Chapter 44

6.7K 159 7
                                    

Nica's POV

Ilang buwan na ba? Ilang buwan na ba ang nakalipas? Dalawa, dalawa na. Kinuha ko ang isang bote ng San Mig sa cooler tska ito binuksan gamit ang isa pang bote, tska ko ito inabot kay Ashley.

"Nakalimutan mo ba? Hindi naman ako umiinom."- Inirapan ko siya, tska ako uminom. 

"Hindi ko nakalimutan, sinubukan lang kita. Tama ang sagot mo, kaso kung hindi baka hinagis na kita."- Bahagya pa itong tumawa at umiling-iling.

"Alam mo, you're a thoughtful one. Pero hindi mo naman pinapakita sa iba, you keep on helping people but in the end, you always end up the bad one."

"That's how my life works. Hmm, good to hear that tho, at least kilala mo na ako."- Ngumisi siya at tinanguan ako.

"Kumusta si Jake?"

"He's fine, I'm happy he's doing good, for now."

*One Month Ago*

"Do you know why Jake Ejercito is still breathing?"- My mom raised her eyebrow and started to eye me like I'm some kind of specimen. She's pissing me off. "It's because of me. Hmm, but what if I'm gonna end his life? Like one shot? How would that feel?"

Andito ako sa bahay namin, oo namin, kahit pa man ganyan ang pamilya ko, pamilya ko pa rin sila. Yes this is our house, but never a home. 

Alam ko na hindi ko sila maidadaan sa pakiusap, hindi ko masasabi sakanila na sana tigilan na nila si Jake at ako, hindi ko pwedeng basta-basta sabihin na kalimutan na nila ako bilang anak. Kayang-kaya nila akong itakwil at kayang-kaya ko rin iyong gawin. Kung kaya naming gawin ang bagay na yun, magiging madali nalang ang lahat, pero hindi. Alam niyo yung legacy? Para sakaila, yun ang pinaka-mahalaga, kaya kailangan nila ako dahil ako lang naman ang only child ng aking pinaka-mamahal na ina. At para sa akin, kahit pa madaling sabihin at isipin na kaya kong lumayo sakanila, deep inside sa akin, mahirap pa rin. Kasi, pamilya ko sila. See the difference? Yung sakanila ang pinakamasakit. 

Hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon. "Pagkabungad ko palang sayo, si Ejercito na kaagad ang nasa bibig mo. Ang pagpatay sakanya ang naunang lumabas sayo."- Ngumiti ako ng mapakla at umiling-iling, bilang pagka-disgusto.

Ngumiti siya sa akin at pinag-krus ang dalawang kamay sa dibdib. "So do you want me ---"- I cut her off.

"Hindi ako nagpunta dito para magkaroon ng moment sayo."- Saad ko at itinaas ang puting folder tska inihagis sakanya at nahulog sa sahig, kusang lumabas ang laman nitong mga pictures.

"Alam mo kung bakit buhay pa si Jake? Kasi buhay pa ako. At alam mo, kung nangangati yang mga palad mong pumatay, yang babaeng yan ang patayin mo. Ah, huwag pala, kasi masaya na siya, kapiling si papa. May anak na sila. Step sister ko."- Nginisihan ko siya.

"Tinitigan ko buong araw yang mga litrato, at kahit paulit-ulit kong tignan, sa huli, ang naiisip ko ay huwag siyang iwan. Ngayon, ikaw naman. Titigan mo ng mabuti yang mga litrato, para ma-realize mo kung ano ang nawala sayo dahil diyan sa lecheng batas na yan."- Inirapan ko siya at tinalikuran, pero nagsalita na ito, kaya ko siya hinarap.

"Hmm, what an interesting pictures. But for your information, your father fell for my trap. Do you know what's the trap? Kailangan ko ng isang anak na magiging legacy ng mundo. I don't care if it's a girl or a boy, but it is the person who can take care of the legacy of this organization."- She said, without an emotion. Her face is blank.

My heart started to race. "Yan din ang sinabi ni papa. He kept on shouting at me at paulit-ulit niyang sinabi na gawa lang ako sa plano, planado lang ang lahat. Na ako ay isang gawa ng mag-asawang - alam mo? Ng mag-asawang iisa lang ang nagmamahal. Dalawa na kayong nagsabi sa akin niyan at ngayon, alam ko na ang pagkakaiba. Yung sayo, totoong totoo at yung kay papa, may halong sakit."

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon