Chapter 41

8.4K 192 15
                                    

Nica's POV

Katatapos ko lang gamutin ang mga sugat ni Jake sa katawan. Nag-ddrive na raw ito pauwi ng may humarang sakanyang SUV, pinababa siya at pinag-bubugbog. 

"Sa tingin mo ba ang sumugod sa bahay namin ay siya ring gumawa nito sa akin?" Nanghihinang tanong niya.

"Hindi natin masasabi." Maikling sgaot ko. Kilalang kilala ko ang may gawa nito sayo Jake at hindi ko magawang masabi sayo, sorry.

Kinuha ko ang soup na ginawa ko kani-kanina lang at isinubo sakanya. Naging matahimik ang paligid, hindi ako nag-sasalita at hindi rin siya nag-sasalita pero alam kong maraming tumatakbo sa isip niya at alam kong naguguluhan siya. 

Nang matapos ko na siyang pakainin, pina-inom ko siya ng gamot tska ko siya pinahiga at kinimutan. 

"It's funny." 

"Funny what? What's funny?" Nakangiting tanong ko, para pagaanin ang kalooban niya.

"Ako dapat ang nag-aalaga sayo ng ganito kasi babae ka ---"

"Hon, relationship is not about taking care of the girl, it is about taking care of each other." 

Tumawa siya at hinalikan ako sa labi. "Tabihan mo ako, at huwag kang aalis." Ngumiti ako at tinanguan siya tska ako tumabi sakanya.


AGAD akong pumasok sa mansiyon ni Maze, nang masigurado kong nakatulog na si Jake agad akong umalis ng bahay at nag-tungo rito sa mansiyon ni Maze. 

Nang tuluyan na akong maka-pasok ng mansiyon, gulat na napatingin sa akin si Nine, hindi inaakalang pupunta ako rito ng alas-dyes ng gabi, nilapitan niya ako at yumuko pero parang nag-aalanganin ang mukha niya.

"Nasaan si Maze?" 

"Hindi ho kayo maaaring ---" Binigyan ko siya ng napaka-samang tingin dahilan para mapa-yuko ito at hindi nakapg-salita.

"Nasaan ---" Naputol ang dapat na sasabihin ko ng may katakot-takot na boses ang nag-salita sa likod ko.

"I didn't expect to see you here queen." Napalingon ako at laking gulat ko nang makita si Zacharias at nasa likod nito ang aking ina na walang emosyon. Nakatitig lang ito sa akin, matapos ng ilang taon? Ganyan lang ang reaksiyon niya, hindi ako lalapitan at yayakapin. Ano pa nga bang in-e-expect ko, hindi ko nalang siya pinansin.

"Si Maze ang gusto kong makausap patungkol sayo, apparently nandito ka na rin naman." Tulad ng aking ina, wala rin akong ipinapakitang emosyon. 

"Bakit mo yun ginawa kay Jake?!" This time, tumaas na ang boses ko. Ang lolo ko ay si Zacharias at alam kong siya ang nagpabugbog kay Jake. 

"Hmm, to get you home. Hindi ko akalain na may boyfriend ka na iha at mas lalong hindi ko akalain na isa pala siya sa kapatid ni Ezekiel, what an interesting love story." Nag-init ang ulo ko dahil sa pinag-sasabi niya. Ano ba ang alam ng matandang to?!

"Home ---"

"Tama na ang dalawang taon na pamamalagi mo sa labas ng mundo mo, now this is the time para bumalik ka na sa amin, sa tunay na tahanan mo." 

"Wala akong pakialam sa lecture mo, nandito ako para sabihin sainyo na tigilan niyo si Ejercito." Tinignan ko ang aking ina at tinapunan siya ng masamang tingin bago ako tumalikod.

"Can't do that queen. Dahil hanggat hindi ka bumabalik dito, hindi namin titigilan si Jake -- no scracth that, hindi namin titigilan ang pamilya niya. So choose, us? or him?"

I scoffed. "Him." Madaliang sagot, isang salita. 

Malakas siyang humalakhak at tinignan ako na para akong isang clown. "I love him." Ang lakas ng halakhak nito ay unti-unting nawala, si Maze ay sumeryoso ang tingin sa akin, si mama at si Zacharias ay naka-tingin sa akin na para akong tanga.

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon