Nica's POV
"Thank you."- My heart raced because of what she said.
"Thank you?"
Tumango siya at ngumiti. "Thank you for telling him to stop searching for his brother's killer."
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. It's because I am selfish.
Who am I to say 'welcome?' Ang kapal naman ng mukha kung ganuon. I composed myself at tinanguan lang siya. "It's for his sake."- I added. Napaka-tamis ng ngiti niya at bahagyang pinisil ang kamay ko habang nakangiti. Pero napakunot ang noo ko nang unti-unting nawawala ang kanyang ngiti, gayundin ang biglaang pag-tagilid ng mukha niya at tila nasa ibang mundo ang isip niya.
"Shit!"- Pagmumura nito at tinignan ako. Bakas na bakas sa mukha niya ang pag-aalala, nagulat na lamang ako ng mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko at hinatak ako paalis sa lugar na iyon.
"Anong problema?"- Nag-aalalang tanong ko. At sa hindi maintindihang dahilan, nakaramdam ako ng kaba. Sobrang kaba, nilingon niya ako saglit pero hinarap rin ang daan at ngayo'y ang bilis ng aming lakad. Bumaba pa kami hanggang sa nakarating na kami sa parking lot. At laking gulat ko ng makita ang mga nakiki-osyosong mga tao sa may pinto, pero hinaharangan sila ng guard ng mall. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko, agad akong naglakad papalapit roon at pinag-tulakan ang mga tao, pero pagkarating sa pinto ay hinarang ako ng guard.
"Pasensya na ma'am pero hindi ho kayo ---"
"Back off!"- Malakas na sigaw ko sakanya at tinulak ko ang glass door dahilan rin para maitulak siya. Walang anu-ano ay lumabas ako at tinahak ang daan, hindi pa man nakakalayo, namataan ko na ang nagkukumpulang tao. Napa-kunot ang noo ko at agad na tumakbo roon. Hinawi ko ang mga tao at sobrang nadurog ang puso ko sa nakita ko. Nanlambot ang tuhod ko, naubusan ako ng hangin at naramdaman ko na lamang ang pag-bagsak ng buong katawan ko sa semento. Ramdam ko ang sunod-sunod na pag-tulo ng luha ko, gumapang ako papalapit at hinawakan ang kanyang kamay na naka-patong sa duguan nitong tiyan. Tila bumagal ang pag-ikot ng mundo ko, at tanging si Jake lang ang nakikita ko, wala ng iba.
"J-Jake."- Finally, nakapa ko ang dila ko at nasabi ang pangalan ng taong siyang dahilan ng kahinaan ko. Bukas ang mga mata niya, pero hindi ako nito nagawang tignan. Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang kamay niya.
'Fuck! I am so sorry! Jake I am so sorry!'
Gustong-gusto kong isigaw ngunit hindi ko ito magawa. Pakiramdam ko ay nag-numb ang buong katawan ko.
Sekhini's POV
As I saw how Nica fell on the ground, bumagsak ang balikat ko. I looked at Jake who's gasping for air at nagsi-unahang tumulo ang luha ko. Who did this to him?!
"T-Tumawag na ho ako ng ambulansya at parating na sila rito."- Rinig kong sabi ng lalaking nasa likod ko. "Salamat."- Saad ko. I composed myself at nilapitan aagad si Jake at nilagyan ng cloth ang parte sa kung saan siya nadale, but then I was shocked when another blood started to flow on the floor, napakunot ang noo ko at kinapa ang taligiran nito, nanginig ang kamay ko ng namasa ito sa dugo.
"Jake!"- I called out for his name and gently tapped his cheek, mulat ang mga mata niya pero hindi ito gumagalaw.
Nica was also out of words, puro hagulgol lang ang naririnig ko, mariin itong nakapikit habang dumadaloy mula sa mga mata niya ang luha, at ang kamay nito ay mahigpit na naka kapit kay Jake, habang ang isa ay nasa sahig at naka-porma ng fist at halatang nanggigigil ito.
BINABASA MO ANG
Devil Beside Me ✓
RomanceSa madilim na mundong ginagalawan niya, isa sa ipinatupad na batas ang ipinagbabawal na pagmamahalan pero ang mapaglarong tadhana ay hinayaan siyang mahulog sa isang taong may malaking parte sa buhay niya, ang katulad niyang sakim ay natuto ng mag-m...