Chapter 66

6.3K 162 17
                                    

Nica's POV

Napansin kong nakapatay na ang lahat ng ilaw sa loob ng mansiyon ng Ejercito at ang mga ilaw sa labas ng bahay ang tanging nagbibigay ng liwanag ng mansiyon. Napangiti ako, aakyatin ko ulit ang kwarto na yun, gusto ko ng yakapin ang anak ko pero sana ay hindi ito galit sa akin.

Nakasuot ako ng itim na mga damit at leather boots, sa ganitong paraan walang ibang makakakita sa akin. Iniwan ko ang itim na Lambo sa gilid tska tinahak ang nag-tataasang pader na nagsisilbing bakod. Nag-tungo ako sa likuran at inakyat ang terrace na siyang pinasukan ko rin noong huli kong punta dito. Hinawakan ko ang sliding door at dahan-dahan itong binuksan, napangiti ako ng maamoy ko ang scent ng anak ko, amoy baby.

Tuluyan na akong pumasok at naabutan ang anak kong natutulog habang may yakap-yakap itong napaka-laking unicorn. Sa tingin ko ay mahilig siya sa unicorn. Lumapit ako at nanginginig na hinawakan ang kamay nito tska iyon hinaplos.

"I love you baby."- Bulong ko rito habang naka-ngiti. Nagwawala ang puso ko sa saya.

"Miss na miss na kita. I'm sorry."- Dugtong ko at pakiramdam ko ay namamasa na nga ang mga mata ko. Nakatitig lamang ako sa anak ko nang maramdaman kong may mga yabag ng paa ang papalapit dito sa kwarto. Umalis ako at tinahak ang isang corner ng kwarto kung saan hindi ako makikita.

Nakatayo lamang ako doon ng bumukas ang pinto at kumalabog ang puso ko ng bumungad rito si Jake, base sa suot nito ay kagagaling lang niya sa trabaho at ang gulo rin ng buhok niya parang wala rin siyang tulog.

Lumapit ito at naupo sa tabi ng anak ko. Mula sa pwesto ko, ang likod lamang ni Jake ang nakikita ko. He was just sitting there and it seems like he was only staring at Zyhena pero nagulat na lamang ako ng yumugyog ang balikat nito, napayuko siya at narinig ko na lamang ang pag-singhap niya.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa nakikita ko.

"I saw your mother and I should be feeling hatred, hatred, hatred and only hatred. But when I saw her, I felt loneliness and sadness."

Napahawak ako sa pisngi ko ng tumulo ang luha roon mula sa aking mga mata. Hindi na siya muling nag-salita pero kitang-kita ko kung paano siya umiyak kahit nakatalikod siya sa akin. Tila naalimpungatan naman ang anak ko kaya agad itong napa-bangon.

"D-Daddy. Are you crying?"- Oh my goodness her voice. My daughter's voice. Hinwakan ni Jake ang kamay ng anak ko. Yumakap naman ang anak ko sa ama niya, this is the most beautiful sight I've ever seen.

"Daddy. You did not come home yesterday. Have you seen mommy na?"- Napalunok ako sa narinig. Hinahanap niya ako?

"No. I'm sorry baby, wala pang balita tungkol kay mommy."- Pero nakita na niya ako noong isang gabi. If he was looking for me and saw me the other night, hindi ba't sasabihin niya dapat sa anak ko ang pagkikita namin? At nahanap na niya ako? Nag-umpisa na ring umiyak ang anak ko at nakayakap pa din siya sa ama nito.

"I hope makita ko na si mommy. I miss her daddy, I miss her so much."- Nanginig ang buong katawan ko sa narinig, parang gusto ko na tuloy umalis dito at makipag-yakapan din sakanila. Pero hindi, madadagdagan ang galit sa akin ni Jake. Hindi na sumagot pa si Jake at pinatulog na ang anak namin, nang tuluyan na itong naka-tulog, tumayo na rin si Jake at lumisan kasabay na din nun ang pag-alis ko sa pinag-tataguan ko. Tahimik akong naupo sa couch at nakatitig lamang sa prinsesa ko.

'Makikita mo na ako baby. Aayusin ko muna ang relasyon ko kay daddy. Hmm?'- Usap ko sa sarili ko.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto niya, madilim na ang paligid marahil ay tulog na nga ang lahat. Tumuloy ako sa kwarto ni Jake tska binuksan iyon, umalingasaw naman ang mabangong amoy ng kwarto nito. Tuluyan na akong pumasok at naupo sa couch, nasa banyo pa siya.

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon