Chapter 55

6K 137 9
                                    

Nica's POV

Napangiwi ako ng idiniin ni Josana ang bulak sa braso ko. Naaalala niyo pa ba siya? Siya ang kaibigan ni Sekhini, may mukha siya sa tattoo ni Sekhini dahil matagal na niya itong kaibigan pero ang buong akala niya ay patay na si Josana. 

Nakatitig lang ako sakanya, isa siyang napakalambot na babae noon, pero pinatigas ko ang pusong iyon. Naaawa kasi ako sakanya, she's too soft to enter my world kaya binago ko siya, and look at her, she doesn't even smile. 

Tumayo na siya tska inilapag sa side table ng kama ang mga ginamit niya, siya ang pinili kong taga linis kapag nagkakasugat ako, nasasaksak o nababaril. Nang matapos siya, umupo na siya sa tabi ko at nakayuko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama, nagtungo ako sa isang kahon at kinuha ang isang picture doon, si Sekhini. Nilapitan ko siya at muling naupo sa tabi niya, tska ko ibinigay yung picture, nanlaki ang mga mata niya ng makita ito.

"P-Paano mo siya nakita?"- Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

"Nakilala ko siya nang mga oras na lumabas ako dito. Alam mo bang ang mukha mo ay nakaukit sa katawan niya."- Saad ko rito. Nakita ko ang pag-ngiti niya.

"Itago mo na yang litrato. It's been 10 years already, ayaw mo bang magpakita kahit sakanya lang?"- Tanong ko rito. 

"Gusto ko man queen pero hindi maaari, gusto kong maging tahimik muna ang paligid ko, ayaw kong may madamay."- Saad niya tska itinago na lang din ang litrato. Nagpaalam na siya tska umalis dala ang first aid kit. 

Tumingin ako sa box na pinagkuhanan ko ng picture ni Sekhini, nakalimutan kong itapon ang mga yun. Tumayo na ako at kinuha ang kahon tska tinahak ang garden ng mansiyon, gabi na din. Nagsi-yuko naman lahat ng mga nadaanan ko. Sinindihan ko ang parang isang timba tska ito nag-alab, kinuha ko ang mga litarto sa kahon tska ito sinunog. It's been four years since nung nagkahiwalay kami at hindi ko pa nitatapon ang mga ito. Three years na din pala akong walang balita kay Jake at sa anak ko, at wala na din akong alamin kung nasaan na sila, magiging delikado kapag may nakaalam, mapapahamak sila. Tama din ang mama ko, madami talagang mapapahamak, it's better this way. 

Binuhos ko na lahat ng laman ng kahon at hinayaan ang apoy na lamunin ito. 

"Bakit ka nag-b-bonfire party dito? Hindi ka man lang nag-invite."- Mapanglokong sabi ni Lance, napa-irap ako sa ere tska ko naramdaman ang pag-tabi niya sa akin.

"It's been what? Four years."- Umpisa niya nang makita ang picture namin ni Jake na unti-unti nang nilalamon ng apoy. 

"Why are you here?"- Pag-iiba ko ng usapan. 

"Nasa labas siKristina Vicente, ang anak ni Romualdo."- Napa-kunot ang noo ko, Kristina? Ang lakas ng loob niyang magpunta dito gayon hindi pa naman niya ako nakikita. 

"Palabasin niyo."- Iritableng utos ko. Masyadong greedy ang mag-aamang yun, mababaw pa lang naman ang posisyon nila pero kung maka-abot sa akin, wagas. Gustong kunin ang meron ako para maging kataastaasan sila. Napailing ako, madami na ang mga taong gustong umagaw sa meron ako. 

Lumingon naman siya at nag-senyales sa mga tauhan na paalisin ito. Pero napaka-tigas ng ulo niya dahil nagtuloy-tuloy itong pumasok hanggang narating ang kinaroroonan ko, pero bigla siyang binigwasan ni Lance sa mukha at alam kong natumba ito kahit pa hindi ko siya nililingon. I don't want her to see my face, that's what lolo said, stay mysterious and let them wonder. Tss.

"Let me go! Don't you know me!"- Matinis na sigaw niya. 

I smirked. What the fuck? Eh sino ngayon ang kinahaharap niya. Hindi ko pa din siya pinapansin at nananatili akong nakatalikod.

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon