Chapter 58

5.2K 115 2
                                    

Nica's POV

Napa-pikit ako sa mga nabasa ko. May mga nalaman akong impromasyon na mas malala pa sa kung ano ang hinahanap ko. Ngayon, alam ko na ang dahilan kung bakit greedy ang pamilya Romualdo sa trono ko. Tss.

She's a friend of mine nang mga bata pa lang kami, nagkahiwa-hiwalay ng kinuha siya ng ina niya sa Amerika. Magkakakilala ang mga magulang namin and I did not know na anak siya sa labas ni Romualdo. Hiniwalayan ni Romualdo ang ina ni Ericka, her mother raised her on her own, simpleng pamumuhay sa America at walang kahit na singkong duling ang ibinigay ni Romualdo para sakanila Ericka, naghirap pala sina Ericka dahil ang ina niya lang ang kasama niya doon and now she's desperate to put Romualdo down kasama ang bagong nitong pamilya, Kristina and her sister Sophia.

Now I got the idea, I am a friend of hers at ginamit niya si Romualdo para ako na mas malakas kaysa sa mga Corpuz ang papatumba sakanya. She made a background check on both of us. At sa tingin ko, kaya hindi siya ang papatay sa Romualdo na iyon dahil ama niya pa din ito at sa tingin ko ayaw niyang mabahiran ng dugo ang kamay niya and without paying a lot of money, mas mapapadali na mapatumba ang isang Romualdo kapag ako na mismo ang papatumba sakanya kaya pinagtagpi-tagpi niya ang lahat and here it is, lumantad lalo ang sikreto kong hindi dapat maungkat pa.

Tumayo ako sa silya at nilapitan si Kristina na naka-upo sa dulo ng kama at nakatingin lamang sa akin.

"Bakit pinapa-manmanan ng ama mo ang anak ko?"- Tanging tanong ko kay Kristina.

"I-I swear hindi siya pinapa-manmanan ng ama mo dahil sa'yo, we don't even know that the queen has a daughter. M-My father did that because of my sister, n-napalapit kasi sa amin ang bata, p-pinoprotektahan lang ni dad d-dahil ang akala ng lahat a-anak ng kapatid ko si Z-Zyhena, y-you know maraming kalaban si dad. I-I swear we don't know anything."- Kinakabahang sagot niya. Napa-pikit ako at naisip na nasa kaguluhan pa din ang anak ko. Nababaliw na ba si mommy at sa anak pa ni Romualdo niya pina-alaga ang anak ko!? Damn!

Pinoprotektahan ang anak ko? Hindi ko alam pero nawalan ako ng tinik sa lalamunan.

"W-Wala ka bang alam sa anak ---"

"Shut up bitch. Hindi pa ako tapos."- Pag-pigil ko sakanya tska siya inirapan.

Bakit ba hindi ko nalang alamin sa sarili kung nasaan ang anak ko dahil kayang-kaya ko naman iyon. Pero the more I go with my daughter's life, the more people will get interested, marami akong kalaban remember? Play safe.

TINIGNAN ako nina Lance nang maka-pasok ako sa mini bar ng mansiyon. Tinignan ko kaagad si Ericka at naupo sa high stool na katabi niya. Tinignan ko ang bartender tska ito yumuko at umalis. Kinuha ko ang isang baso na hindi ko alam kung ano ang laman tska ito ininom, ramdam ko ang init sa lalamunan ko pero naiwan sa aking panlasa ang tamis nito, amarula.

"Bakit hindi nalang ikaw ang pumatay kay Romualdo?"- Usal ko sa katahimikan tska nilingon si Ericka, napa-kunot noo siya at mapait na ngumiti.

"What?"- Alinlangang tanong niya.

"You know I hate that guy. I bet you know that, you even used me to kill him."- Sagot ko.

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. I just told you what I found out ---"- I cut her off.

"Should I also tell you what I found out? Tss. You should just kill your father Ericka."- Irap ko sakanya. Nanlaki ang mga mata niya at napayuko. Matalim lamang na nakatingin sina Lance at Allen.

"Ericka Cabalse Corpuz."- Pag-tawag ko sakanya, nag-angat siya ng tingin, tinitigan ko muna siya at muling nag-salita. "Umalis ka na De Learies."- Malamig na usal ko and gave her my death glare. Napa-awang ang labi niya at napatitig lamang sa akin, inirapan ko siya tska tumayo.

Tumango sa akin ang tauhan ko tska nila pinasok ang loob ng bar.

Jake's POV

"Daddy I will be the princess."- Usal ni Zyhena tska pumikit at umikot-ikot. Suot niya kasi ang gown niya para sa birthday party niyang nalalapit na. Nginitian ko siya at ginulo-gulo ang buhok niya.

Napa-kunot ang noo ko at nawala ang ngiti nang mapansin si Sophia na nakatulala at hindi naman binabasa ang review papers niya para sa exam niya kaya agad ko siya nilapitan at naupo sa tabi niya.

"Is there something wrong?"- Takang tanong ko rito pero parang wala siyang narinig at naka-titig pa rin siya sa kawalan.

"Babe."- Muli kong pag-tawag at hinawakan ang kamay niya.

"Huh?"- Tila nabalik siya si realidad at nilingon na din ako.

"May problema ba? Babe if it's about your dad, nasa hospital na siya at nagpapagaling at sinabi niya na din na may condo naman ito at doon siya mamamalagi. You don't have to ---"

"Jake. H-Hindi lang yun isang simpleng sunog."- Her eyes are full of worries.

"Mga kaaway ng dad mo sa gobyerno?"

"Mas malala pa. J-Jake, n-natatakot ako."- Mahinang sabi niya at naiiyak na.

"I'm sorry if I didn't tell you this pero k-kasapi si dad sa isang malaking organisasyon, h-hindi ko alam kung bakit nila ito ginagawa pero sa t-tingin ko kinakanti na siya ng LeFevrine. J-Jake, k-kinakabahan ako sa pwede pang mangyari, delikado sila."- Kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot at pangamba. Niyakap ko siya at doon ko narinig ang hagulgol niya.

***


Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon