Chapter 47

6.7K 200 17
                                    

Nica's POV

Napamulat ako ng may napaka tamis na ngiti sa labi. Yesterday night was so crazy, we made it two times. Ang sarap pala sa pakiramdam. Pakiramdam ko babaeng-babae na ako ngayon. Nilingon ko ang lalaki pinaka mamahal ko na ngayon ay mahimbing na natutulog sa tabi ko. At dahil masaya ako, gusto ko siyang ipagluto. Kaya dahan-dahan akong bumaba ng kama at inayos muna ang sarili bago bumaba.

Hinihiling ko sa lahat ng mga santo at kahit sa mga maligno na sana hindi ko makita ang pagmumukha ng ina ni Jake. Pero malas ako at hindi napakinggan ang hiling ko.

"Magandang umaga po."- Bungad ko rito kahit ayaw ko naman talaga siyang batiin. Nilingon naman ako nito at laking gulat ko ng tinanguan niya lang ako. Hindi ko nalang binigyan ng pansin ang presensya niya at nag-umpisa ng maghanda ng iluluto ko para kay Jake. Kinuha ko na lahat ng ingredients na lulutuin ko for may 'chicken curry.' And believe me, wala pang nakaka-tikim ng luto ko kung hindi ako lang, diba bongga? Isa na talaga akong loner sa Earth.

"Are you a ghost?"- Napahinto ako sa ginagawa ko at kunot noong nilingon ang mama ni Jake. Oo, alam kong baliw na ito simula't sapol pero sa tanong niya, mental nalang ang kulang para sakanya. 

"Ano po?"- Normal na tanong ko.

Hindi siya sumagot instead iniabot niya sa akin ang folder na agad ko namang tinanggap. Walang paligoy-ligoy ko iyong binuksan at binasa ang nasa loob nito.

"You are now my son's girlfriend. And since you came puro kasamaan na ang nangyayari sakanya. Sunod-sunod na barilan ang naganap."- Tumawa pa ito ng sobrang pakla. "Naalala mo ba noong unang pagkikita natin? Nilooban kami ng mga masasamang tao! And since then, sunod-sunod na kamalasan na ang nangyari, lalo na kay Jake. I might sound rude pero iniisip ko si Jake at ang pamilya ko. Kaya ako nagpa background check sayo pero hindi ko mahanap ang Nica Laguardia. It is one hundred persent na pangalan mo yun. Pero hindi ko mahanap ang pangalan mo."- Napa-kapit ako sa lababo na nasa likuran ko. Of course, hindi nila mahahanap ang pangalan na yun, burado ako sa mundong ito at tanging peke na mga papeles lang ang pinang hahawakan ko mag mula ng tumira ako dito bilang isang ordinaryong tao.

"Ano po?"- Kunwaring naguguluhang tanong ko. Napa tango-tango nalang sa akin ang mama niya at pilit akong nginitian.

"Baka nagkamali lang ang investigator ko."- Saad niya bago tuluyang umalis. Para naman akong nabasawan ng tinik sa singit. Huli ka tita, pinapa-imbestigahan mo pa pala ako. Napa kibit balikat nalang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. 


KININDATAN ko ang mga katulong na ngayon ay pinapanuod akong mag luto ng mga potahe. Iba't-ibang cuisine ang pinagluluto ko, ganito na talaga ako noon pa. Ang pinagkaiba nga lang, ngayon ako at ibang tao ang kakain, samantalang noon ako at ang aso ang kumakain sa niluluto ko. Swerte ng mga asong yun, napaka sarap ng pinapalamon ko sakanila.

Pinatay ko ang stove at inihain sa babasaging plato ang pang huling potaheng niluto ko. At kumikinang ang mga matang inabot yun ni manang.

"Ang bango!"- Masayang komento nito tska lumabas upang ihanda ito sa lamesa. Nag-iisang chicken curry lang naman dapat ang iluluto ko pero nalaman kong darating ang ibang pamilya nila kaya sinagad ko na, buti nalang at alas-kwatro ang gising ko kanina. Kung saan nakausap ko ang weirdong ina ni Jake.

"Iha. Salamat sa pag-tulong ah? Siguradong matutuwa sila senyora sa mga potaheng niluto mo, iba't-ibang cuisine!"- Pumapakpak na saad ng isang kasambay. Ngumiti na lamang ako pabalik.

"Baka masakit na ang katawan mo! Gusto mong pahiramin kita ng massage patch ko?"

"Hindi na po. Okay lang naman ako."- Magalang na saad ko. Wala naman itong patama sa mga bigat ng baril na nahawakan ko. Napailing ako, bakit pumapasok sa isip ko yun? Tss. 

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon