Chapter 18

9.1K 241 17
                                    

Nicamaine's Point of View

Hindi ko alam kung bakit ako naiinis, kung bakit kumukulo ang dugo ko sakanya. Kakaiba ang galit an nararamdaman ko ngayon, parang galit na may kasamang tuwa! Grabe, baliw na yata ako at kailangan ko nang magpa-konsulta. 

Malakas kong sinipa ang pintuan ng makapasok ako sa loob.

"Pwede ba huwag mo sipain yan."-Napalingon ako at nakita si Ashley na naka-upo sa isang table at nakaharap ito sa labas. Nilapitan ko siya at tinabihan, nilingon ko ito at kita ko ang pagiging haggard niya, hindi ko kita ng buo ang mukha niya pero mukhang haggard siya ngayon.

"Saan ka nagsususuot at bakit ganyan ang hitsura mo?"-Pabalyang tanong ko, kita ko ang pag-yuko ng ulo niya.

"Probema, napaka-laking problema."-Malungkot na sabi niya. Nakita ko ang pag-pahid ng luha niya mula sa mga mata niya. Halata nga, malaki ang problema niya.

"Baka gusto mong i-kwento, nakakawala yan."-Hindi sa chismosa ako, nakakatulong talaga iyon. Tska kapag kasi ako ang may problema gusto kong may makikinig sa akin, kaya ito ang ginagawa ko sakanya, lumalapit ako bilang listener niya.

"Miss ko na kasi si Ate."-Malungkot na sabi niya at bigla nanaman siyang humikbi, napalingon ako sakanya at napa-kunot ang noo ko nang makita ang  black na rectangle sa may damit niya, yung tradisyunal na ginagamit ng relatives kapag may namatayan.

"Sinong namatay?"-Kunot noong tanong ko. 

"P-Paano mo nalaman?"-Kunot noong tanong niya na nakatingin na sa akin ngayon. Napairap ako tska siya pinitik sa noo niya.

"Loka-loka, yang naka-kabit sa damit mo, baka gusto mong ikabit ko yan sa noo mo para maalala mong may nakakabit sa'yo."-Pang-aasar ko. I know it's rude lalo na't alam kong namatayan siya pero ganito talaga ako. At hindi ko naman akalain na napatawa ko siya.

"Parehas kayo ni ate, k-kaya gustong-gusto kita kahit ganyan ka. Dahil nakikita ko siya sa'yo. Parehas kayong matapang at parehas kayong sinasabi ang gusto niyong sabihin kahit pa masaktan yung tao."-Sabi pa niya tska siya tumawa, isang pilit na tawa. Hindi ko na siya nilingon pa.

"Anong nangyari sakanya?"-Tanong ko habang nakatingin rin sa labas.

"G-Gang fight."-Usal niya at rinig ko ang hikbi niya, napalingon ako sakanya at napatitig tska muling bumalik ang tingin sa labas.

"Mukhang hindi mo na dapat ikwento pa sa akin ang bagay ---"

"Ginamit siya at pinatay."-Tuloy niya pa rin, napalingon ako sakanya. Ang mga ganyang bagay ay hindi na dapat pa in-open sa iba.

"Ashley, hindi mo na dapat ---"

"Iba ang habol nila pero b-bakit si ate ang pinatay!? Wala namang kasalanan ang ate ko eh, nadamay siya."-Humahagulgol na sabi niya. Lumalim ang pagkaka-kunot ng noo ko at nilingon siya.

"Sabihin mo anong pangalan ng ate mo?"

"Stella. Stella Agoncillo."

S-Shet! King inang yan ang liit ng mundo huta!

Pakiramdam ko nanikip ang dibdib ko sa sinasabi niya. Napaiwas ako ng tingin at tumitig sa malayo habang nakikinig pa rin sakanya.

"Kahit kapatid ko siya sa labas, mahal na mahal ko yun p-pero wala na siya."-Pag-tuloy niya tska muling humagulgol, ngayon, napakalakas. Napa-lunok ako at ramdam kong namamasa na rin ang mga mata ko. Napaka-liit talaga ng mundo. Tumingin ako sa itaas para hindi tuluyang tumulo ang mga mata ko pero huli na dahil tumulo na ang mga ito, tumayo na ako at nag-lakad paalis, rinig ko ang pag-tawag niya sa akin pero hindi ko na nagawang lumingon. Pumasok ako sa banyo at pinahid ang luha sa pisngi at mata ko. 

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon