Chapter 20

10.8K 237 20
                                    

Nicamaine's Point of View

Akmang lalapitan ako ni Jake ng itinaas ko ang kamay ko, kaya natigil siya.

"No kiss no touch. Kaya pwede ba? Dapat mag-sorry ka doon sa babae at sabihin mo na tigilan na siya."-Lintanya ko tska muling hinagis pataas ang grapes at kusang nahulog sa bunganga ko sabay nguya. 

"But ---"

"No buts Jake Ejercito. Bye."-Sabi ko at nag close open ang palad bilang paalam habang naka-nguso sa pinto.

Hindi niya ako pinapasok ngayon dahil kailangan ko raw magpahinga na agad ko namang sinangayunan dahil may plano ako ngayon. 

"Tss fine. Ingat ka dito, call me immediately when you need something."-Paalala niyang muli, kanina niya pa iyan sinasabi at nakakatuwa lang.

"Oo na. Alis na baka ma late ka pa."-Pagpapaalis ko. Umalis naman na siya ng tuluyan.  Tumayo kaagad ako at inalis ang benda. Naligo na ako at nagpalit. Puputahan ko si Maze at may tatapusin ako, ngayon na. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang numero na binigay ni Nine.

"Yung motor."-Bungad ko nang sinagot niya tska ito tska ko binaba. Lumabas na ako ng bahay at saktong dumating na yung motor ko. 

Agad akong sumakay at pinaharurot ito patungo sa Clavarell Medical Center. Pumasok kaagad ako at nagtungo sa private room na sinabi ni Nine. May mga naka-bantay na BG, napaka dami nila, knowing Maze ngayong tumatanda na ito ayaw niyang may maraming BG na naka buntot sa kung saan man siya. Kaya nagtaka ako, sino ang mga ito? 

Lumapit ako pero agad akong hinarangan ng BG na may napakalaking katawan.

"Kaibigan ako, bakit mo ako hinaharangan?"-Matapang na tanong ko, napayuko naman siya.

"Pasensya na. Nasa loob ang Primo."-Matigas na sagot nito. Napa-kunot ang noo ko, Primo? Nanlaki ang mga mata ko. Si Primo! Nakaramdam ako ng saya at tuwa.

"Paraanin mo ako."

"Ipinagbabawal ho ng Primo."-Usal nito.

"Nicamaine."-Pagpapakilala ko, napatingin ito sa akin.

"Queen."-Pagtawag niya dahilan para mapa-irap ako sa ere. Ang pag-tawag sa akin ng Queen ay hindi ako sanay, maaaring tinatawag ako ni Stella pero iba ang pakiramdam ko kapag kaibigan ang tumatawag sa akin niya dahil pakiramdam ko parang wala lang pero kapag ang mga katulad ko ang tumawag sa akin niya ay naiinis ako at naririndi. 

"Don't call me that, just let me in."-Yumuko naman siya at pinaraan ako, pinihit ko ang door knob at pumasok sa loob bumungad sa akin ang parang sala at glass na may kung anong tubig na umaagos sa loob, sinara ko ang pinto at tinahak ang daan, at heto ako ngayon nakatayo sa harap ng malaking kama sa harap ng godfather ko at harap ng Primo. Napalingon silang dalawa sa akin. Lahat ng saya at tuwa na nararamdaman ko kanina ay naglaho, at napalitan ito ng takot. Lumaki ang katawan niya at ang isang buong braso nito ay may tattoo. 

"Primo."

"Nicamaine."

Nagkatitigan kami at hindi ko nakayanan ang titig na iyon kung kaya't napababa ang tingin ko pero dumapo ang mga mata ko sa braso niya at tumambad sa akin ang mga numerong naka-ukit sa braso niya. 1995. Tila nanigas ang buong katawan ko, bumilis ang tibok ng puso ko at nanginig ang mga kamay ko. 

"I-Ikaw ---"-Lintanya ko habang nakatitig pa rin sa braso niya.

"Nica."-Mahinang pagtawag ni Maze. Napa-angat ako ng tingin kay Primo an ngayon ay mabagsik na nakatingin sa akin.

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon