan ko siya." Tumayo na ako at nilapitan yung babae, tumayo na ako sa harapan niya pero hindi niya pa rin ako nililingon. Naka-indian sit lang siya.

"Hoy hindi ka pa ba tatayo diyan? Ang daming lamesa at upuan doon oh." Pag-uumpisa ko. 

"Dito ang pwesto ko, hindi mo na ako kailangang tulungan." Sagot niya nang hindi ako nililingon. Naramdaman mo na ba ang feeling nang nag-iisa, walang makausap at walang kasama? Kung oo, lapitan mo ang mga taong nakikita mong ganuon ang sitwasyon at kung hindi mo pa nararanasan, isa kang swerte. 

Yumuko ako at inilahad ang kamay ko, gulat siyang napa-tingin sa akin. "Girlfriend ka ni Jake diba?" Nanginginig na tanong niya pero hindi ko siya sinagot at ako na ang kusang kumuha ng kamay niya, tinulungan ko siyang tumayo.

"Maupo ka sa lamesa at hindi diyan sa basura." Utos ko tska umalis at nilapitan si Jake na kita kong nagustuhan niya ang ginawa ko. "Loner ka ba dati at ganyan ka nalang maka-asta pagdating sa mga katulad nila? You helped Ashley and Lency tapos yung isang yun din naman?" Natatawang tanong niya. 

"Nung bata ako, sobrang loner ko na kahit ang mga Barbie dolls na karamihang nilalaro ng mga bata ay hindi ko nalaro."

"Why?"

"Simply because they didn't give me that chance, you know my dad." Sagot ko.

But the truth is, my lolo is the one who didn't let me. Puro lang siya turo, kung paano bumaril, kung paano makipag-laban, kung paano maging malamig at kung paano maging matigas. Ayaw ng papa ko ang mga pinag-tuturo ni lolo pero wala siyang nagawa. Anyways, hindi naman ako galit kay lolo dahil lang sa inalis niya ang kabataan ko, okay an rin sa akin yun, at least natuto akong maging matapang dahil mas kakailanganin ko iyon sa pamumuhay. 

Nag-ring na ang bell kaya bumalik na kaming lahat sa kanya-kanyang classroom, naramdaman kong pinag-saklop ni Jake ang mga daliri namin, na palagi niyang ginagawa. 


KUMUHA ako ng kakaunting sabaw ng luto ko tska biglang idinikit sa labi ni Jake para sana isubo niya pero napamura siya sa init. "Be careful will you!?" Nag-iinit na saad niya, yan na umuusok nanaman ang tigre. Nginitian ko siya tska hinalikan sa labi sa bandang napaso, ayun naging maamo tuloy ang tigre. Nang ilalapit ko na uli yung spoon pinigilan niya ako. "I told you, I'm not into Indian Cuisine." Tss, who don't like Indian Cuisine? I'm gonna wreck your neck! -.- Ang sarap kaya. Ibitin ko tong si Jake eh, ang arte arte. 

"Sige na Jake. Tikman mo to, this is my favorite, pinaka-unang Indian food na niluto ko."

"Tss! I don't care kung yan pa ang kinakain ng Royal family, basta ayaw ko yan!" Pag-mamatigas niya. 

"Tss. Sige na tikman mo na." Pagmamapilit ko at inilapit pa sa labi niya. "Tss." Hinipan niya na ang sabaw at tinikman.


TIGNAN mo nga naman. At ako pa ang nawalan. -.- "Oh ano? Akala ko ba hindi masarap ang Indian cuisine?" Ngumisi siya at hinalikan ang kamay ko. 

"I will tell you something. My mother is into Indian Cuisine but she doesn't know how to make one, lahat ng Indian cuisine na niluluto niya, hindi masarap. Ang pait at ang alat an hindi mo maintindihan, at hindi ko akalain na masarap pala." Pinag-saklop niya ang kamay namin. "Ngayon palang, thankful na ako kasi ang galing galing ng kamay mong magluto. Ang swerte ko ... sayo."

Nakaramdam ako ng kakaibang saya at kilig and at the same time, lungkot. I don't deserve all that. Tumayo siya at lumuhod sa harapan ko. 

"Tomorrow, meet my parents tomorrow."

***

Andiyan na! Mangyayari naaaa! Kyaah! Haha. Salamat sa inyong paghihintay :) Nga pala, bigyan niyo ako ng mga pangalan, you can suggest your names or your .. ay basta kahit anong pangalan. I am running out of names. Hehe. Full name ha? Thanks babe :)

Follow niyo naman ako sa twitter @DakilangCrazyMedusa 

Like niyo facebook page ko CrazyMedusa Wattpad.






Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon