Chapter 39

7.8K 185 5
                                    

Nicamaine's POV

"I have to go." Pag-papaalam ni Jake, hinalikan ko siya sa labi bago siya tuluyang umalis. 

Kailangan niyang bumalik sa mansiyon para siguraduhing maayos ang pamilya niya. Kausap na ng mga ito ang pulis tungkol sa nangyari kahapon. Lahat sila ay natatakot at namomoblema, hindi nila alam kung kailan ulit darating ang mga iyon pero ang mas gumugulo raw sa isipan nila, ay ang babaeng tumulong sakanila.

Lumabas na rin ako ng bahay at nag-tungo sa school. At pagka-pasok na pagka-pasok ko sa classroom agad akong sinaubong ng mga classmates ko.

"OMG! I heard what happened to Jake's family! Is he okay?" Nag-aalalang tanong nung isa, lahat naman sila ay natahimik at hinihintay ang pag-sagot ko. Tumango lang ako at naupo sa upuan ko pero hindi sila tumigil at talagang sinundan pa ako sa upuan ko at puro sila tanong na bakit hindi daw siya pumasok at kung anu-ano. Paulit-ulit naman ang tanong.

"But do you know the girl who showed up in their house and helped them?" Biglang tanong nung mataba na may hawak pang junk food. Natahimik naman ang iba at nakinig sakanya. Napailing nalang ako, wala silang magawa sa buhay, wala talaga. 

"Ang cool niya!" Tili niya at tumalon-talon pa. -.- Ang pangit tignan ha, tumatalbog ang suso niya. -.-

"Pumasok lang naman siya sa mansiyon nila na naka takip ng itim na panyo sa mukha, naka-motor at may hawak na baril." Kinikilig naman na sagot nung isa. Lahat na sila ay nag bulungan patungkol sa babaeng sinasabi nila.

"Ang cool niya, sana ako nalang siya hihi. Sikat kaya siya nagyon, lahat ay na-c-curious sakanya pero sa balita raw sa TV, hindi pa nag-sasalita ang mga pulis patungkol sa babaeng yun."

Hinihiling mong ikaw nalang siya pero kapag ikaw na ang nasa posisyon niya, hihilingin mo na sana ibang tao ka nalang. 

Tumayo na ako at nilisan sila, nag-punta ako sa rooftop, at tamang-tama nanduon si Ashley at Allen. Tinanguan ko sila ng magkita kami.

"Anong nangyari kay Jake?" Tanong kaagad ni Ashley nang makalapit ako sakanila.

"Sa pamilya niya iyon at wala tayong pakialam." Natahimik siya at hindi an nag-tanong pa. Hindi naman naka-takas sa paningin ko ang mga tingin ni Allen, at alam kong alam niya na kung ano ang nangyari. Alam kong alam niya kung sino ang babaeng tinutukoy nila na siya raw tumulong sa pamilya ni Jake.

"Pero sana okay lang sila."

"Okay lang sila Ashley. If you'll excuse us, may pupuntahan kami ni Allen." Tumango-tango siya kaya tumayo na ako at agad na kinaladkad si Allen hanggang sa narating na namin ang kotse niya. 

"Alam ko kung bakit ka nag-punta dito sa university kaya magtanong ka na."

"Anung nangyari sa pamilya ni Jake? At bakit anduon ka?"

Alam niyo namang mayaman at kilala rin ang pamilya ni Jake dahil sa mga business nila, kaya ganuon nalang ang pagkaka-alam ng mga tao patungkol sa nangyari kagabi.

"Inimbitahan niya ako kagabi sa bahay nila para ipakilala sa magulang niya apparently may nangyaring hindi maganda. Kaya agad kaming umalis, pero may napansin akong kahina-hinala. AT pagbalik ko sa bahay nila without Jake, hostage sila dahil kay Delgado, isa sa mga tauhan ko."

"What?! Ano nanamang kinalaman ng organisasyon mo sa pamilya ni Jake!? Hindi ba't tapos na ang tungkol sa --- sorry." Tinignan ko siya ng masama kaya napatigil ito sa pagsasalita, he's going too far. So far that he shouldn't be there. 

"Traydor si Delgado at kasabwat nito ang pumapangatlo sa kaaway ng lolo ko. Hindi ko alam kung ano ang pakay niya sa pamilya ni Jake at wala akong balak alamin iyon, nasa kamay na ni Maze si Delgado and they're dealing with him now."

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon