Chapter 6

14.4K 286 11
                                    

Nicamaine's Point of View

Naka-upo ako ngayon sa isang bakanteng mesa sa cafeteria ng school. Nasa kalagitnaan ako ng kainan ng may biglang tumapat sa tapat ko. Yung babaeng sinampsal ni Jake, napatigil ako sa pag-kain at napatitig sakanya.

"I am sorry."-Nahihiyang pag-sorry ko. Ewan ko kung bakit ako nahihiya, siguro dahil ipinagtanggol niya ako tapos hindi ko man lang siya nagawang ipagtanggol sa harap ni Jake.

"No it's okay, but what's not okay is the relationship between the two of you."-Seryosong sabi niya. Napa-yuko ako at napatigil sa pag nguya ng pagkain.

"Ang tanong na paano makakatakas ay para sa'yo, tama ba?"-Tanong nito na parang isang ina. Tumango ako at tinignan siya. Bumuntong hininga siya.

"Huwag kang mahuhulog kay Jake. Huwag mo siyang subukang baguhin, masasaktan ka lang sa huli. Huwag na huwag kang lalapit sa lalaki. Sundin mo lahat ng gusto niya. Huwag mo siyang gagalitin, hindi mo mapapatigil yun. At higit sa lahat, kapag natapos na ang isang buwan, umalis ka na dito kung ayaw mong maipa-kain sa mga hayop."-Diretsahang pahayag nito, tska siya ngumuya habang nakatingin sa pagkain niya.

"Bakit hindi agad umalis si Lency?"-Takang tanong ko.

"She fell in love."-Sagot niya, nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sakanya.

"Until now?"-Tanong ko.

"Yup, until now."-Tumatango-tangong sagot nito. Napatigil lamang ako sa pag-iisip ng may sumigaw.

"Si Jake!"-Tili nito, napatingin ako sa glass door and saw him with another girl. Nakatitig lamang ako sakanila, hanggang sa nagsalit ang kasama ko.

"And one thing, don't assume. He will never love someone, even though he have a girlfriend, may babae pa din yan. A devil will always be a devil."-Matapos niyang sabihin iyon, napalingon uli ako kay Jake, only to find out he's intently staring at me. Pero hindi ako nakipag-titigan, instead, hinarap ko yung nerd na babae at nakipag-usap nalang sakanya. Pero nag-iba bigla ang tanong niya.

"He's with someone. Hindi ka ba nasasaktan?"-Takang tanong niya at halatang nang-kikilatis siya. Para siyang sanglaan. 

"He kissed me. And I know a guy like him will never change, so why would I get hurt?"-Sagot ko pero deep inside, hindi ko din alam. Ang ayaw ko lang naman sa lahat ay ang pag-sabi ng tunay na nararamdaman ko sa taong hindi ko pa gaanong kakilala.Tumango-tango si Ashley, Ashley is her name.


NATAPOS ang cafeteria part at nag-punta na ako sa classroom ko, naupo na ako sa pwesto ko at wala pa si Jake, wala pa yung katabi ko. Nakatanaw lang ako sa bintana ng makarinig ako ng chismisan sa tapat ko, kaya nakinig ang tenga ko pero ang mga mata ko ay naka-tutok sa bintana.

"May bago na ba si Jake?"-Tanong nung isa.

"Yung babae kanina diba? Yun na ang bago ni Jake, tss, may bago nanamang ipapakain sa mga hayop."-Sagot nung isa habang umiiling-iling pa at napatingin sa isang gawi, sinundan ko ang tingin nila at sumakto iyon sa tatlong babaeng nag mmake-up. Hindi ko pinansin ang mga pinag-sasabi nilang hayop. Pero ang mas kapansin-pansin para sa akin ay ang babae ni Jake.

Naghahalikan kami at pinapatira niya ako sa bahay niya. So, anung meaning ng pinag-sasabi nila? Naguguluhan ako! Tss! Ang dami ng nangyayari sa buhay ko, kailangan ko ng makaka-usap. Lumabas ako ng classroom at nag-tungo ako sa banyo ng babae. Naupo ako sa sink at tinawagan ang numero ni Allen at agad niya naman itong sinagot.

"Yes my dear girl friend?"-Bungad nito sa akin at naririnig ko pa ang pag-llecture ng teacher nila, napatawa nalang ako sa pagiging batas niya. Tsk!

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon