Chapter 38

8.3K 218 4
                                    

'Mahirap magpanggap pero sa isang taong katulad ni Nicamaine Laguradia, madali lang, sobrang dali lang.'

Nica's POV

Ngayon ang araw na ipapakilala niya ako sa pamilya niya, nasa kotse kami nito at hawak-hawak ng kamay niya ang kamay ko habang ang isang kamay niya ay nasa manibela. Papunta na kami ngayon sa bahay nila.

Wala akong pakialam kung hindi ako gusto ng pamilya niya, wala akong pakialam kung mas pabor sila kay Sekhini katulad ng mga barkada niya pero ang tatapak ako sa bahay nila? Ang katulad ko tatapak sa bahay nila? -.-

"Hey. They will like you." Natatawang sabi ni Jake. Ngumiti lang ako at hindi na sumagot. Maya-maya pa, bumwelta ito at pumasok sa napaka-laking gate. 

Huminto siya sa tapat ng isang garden at bumaba, umikot siya at pinag-buksan ako ng pinto. Lumabas ako at kumapit sa braso niya. Nag-umpisa na kaming mag-lakad hanggang sa naabot na namin ang pinto, binuksan niya ito at bubungad sa'yo ang napaka-bangong amoy na galing sa isang scented candle. Nag-bow sa amin ang mga katulong tska lumabas ang mama niya.

Napahinto siya at nawala ang ngiti niya nang makita kami, surely ako ang dahilan. 

"Who is she?" Tanong ng mama niya sabay turo sa akin. "I would like you to meet Nica Laguardia, my girlfriend." Proud na pagpapakilala ni Jake. Tuluyan ng lumapit sa amin ang mama niya at nakipag-kamayan sa akin. Tipid lang siyang ngumiti tska tumango.

"Good! Dinner is ready, anduon ang Tito Ramon at ang Tita Mabelle mo at kayo nalang ang hinihintay." Umalis na siya at naiwan kaming dalawa dito. 

"See? She likes you."

She likes me? Yung mga tingin niya sa akin, hindi ko gusto. Tumango nalang ako kaya nag-umpisa na kaming mag-lakad. Pero napahinto kami sa isang table na puno ng bulaklak at isang picture frame. "He's my brother. I would like you to meet him." Hinarap ko ang table kung saan may naka-lagay na mamahaling jar na pinaglalagyan ng abo. 

'We met again Ezekiel Ejercito.'

"He was the one I am talking about, anyways tara na sa kusina." Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa kusina. Mula sa pag-tatawanan, napa-hinto sila ng dumating kami.

"So. Who's this lady?" Tanong ng isang lalaki na nasa 40's. Diba sabi ko sainyong ayaw ako ng mama niya? Ni hindi niya man lang sinabi ang tungkol sa akin. -.- O kahit sa pagdating ko.

"She's my girlfriend. Dad, mom, tita and tito, I would like you all to meet Nica, my girlfriend." Muli niyang pagpapakilala sa akin. 

"Oh, nice to meet you iha. Come, sit join us." Pag-yaya nang tita niya at inurong pa ang bakanteng upuan na katabi niya para doon ako maupo. You see, mas gusto pa ako ng tita niya, I can tell if they don't like me.

Naupo na ako doon at naupo naman si Jake sa katapat kong upuan na katabi ng mama niya. Ipinagpatuloy nila ang pag-kkwentuhan na naudlot kanina. Nakakatawa ngang isipin, ang tita niya ang nag-aabot ng mga ulam sa akin. Seryoso, sino ba ang mama niya?

"So iha, mapunta naman ang usapan sayo. Saan kayo nagkakilala nitong anak ko?"

"Sa school po tito." At ako po ang napag-tripan, apparently naging makatutuhanan ang laro niya. -.-

"That's good. You can call me Tito Bernard o kahit dad nalang." Nag-tawanan sila dahil sa sinabi ng dad niya. He likes me, unlike his mother. -.-

"Bernard! Anung dad? Just call him tito." Mahinhin na saad niya pero nakita ko sa mga mata niya ang disgusto. Ayaw ko talaga ang tingin niya ah. Nag-tawanan naman sila na akala nila, nakakatawa ang sinabi niya.

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon