Chapter 54

6K 140 16
                                    


Makalipas and tatlong taon ...

Nica's POV

Binuksan ng tauhan ko ang pintuan, tska ako pumasok sa isang napaka-dilim na silid, at ang tanging ilaw nito ay ang nag-iisang bumbilya na nakatutok lamang sa isang nilalang. Nilapitan ko ito at inalis ang sakong nakalagay sa ulohan niya. Nagulat ito at napadilat, puno ng pasa ang mukha nito. Nang mag-adjust ang paningin nito ay napalunok siya ng napatingin sa akin na ngayon ay masama siyang tinitignan. 

"Q-Queen."- Nanginginig niyang pag-tawag sa akin. For I don't know how many times, iyan at iyan nalang ang naririnig ko, no one calls me by my name because no one knows the real me, they only know me as 'Queen.'

Nginisihan ko siya at ipinakita sa pagmumukha ang larawan ng girlfriend nito. Nanlaki ang mga mata niya at halos hindi makatingin sa litrato, lalo na sa akin. 

"Sinira mo ang plano ko."- Malamig na saad ko rito. Napalunok ito at nakatingin lamang sa ibaba, pinagpipiwasan na ito sa kaba at nanginginig na sa takot. 

"You know what, ang hindi ko maintindihan. All of you keep on bringing me down, at natatakot kayo kapag nasa kamay ko na kayo muli."- Asik ko rito. 

"P-Patawad queen. Tinakot nila ako na papatayin nila ang girlfriend ko maski ang magulang nito, wala akong nagawa. K-Kaya sinabi ko ang plano at ang mga susunod pang plano, maging ang ilang impormasyon ay naibigay ko na, wala n-natira."- Puno ng takot at nginig ang boses nito. 

Humalakhak ako na ito lamang ang tanging naririnig mula sa loob. Tska ko nilabas ang kutsilyo, mula sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata niya at tila gusto ng tumakbo palabas, pero alam niya sa sarili niya, na wala itong takas. 

"Tuso talaga ang matandang hukluban na iyon."- Umiiling-iling na saad ko.

"Matataas na miyembro ang tinitira para galitin at patumbahin ako, what an old wise man."- Saad ko habang tinitignan siya at nilalaro ng kamay ang dulo ng kutsilyo.

"Sinasayang mo ang galing mo sa pagiging hacker Aaron."- Pabulong kong sabi habang nakatingin lamang sakanya, tska dahan-dahang nilapitan habang nilalaro pa rin sa kamay ang kutsilyo. Sa upuang katapat nito ay naupo ako at pinag-krus ang binti. 

Kusa na din lumapit ang isa sa mga tauhan ko at may ibinigay na folder. 

"Ilang taon na kayo ng kinikilala mong nobya?"- Tila nagulat siya sa tanong ko. Pero wala akong pakialam sakanya at hindi ako nang-uusisa sa personal niyang buhay, dahil ang tanong na yan ay sasagot sa kung gaano siya katanga at kung gaano ka-wais ang matandang Romualdo na iyon. 

"L-Limang buwan."- Saad niya at yumuko. 

"Protektado ko na ang pamilya mo. Bakit hindi mo nalang siya hinayaang patayin ang nobya mo maski ang mga magulang nito?"- Taas kilay kong tanong. 

Mula sa pagkaka-yuko, nag-angat ito ng tingin at nag-igting ang panga. 

"Nobya ko ang nasa bingit ng kamatayan!"- Singhal niya.

"Demonyita ka talaga at ganyan ka mag-isip. Hindi na ako magugulat kung balang araw, hahayan mong mamatay ang pamilya mo."- Dagdag nito. Mula sa panginginig at takot na Aaron, napalitan ito ng nag-aalab na apoy na Aaron. 

Nginisihan ko siya. "Kilala mo ako, at maaari ko ngang gawin."

Napatawa siya ng napaka-pait at masamang tinignan ako. 

"Nagagawa nga naman ng pag-ibig. Kaya kang gawin tanga, bawal iyon hindi ba?"- Usal kong muli. 

"Hindi mo pa alam ang buhay sa labas queen ---"

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon