Chapter 5

14.1K 280 4
                                    

Nicamaine's Point of View

Minulat ko ang mga mata ko at tinignan ang lalaking nag-ttext sa couch.

Hindi ko pa siya kilala, hindi ko siya kaano-ano, hindi ko pa nga alam ang basic information niya pero heto ako ngayon, nakikipag-halikan na sakanya at natutulog sa kama niya. Napa-pikit ako at huminga ng malalim. Para saan pa ang tapang ko?

"Jake."-Mahinang pag-tawag ko sa pangalan niya, agad din naman siyang lumingon kaya napa-upo ako sa kama.

"Bakit mo ginagawa sa akin to? I-I don't even know you."-Diretsahang sabi ko.

"You're going to know me once you're going to make me mad again."-Diretsahan ding sagot niya at bumalik sa pakikipag-text.

"What I mean is, we're making things na ginagawa ng totoong mag-syota."-And it's a fact. Akala ko sasagutin niya ako ng tama.

"Will you just shut up!?"-Nagulat ako sa sigaw niya, tumayo siya at pumasok sa banyo. Napanganga ako at makalipas ang ilang minuto, napa-irap ako sa ere at bumuntong hininga. Napa-sabunot ako sa buhok ko at sinuntok ang kama. Nakakairita siya! Ang kapal ng -- ugh!

Kinuha ko ang phone kong nag-vvibrate at sinagot ito.

"Hoy Allen ---"

"Nica? Nasaan ka?"-Napa-kunot ang noo ko. Si Lency.

"Bakit?"-Tanong ko pabalik, ano naman sasabihin ko? 'Nasa bahay ako ni Jake, matutulog na nga ako eh.' Mas proud pa siguro ako sa sarili ko kahit sabihin kong natutulog ako sa kalye kesa naman sabihin kong natutulog ako sa bahay ni Jake. Like duh, kinakahiya ko yang lalaking hindi maintindihan ang ugali.

"Nasa condo ka ni Jake no?"-Tanong niya. Nanlaki ang mata ko.

"Yeah, pero nasa baha --- basta oo! Ugh!"-Sigaw ko sakanya. Narinig ko ang pag-buntong hininga niya.

"Mag-iingat ka ha? Huwag na huwag mong gagalitin yan."-Pangaral niya.

"Who are you talking to?!"-Isang malakas na sigaw ang narinig ko at kasabay nun ang pag-patay ni Lency ng phone. Nilingon ko si Jake at naka-kunot na ang noo nito.

"Paki mo ba?!"-Sigaw ko sakanya dahil naiirita na ako. Nilagay ko sa bed side table ang phone ko pero may humablot agad sa braso ko, sapilitan ako nitong itinayo.

"Who was that?!"-Sigaw nanaman niya. Sasabat nanaman sana ako pero naalala ko nanaman si Lency.

"I was just listening to a music okay?"-Pinalambot ko agad ang ekspresyon ko. Hinawakan ko ang kamay niya na mahigpit na naka-hawak sa braso ko. Lumambot ang hawak niya sa braso ko at ibinaba ito.Lumapit siya sa akin, hinawakan niya ang baba ko, naka-angat ang tingin ko dahil hanggang balikat niya lang ako at siya naman ay naka-yuko habang naka-titig sa akin, biglang tumibok ng mabilis ang puso ko at sa isang iglap, lumapat na ang labi niya sa labi ko, gumalaw ang labi niya at ito naman ay aking sinagot. Lumalim ang halik na iyon pero humiwalay din siya agad.

"Let's sleep."-Sabi nito at naupo sa kama niya. Kumunot ang noo ko.

"Jake. Saan ako matutulog?"-Takang tanong ko. Tinignan niya ako tska niya hinila ang bewang ko dahilan para bumagsak ako sa lap niya, napa-titig ako sakanya at ganun din siya, pero nagulat ako nang halikan nanaman ako nito, smack lang.

"Beside me."-Seryosong sagot nito, gumalaw kami at ng pakiramdaman ko ang sarili ko, naka-higa na ako sa kama habang siya ay naka-patong sa akin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa posisyon namin.

"Alis ka nga!"-Sigaw ko sakanya at tinulak siya pero hinuli niya lang ang dalawang kamay ko at tinaas ito sa may ulo-an ko.

Inilapit nito ang mukha niya, dahan-dahan nitong inilapit ang mukha niya kaya napa-pikit ako pero agad din akong napa-dilat ng halikan nito ang tungki ng ilong ko. Pagkatapos nun nahiga na siya habang yakap-yakap ang bewang ko.

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon