Chapter 16

11.6K 296 40
                                    

Nicamaine's Point of View

Napa-iwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Nakakabaliw siya.

"Nica."-Pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ako makalingon dahil awkward pa rin para sa akin. Buntisin? Baliw ba siya?

"Erase his number then."-Ma-awtoridad na sabi niya, dahilan para mapalingon ako.

"Baliw ka na ba!? Siya ang pinupuntahan ko kapag namomoblema ako ---"

"Then you can run to me if you have a ---"

"Sakanya ako tumatkbo kapag may problema akong hindi ko kayang sabihin sa ibang tao!"-Malakas na sigaw ko, dahilan para matigilan rin ako at napa-yuko. Bakit ba ganyan siya? Grabe naman siyang magalit! Parang dudurugin niya na ako eh! Narinig ko ang malakas na pag-buntong hininga niya, kaya napalingon ako rito.

"Fine. Ask him --- no! Tell him not to call you babe or any fucking endearment! He don't have any rights!"- Ano!? Possessive ang kingina!

"Nagseselos ka ba? Ha!?"-Straightforward na tanong ko. Mula sa pagiging matapang na mukha nito ay bigla itong nanlambot at napaiwas ng tingin. Hindi siya sumagot kung kaya't nagkaroon ng nakabibinging katahimikan.

"I am not -- I just don't share what's mine."-Depensa nito, bahagya naman akong napangiti, nilingon ko siya at piningot ang tenga niya.

"A-aww! What was that for?!"-Sigaw nito pero ngumiti lang ako at ipinakita ang contacts ko. I changed his name in my contacts, from Jake to Babe <3

"See? Your name is Babe but Allen's name is simple Allen Crazy, hindi pa ba sapat yun?"-Taas kilay na tanong ko. Umiwas siya ng tingin pero nakita ko yung smile niya.

"Fine! Just tell him to stop calling you babe! Go back to your class."-Utos niya.

"You're not coming?"

Umiling naman siya na may ngiti pa. Siraulo.

"Edi huwag mo."

"Hindi mo man lang ako pipilitin?"- Ay shete nyemas! Magpapapilit pa ang gago.

"Para saan? Eh sa ayaw mong pumasok eh."

"Tss. Fine."- Naka-ngusong saad niya na iki-nangiti ko naman, lumabas na kami ng kotse tska siya umakbay sa akin at masayang nag-kwentuhan ng kung anu-ano. At nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan ng bigla niyang kiniliti sa tenga ko ang ilang hibla ng buhok ko, napa-igtad ako kung kaya't sinapak ko ang tyan niya pero ang loko tinawanan lang ako.

"You're fun to be with."-Natatawang sabi nito dahil kanina niya pa talaga ako inaasar at kung anu-ano pa ang sinasabi niya, na amoy tae daw ako, mukha daw akong ipis na pinisa at ang dami ko daw kuto. -.- Kung anu-ano ang sinasabi niya na wala namang katuturan, minsan ay iniirapan ko nalang siya dahil siya lang naman ang tumatawa sa mga pinag-sasabi niya pero kung ako ang tatanungin ay hindi talaga ako natatawa sa mga pinag-sasabi niya, unang-una sa lahat ay dahil kung anu-ano ang sinasabi niya at puro ako ang itinuturo niya at pangalawa hindi ako natatawa dahil nangingiti lang ako, hindi ko kasi akalain na ang isang tulad niya ay may ganyang side pala, nakakatuwa sa puso.

Nang makapasok na kami sa room ay tawa pa rin siya ng tawa habang mahigpit pa ring naka-akbay sa akin. At ngayon naman ang tinatawanan niya ay yung character sa one piece na ewan ko ba kung ano ang sinasabi niya dahil puro lang siya tawa, minsan ay kinukurot ko na siya dahil napaka-kulit talaga niya. Sa sobrang tawa niya, hindi na niya napansin ang pag-tahimik ng classroom at ang mga babae ay naka-awang pa ang mga labi at ang mga lalaki ay nag-uusap sa mga mata, napailing nalang ako. Para silang na-igno nang makita nilang humahalakhak si Jake.

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon