Chapter 43

7.3K 188 27
                                    

Nica's POV

Isang linggo na ang nakalilipas magmula noong magkaroon ng gulo sa mansiyon  ni Zacharias.

Hindi ko hinayaang mahalata ni Jake ang tama ng baril sa tagiliran ko, ayaw kong magtaka at mag alala siya. Sa ngayon mabuti na ang pakiramdam ko. Hindi ko lang alam kung ano ang pina-plano nina Zacharias, sa ngayon tahimik ang paligid ko at walang nangyayaring gulo. Basta ang alam ko, dapat kong protektahan si Jake.

Matapos mag lecture ng teacher namin, nag paalam na ito at tuluyang lumabas.

"Nica, ito yung mga drawing, ikaw nalang mag report mamaya tutal wala ka namang naitulong." Prankang lintanya ni Margaret, ang ka klase kong feeling gangster at strong -.- Sarap ilitson. -.- Kinuha ko na sakanya ang dalawang cartolina at tuluyan ng lumabas. Dali dali akong umakyat at nagpunta sa roof top kung saan anduon si Ashley. Tinabihan ko siya.

"Musta kayo ni Ejercito?"- Agad-agarang tanong niya ng makatabi ko siya. 

"We're good."- Maikling sagot ko sa tanong niya. Hindi naman na siya nag-tanong pa at napaka-tahimik niya. Gustong-gusto ko ng matahimik na lugar, pero nakakairita ang katahimikan, siguro hindi na ako sanay sa isang tahimik na lugar. Tss, time changes  ika nga.

"Alam mo bang ikaw lang ang kaibigan ko?"- I frowned by what she said. Nagbago ang taste ko sa katahimikan pero hindi nagbabago ang pandidiri ko sa pagiging isang dramatic ng isang babae. Babae rin ako at dapat dramatic talaga ako pero hindi talaga eh, in fact gusto kong sapakin ang mga babaeng super dramatic, kaya mas gusto kong makasama ang mga lalaki eh.

"I am not even asking you."- Pag-pranka ko sakanya na ikinatawa niya lang. 

"At natatakot ako."- This time, napalingon na ako sakanya. At pansin kong nanginginig at medyo pinagpapawisan siya. 

"Problema mo?!" Singhal ko sakanya pero mahina lang. Nag-angat siya ng tingin at tinignan ako.  "Y-yung lalaking nakita ko last week, n-nakita ko siya kanina --- sa labas ng bahay."- Damang-dama ko ang panginginig at takot na nagmumula sakanya. Mas lalong napakunot ang noo ko at casual na inilipat ang tingin. "Huwag kang uuwi sa bahay niyo."- Normal na sagot ko sakanya at alam kong ggulat siya sa porma ng pananalita ko, takot na nga siya't ahat-lahat at ako bilang kaibigan niya kuno, bastos pa kung sumagot, walang pag-aalala. Tss! -.-

"S-Saan ako pupunta?"- Ngayon naman, malungkot ang boses niya.

"Sa hotel."- Maikling sagot ko tska na tumayo mula sa pagkakaupo. Kinuha ko ang mga dala kong cartolina at tuluyan ng umalis. Hindi ako bastos, oh well masasabi mo na ring bastos ako sa mga pinag-gagagawa at inaasta ko pero deep inside may pakialam ako, at ayaw ko lang itong pinapakita sa ibang tao. 


NANG matapos na yung subject, kitang-kita ko kung paano ako irapan ni Margaret -.- and I was about to walk out nang bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Pa bida ka naman."-Iritableng bungad niya sa akin. I simple explained a while ago about gangs and organization. I shared some basic information about those things and of course my classmates focused on me and not on Margaret, and now, she's freaking jealous! 

Na mention ko na rin kanina na feeling gangster siya, at syempre gusto niyang maging siya ang bida sa klase para katakutan siya. Matagal ko nang napapansin yan kay Margaret, she's not a bitch who wants every guys but she's the type of girl who wants fame. -.-

I slightly move my body para maalis ang pagkakahawak niya sa akin and I succeeded. I blankly looked at her and turn my back pero lumakad siya papunta sa harap ko. 

"Hindi ka ba natatakot sa akin?"- Taas kilay na tanong niya. She's eyeing me, mas matangkad siya sa akin ng one inch. Apparently, she's using it to shoo me. -.- 

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon