Chapter 52

5.3K 128 7
                                    

Nica's POV

"Bukas na ang pagbalik mo sa Pilipinas."- Saad ni Maze habang hawak-hawak si Stella.

"Alam ko."- Bahagya akong napatawa ng mapakla. 

"Bakit ganun Maze? Lahat ng taong dumadating sa buhay ko na ipinapakita sa akin ang tunay na ibig-sabihin ng love ay nawawala."- Napangisi ako ng banggitin ko ang salitang 'love' 

"I am so sorry you have to feel that."- Maze. And I was touched by what he said. Ngumiti na lamang ako at ibinigay kay Maze ang gatas na tinimpla ko kanina lang.

"Iha. Hindi mo ba siya ipapakilala sa magulang mo?"- Maze.

"Never."- Kung ipapakilala ko siya sa magulang ko, they will turn her into a person like me. At ayaw kong mangyari yun, kaya kung maaari, hindi ko siya ipapakilala sakanila. Hindi na nagtanong pa si Maze at nilaro nalang niya si Stella. 

Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis ng mga gamit ni Stella ng tumunog ang doorbell. Sumilip muna ako sa bintana at isang lalaking naka-hoodie ng black ang paalis na. I bet he's my investigator. Lumabas ako at nasa paanan ko ang isang envelope, kinuha ko ito kaagad at pumasok sa loob. Binuksan ko ito at kinuha ang laman nitong mga litrato ni Jake. Yes, every month akong kumukuha ng mga information. 

Magkasama pa din sila ni Sekhini and he seems happy. Okay na ako sa mga nakikita ko kapag nagpapadala ang investigator ko ng mga litrato niya.

Ang hindi ko lang alam ay kung paano ko siya ibibigay kay Jake. And I really feel bad kung ibibigay ko siya kay Jake. At natatakot ako na baka hindi siya maniniwala at maaaring ang galit niya sa akin ay magiging dahilan ng pagka-disgusto niya sa bata. I don't want to take that risk. At sa totoo lang, hindi ko siya kayang mawala sa akin, inalagaan ko siya sa sinapupunan ko ng siyam na buwan, mag-isa kong sumagot sa mga cravings ko, nag-hirap akong magtawag ng hospital nang manganganak ako, all of the pain and hardships that I've been through simply faded nang nasilayan ko na ang anak ko, tapos ibibigay ko lang siya dahil takot ako sa magulang ko? I am her mother, dapat ako ang magsisilbing gabay niya. At ano ang ginagawa ko?

"Iha?"- Napatingin ako kay Maze na kasama na pala si Nine, at bakas sa mga mukha nila ang awa at lungkot. Bakit?

Kinapa ko ang sarili ko at hindi namalayang lumuluha ako at hindi ko na maitatago pa.

"I - I really can't let her go Maze, hindi ko makakayang basta-basta nalang siya ibibigay kay Jake after what I did to him. I can't abandon her just like how my mother abandoned me. Pero mas lalong hindi ko makakayang malaman ng magulang ko ang tungkol sa anak ko."

"Just like what I thought."- Bumuntong hininga si Maze. "Ano na ang balak mo?"- Maze added.

"I hid her for a year Maze, magagawa ko din yun ulit. C-Can she stay with you Maze?"- Tanong ko. Agad sumagot si Maze at Nine ng isang ngiti. Tumango si Maze at pumayag ito.

Itinago ko na ang mga litrato sa isang drawer tska binuhat si Stella dahil nag-umpisa na itong umiyak. 

"We have to go iha."- Pagpapaalam nina Maze. Nagpaalam na kami sa isa't isa dahil may aayusin pa raw sila dito bago sila sumama pauwi sa Pilipinas bukas.

Para akong nabawasan ng tinik sa lalamunan. This past few days kasi nakokonsensya ako sa tuwing tinititigan ko si Stella.

Lumakad na ako habang buhat si Stella at inihahatid na sina Maze sa labas ng tumunog ang telepono, kaya sinagot ko muna ito.

"Why did you hide her!?"- Isang napaka-lakas na boses ang bumungad sa akin ng sinagot ko ang tawag. Kumunot ang noo ko na napansin nina Maze kaya napahinto sila.

"What?"- Sumbat ko.

"Ang apo ko Nica. Itinago mo siya sa akin."- Nanlamig ang buong katawan ko. 

Ang tanga ko, isang tuso ang magaling kong ina. Paano na ito?

"Umuwi na kayo dito sa Pilipinas."- Yun ang sunod niyang sinabi tska naputol ang tawag.

"Alam na nila Maze."

"Who wouldn't."- Sambat ni Nine. 

Napa-pikit ako at humigpit ang yakap ko sa anak ko. 

***

Next Chapter ...



Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon