Chapter 62

5.9K 185 8
                                    

Nica's POV

Naka-titig lang ako sa labas ng sasakyan at pinapanuod ang ulan na patuloy sa pag-bagsak. Muli akong pupunta sa hospital para dalawin ang anak ko.

"Napapadalas ang pag-dalaw mo."- Napalingon ako sa kay Maze na ngayon ay nasa tabi ko. Sinabi ko sakanya ang nangyari sa anak ko at dahil inalagaan niya ito noong nasa Korea kami, malapit na rin siya dito at gusto niya daw masilayan.

"Wala naman na akong balak na makita siya eh pero nang sinabing may nangyari sakanya, natakot ako kaya binisita ko kaagad siya pero hindi ko akalain na noong nakita ko siya, ayaw ko nang mawalay pa sakanya kaya hangga't maaari, dadalawin ko siya para makita kung safe siya. Then I'll be in peace."- Pag-eexplain ko. Tumango-tango naman ito at tinapik ang balikat ko.

Muli akong napatingin sa labas. At muling pumasok sa isipan ko ang nangyari kahapon, yung kinurot ni Sophia ang anak ko. Hindi ako mapakali, para tuloy gusto kong kunin ang anak ko mula sakanila but knowing Jake, ipaglalaban niya ito.

Tss. No. Hindi ako makapapayag na saktan niya pa uli ang anak ko, hanggang meron ako. No one can harm her.

NARATING na namin ang hospital at agad kaming bumaba at tulad ng nauna, nagtatabihan nanaman sila. Lumabas na kami sa elevator at tinahak ang daan patungo sa kwarto ng anak ko, pinihit ko ang pinto at bumungad sa amin ang buong pamilya ni Jake. Napatigil nanaman sila sa pag-uusap at tila natakot, it's Maze. Talagang matatakot ka kapag nakita mo siya, mas lalo na kapag napapalibutan siya ng mga tauhan niya.

"This is Maze. A friend of mine. Minsang nag-alaga kay Zyhena noong sangol pa lamang siya."- Pagpapakilala ko. Ngumiti si Maze at nakipag-kamayan kina Tito, Tita at Jake. Nandito rin si Sekhini at Sophia, pero hindi ko na sila pinansin pa at agad nilapitan ang baby ko na mahimbing na natutulog.

Hinawakan ko ang noo niya at napansing inaapoy ito sa init.

"What happened?"- Lingon ko sa ama nito.

"It was 5 am when she started crying, they checked her up dahil inaapoy siya ng lagnat. It was 42 pero bumaba naman na ngayon."- Pag-eexplain niya. Tumango ako at dahan-dahan hinaplos ang buhok niya.

"Malaki na siya Nica at kamukhang-kamukha ka niya."- Nakangiting saad ni Maze. Nag-bulungan kami na may kailangan itong areglohin at hindi siya pwedeng mag-tagal dito sa hospital. Nag-paalam na rin siya sa pamilya ni Jake tska umalis.

At ako nanaman ang nag-iisa dito sa loob. Hindi ko pinansin ang napaka-tahimik na atmosphere, ramdam ko din naman ang mga pag-titig nila sa akin.

"Iha."- Napalingon ako sa tumawag at humawak sa braso ko. Si Tita, ang mama ni Jake.

"Pwede ba kitang maka-usap?"- Tanong niya at napansin ko ang reumehistrong kalungkutan sa mata niya. Hindi ko alam kung bakit o ano pero tumango na lang din ako. Humalik ako kay Zyhena tska sumama sakanya.

Lumabas kami at naupo sa isang bench na medyo malayo sa room ni Zyhena. Inabutan niya naman ako ng isang mainit na kape mula sa vendo tska na siya naupo sa tabi ko.

"It's been three years iha. Kumusta ka na?"- Punong-puno talaga ng lungkot ang mga mata niya at hindi ko makuha kung ano ang dahilan.

"I'm doing fine."- Mahina kong sagot. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya at namayagi ang isang napaka-habang katahimikan but she spoke.

"Nakausap ko ang mama mo, isang malalim na usapan. Sinabi niya sa akin ang dapat kong malaman."- Napalingon ako sa sinabi niya at nag-landas ang luha sa mga mata niya at nanghina ang puso ko sa sumunod na sinabi niya.

"And I know what happened to Ezekiel, my son and Jake's old brother."

Nanlamig ang kamay ko kahit pa hawak nito ang umuusok na kape. Nakatitig lamang ako sa mga mata niya at nakuha ko na nga ang sagot, ako ang dahilan kung bakit malungkot ang mga matang yun. Hindi ko na nga pinalagpas, binitawan ko ang kape at gamit ang kamay ko ay pinunasan ko ang luha sa pisngi niya.

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko na nga alam ang pumasok sa isipan ko pero binitawan ko ang kamay niya at lumuhod sa harapan niya na siyang iki-nagulat niya.

"Patawad."- Punong-puno ng sinseridad na sabi ko.

"Alam kong sindikato siya. Nagka-gulo kayong dalawa at nang lumipas ang panahon pinag-tagpo naman kayo ni Jake. I don't know pero pumasok sa isipan ko that maybe destiny has a different way for people to meet their destined ones."

"Kunin mo na ang mag-ama mo. Jake deserves you and not Sophia."- Napa-awang ang labi ko sa sinabi niya pero agad akong nakabawi at mariing umiling sa sinabi niya.

"Jake deserves a perfect family and a perfect woman. Maaaring pinag-tagpo lang kami pero hindi kami ang para sa isa't isa, ibang-iba ho ako sakanya Tita. Ang mga taong nakakakilala sa akin sa mundo ko, ang tingin sa akin ay isang naglalakad na kutsilyo. Let Sophia and Jake be together or some other woman that will suit him pero hindi ako yun."

Nanlaki ang mga mata niya at napailing na tila hindi tanggap ang sinabi ko.

"M-May anak ---"

"I know. Pero he does not deserve me, he doesn't deserve a woman like me who made a big sin in her past. What he deserve is a perfect woman."

"Iha. Masakit sa akin nang malaman ko ang tunay na kumitil sa buhay ng anak ko."- Tumigil siya at hinawakan ang kamay ko.

"Sinabi sa akin ng mama mo na napag-gigitnaan at iniipit ka ng buhay mo noon that's what you made a dirty thing. Pero alam kong may mabuti ka namang puso deep within you at napatunayan mo yun. You broke up with Jake to protect him, kahit pa masasaktan ka din ay pinili mong iwan siya para sa ikabubuti niya. You gave Zyhena to Jake dahil alam mong si Jake ang tanging p-protekta sa anak mo."- Tumigil siya at inilabas ang isang pamilyar na kwentas. Ang binigay ko sakanila noon.

"Napansin ito ng mama mo. Noong binigay mo sa amin ito, I thought it was just a simple gift. Pero sa tagal kong suot ito tsaka ko lang na-realize. This necklace that you gave will protect the person who's using it. Your mom said, it has tracker that if something happened to me, that alarm will automatically turn on. Sobrang natuwa ako noong sinabi niya yun."- Tumigil siya at hinaplos ang buhok ko.

"Let's put all of the things in the past and leave it there. Mag-umpisa ulit tayo ang correct the things that we have done."

"I forgive you iha."

Para akong nabawasan ng tinik sa sinabi niya. Nanginginig akong niyakap siya at dinamdam ang mga oras na yun tsaka kami nag-hiwalay sa isa't isa.

"C-Can you go to my son now, claim him and be together again?"

Napa-yuko ako pero agad ding ibinalik ang tingin sakanya, umiling ako at mapait na ngumiti.

"Let's leave everything in the past. Everything tita, as well as our relationship. You, Jake and my daughter. Hindi ko na ho pwedeng maibalik ang dati dahil pagkatapos na gumaling ni Zyhena, hindi na ho ako maaaring magpakita pa. Hihintayin ko ang paggaling niya tska ako tuluyang aaalis."

Napa-buntong hininga siya at alinlangang tumango.

Niyakap ko siyang muli.

Jake's POV

"Let's leave everything in the past. Everything tita, as well as our relationship. You, Jake and my daughter. Hindi ko na ho pwedeng maibalik ang dati dahil pagkatapos na gumaling ni Zyhena, hindi na ho ako maaaring magpakita pa. Hihintayin ko ang paggaling niya tska ako tuluyang aaalis."

Napa-sandal ako sa pader at napa-pikit.

'She killed my brother. But why does it hurt to see her leaving like this?'

***

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon