Nicamaine's Point of View
Hindi ko pinansin ang nasilayan kong luha na bumaba mula sa kanyang mga mata, inaamin kong namangha ako dahil sa nakita pero wala akong pakialam, tumayo ako at ibinalot ko sa sarili ang kumot na pinang-takip niya sa akin, tumingin ako sakanya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya, tinapunan ko siya ng masamang tingin tska siya binangga at padabog na tinahak ang banyo.
Mabilis akong nag-bihis at nang matapos ay lumabas na ako. Hindi ko siya pinansin at hinawakan ang luggage pero may mga matitipunong bisig ang yumakap sa bewang ko.
"Don't leave me. I'm begging you."-Sabi nito at rinig ko ang pag-singhot niya. Totoo ba ito? Hinawakan ko ang kamay niya at dahan-dahan itong inialis sa bewang ko.
"Maghanap ka na ng babae mo."-Matigas na sabi ko. Hinawakan nito ang braso ko at dahan-dahang iniharap sakanya. Sadness covered his face.
"Babe I -- I am so sorry."
"Stop saying you're sorry cause you're not, alam ko namang ganito rin ang ginawa mo sa mga babae mo and I hate you for that."-Inis an sabi ko at pinalis ang luhang bumagsak sa mata ko dahil naalala ko kung paano niya ako babuyin kanina. Masakit yun dahil hindi ko siya official na boyfriend at higit sa lahat babae pa din ako. Tinalikuran ko na siya pero nagsalita pa siya.
"You're going to regret this Nica."-Matigas na sabi nito, napa-pikit ako tska nag-umpisang maglakad papalayo sakanya.
Nakayanan kong makawala sakanya kaya bakit sinasabi nilang walang nakakawala sakanya? Tss. At yung luha sa mga mata niya? Totoo ba iyon?
"OY ALLEN aral na ako."-Singhal ko kay Allen na ngayon ay nag-ttext. Sakanya ako tumuloy dahil ayaw ko kay Jake at higit sa lahat ayaw ko sa bahay. Kin-wento ko kay Allen ang nangyari at hindi siya nakapag-salita, nang kinwento ko ang nangyari sa amin ay nagalit siya ng sobra na papatayin niya daw ang Jake na iyon pero nang itinuloy ko ang kwento at sinabi ang pag-iyak nito ay hindi siya nakapag-salita, tumitig siya sa akin at kita ko ang kislap sa mga mata ni Allen na hindi ko maintindihan.
"Yeah get out, naghihintay na yung babae ko."-Inis na sabi niya. Napa-irap ako tska na bumaba. Pumasok na ako sa university at tinahak ang classroom pero bago pa man ako tuluyang makarating doon ay dumaan muna ako sa old building, tumingin ako sa paligid at nang masiguradong walang tao ay inilabas ko ang yosi ko at sinindihan ito tska bumuga. I do smoke pero hindi ako sunog baga. -.-
At sa tahimik kong pagbuga ng usok nakarinig ako ng mga taong paparating. Nag-lakad ako palayo dala ang yosi tska nagtago sa isang sulok.
Humithit ako tska bumuga.
"Ahh."
Napa-kunot ang noo ko tska sumilip sa bintana ng classroom. What the hell?! Napailing ako, may babaeng nakabukaka sa table at yung lalaki na may tattoo sa likod which is cool ay nakatalikod mula dito pero halatang may milagro sila.
"Tss."-I smirked at itinapon sa gilid ang yosi at tinapakan tska umalis papalayo doon. Naalala ko tuloy yung samin ni Jake. -.-
Pumasok na ako sa classroom at naupo sa upuan ko.
"Gretchen! Naamoy mo yun? Amoy yosi?"-Napatingin ako sa dalawa at nakitang tumingin pa sa paligid habang sumisinghot. Baliw, parang igno lang teh? -.-
"Brad amoy yosi tang ina!"
"Ang baho!"
Ngayon lang ba sila nakaamoy ng yosi? Kaasar na sila ah?! Posible namang walang bisyo itong mga lukaret na'to! Tss. Nag-ring na ang bell hudyat na time na, nagsipasok naman na ang mga studyante pero wala pang guro.
BINABASA MO ANG
Devil Beside Me ✓
RomansaSa madilim na mundong ginagalawan niya, isa sa ipinatupad na batas ang ipinagbabawal na pagmamahalan pero ang mapaglarong tadhana ay hinayaan siyang mahulog sa isang taong may malaking parte sa buhay niya, ang katulad niyang sakim ay natuto ng mag-m...