Chapter 51

5.5K 137 12
                                    

After one year ...


Nica's POV

Binitawan ko ang hawak kong baso ng marinig ang pag-tunog ng telepono. Nilapitan ko ito at sinagot ang tawag.

"Tapos na ang isang taong pananahimik mo."

"Alam ko." Napaka-ikling sagot ko.

"Yan naman ang palagi ang sumbat mo."- Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nakangisi ito.

"At ikaw ang palaging sumisira sa araw ko. Huwag kang mag-alala, alam ko na ang dapat kong gawin. Hindi mo na ako kailangang tawagan pa dahil wala ka rin naman kwenta, ina." Umirap ako sa ere at agad ibinaba ang tawag. Humugot ako ng napakalalim na hinga at nilingon ang anghel na natutulog ngayon sa kama ko. Dahan-dahan akong naupo sa tabi niya at hinaplos ang pisngi nito tska hinawakan ang maliit niyang kamay. Gamit ang isang kamay ko, agad kong tinawagan si Maze.

"Nica?" Hindi makapaniwalang bungad nito. Dahil ngayon ko na lang siya muling tinawagan. Nang makarating ako rito sa Korea, pinili ko muna ang mamuhay mag-isa. Hindi ako pumayag na may mga tauhan rito sa tinutuluyan ko, inalis ko muna ang koneksiyon ko sa lahat, pati sina Maze at Nine. Namuhay ako mag-isa.

"Kumusta na Maze?" Sagot ko rito.

"Mag-iisang taon na rin." Saad niya ng hindi sinasagot ang tanong ko.

"Kailangan kita rito, ngayon na. Kayo lang ni Nine."

"Masususnod." Andito na si Maze sa Korea, pero hindi ko siya kasama, at hindi ko alam kung saan siya tumutuloy.

Ibinaba ko na ang tawag at muling hinarap ang aking anghel.

"Stella,  baby." Nakangiting bungad ko ng mag-mulat ito ng mga mata. At narinig ko ang munting hagikhik niya. Tama kayo ng iniisip, bago ako makaalis ng Pilipinas, sinabi sa akin ng family doctor namin na nagdadalang tao ako. At kinausap ko siya na huwag itong sasabihin sa iba.

Nang malaman ko ang pagbubuntis ko, natuwa ako, sobra. Pero ang isipin kong, ako ang ina ng sanggol na ito ay naaawa ako para sakanya. Inalagaan ko siyang mabuti, lahat ng cravings ko ay ako ang mag-isang sumagot, ako lamang ang naninirahan dito sa Korea. Buti nalang, may isang taon akong pananahimik, pero hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon, kaya pinapapunta ko na rito sina Maze.

"Ang cute cute mo." Mahina kong saad, at hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. 

Kamukhang-kamukha ko si Stella, nakakatawa ngang isipin dahil walang nakuha si Jake, kahit isa. Speaking of Jake, I do miss him. At palagi kong pinagdadasal na sana okay lang siya at sana limot na niya ako. He don't deserve me, hindi ko na siya nagawang ipaglaban sa mga magulang kong walang ibang hinangad kundi ang palaguin ang organisasyon namin. Thankful pa din naman ako sa pagdating ni Stella, wala akong galit at pagsisisi na dala. 

Nasa kalagitnaan ako ng paglalaro sakanya nang tumunog ang cellphone ko.

"Nandito ako sa tapat ng gate mo."- Maze.

Pinatay ko na ang tawag ng marinig ko ito, huminga ako ng malalim at ipinikit ang mata. 

May malaki rin akong problema, si Stella. Hindi ko alam ang gagawin ko at tanging si Maze lang ang makakatulong sa akin ngayon. Nilagyan ko muna ng unan ang magkabilaang gilid ng anak ko tska ako umalis. Lumabas na ako ng mansiyon at nakita sina Maze at Nine sa tapat ng gate. Dali-dali akong lumabas at niyakap siya. With my soft heart towards Maze, napaluha ako ng di-oras. 

"I'm sorry dahil pati sayo kailangan kong maglihim."

"It's okay iha. Naiintindihan kita. Pasok na tayo sa loob."

Bumitaw ako tska tinanguhan si Nine. Pumasok na kami sa loob and Maze was about to utter something nang umalingawngaw ang iyak ni Stella. Nangunot ang noo ni Maze at Nine pero umakyat na ako sa itaas at tinignan si Stella. Dali-dali ko siyang binuhat dahilan para tumigil siya sa pag-iyak. At nang pag-harap ko, bumungad si Maze na nakatitig sa baby ko.

"Iha."- Nine.

Bahagya akong napanigti.

"I-I would like you to meet my daughter, Stella."- Pagpapakilala ko.

"Nica. I-Is she Jake's?" - Maze.

"Oo Maze."

At hindi nga ako nagkakamali na si Maze ang unang pinagpakilala ko dahil lumapit siya at binuhat si baby. 

"Kamukhang-kamukha mo siya."- Natatawang saad niya.

"Pero paano to? Ang ---"

"That's the reason why I called you. I need your help."

"I have decided Maze, hindi siya safe sa poder ko. Kailangan ko siyang ibigay kay Jake."- I added. Nanlaki ang mata ni Maze habang nakatingin sa akin.

"Are you out of your mind Nica!?"

"Maze! Hindi ko siya pwedeng ipakilala sa magulang ko, alam mo yan. Kay Jake siya magiging safe."

"That's not what I mean. And I definitely know na hindi mo siya pwedeng ipakilala sa magulang mo. Pero kaya mo bang mawalay siya sayo. You could keep her with you without ---"

"I let go of Jake at nakayanan ko yun. Kung safe din lang naman ng anak ko ang pag-uusapan, I might as well let her go and give her to Jake. Ayaw kong mapahamak ang anak ko, malapit na akong umuwi sa Pilipinas at i-take over ang organisasyon ng buong-buo, dapat walang ma-attach sa akin na kahit sino."

Huminga ng napaka-lalim si Maze at tumango.

"If that's what you want. I'll help you arrange things for her."

Napa-ngiti ako at napa-tingin kay baby Stella.

'I'm so sorry.'

***

Next chapter ...



Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon