Chapter 49

6.2K 156 13
                                    

Nicamaine's POV

"Aray!" Sigaw ko at kinurot si Jake sa tagiliran. Pero tumatawa-tawa lang ito.

"Alam mo ang saya ko." Saad ko ng mapatigil kami sa pag-aasaran. Nakaunan ang ulohan niya sa braso niya at ganuon din ako sa braso ko, nakahiga kami sa damuhan at masayang nakatingin sa ulap.

"Hindi maganda yung pagkakakilala natin. Nung mga oras na yun, natatakpan ng galit at paghihiganti ang puso mo pero napaka-saya ko kasi nagawa kong alisin iyon at baguhin ka. Wala akong pakialam kung hindi ako nagustuhan ng parents mo noon pero sobra ko namang saya noong natanggap na nila ako. Yung pagdala niyo sa akin sa Palawan, ang pagkilala ko sa buong angkan niyo, ang pagiging girlfriend mo, ang pagpasok ko sa buhay mo at higit sa lahat ang pagmamahal na natatanggap ko sayo araw-araw. Maraming salamat sa happiness."

"I am also thankful, you changed me Nica." Nilingon ko siya tska tumayo at inilahad ang kamay ko na agad niyang tinanggap.

"Where are we going? We're having a moment here." Irap sa akin ni Jake na ikinatawa ko, umaarte si Jake, pansin ko.

"May nakalimutan akong ibigay kina Tita, sama ka ibigay natin!" Singhal ko tska siya hinila papasok ng mansiyon. Pagka-pasok namin, nakita ko kaagad sina Tito at Tita na tumatawa habang nagkkwentuhan.

"Oh iha ---"

"Tita may gift ako!" Masayang saad ko sa dalawa pero itinaas ni Tita ang daliri niya.

"Call me Mom and call him Dad, mukhang nakakalimutan mo iyon iha." Mataray na saad ni Mom. Nakakatuwang isipin, tawagin ko raw silang Mom and Dad. Nakakagaan ng puso, nakakatuwa. If this is a normal life, living like this is enough pero hindi fair ang lahat ng nangyayari sa buhay. May kulang, may sobra, may nangangailangan pa at yung iba, enough na. Ako ang nasa section ng 'may kulang at nangangailangan.'

"Hmm. What is it iha?" Tanong ni Mom at mukhang curious rin si dad.

"Oo nga babe, ano nanaman yang pakulo mo? The last time you told mom and dad na may gift ka, binigyan mo sila ng ipis." Natatawa na saad ni Jake tska naupo sa tabi ni Dad, silang tatlo ay napailing. Pinagtripan ko kasi sila nung nasa Palawan kami and it was the most memorable day for me, the day I gave them the cockroach. There was a genuine happiness, that in my whole life, hindi ko iyon naramdaman, noong mga oras lang na iyon.

"Nah-uh." Umiiling-iling na sabi ko. Lumapit na ako at ibinigay ang isang maliit na itim na kahon, na sabay nilang binuksan. Mom's eyes widened.

"This is wow iha. If I were to wear this, mag-mumukha akong godfather." Natutuwang saad ni Dad habang isinusuot ang singsing.

"I love this ring not because it's a jewelry but because it's lovely. Hmm thank you darling." Tumayo si Mom at niyakap ako.

"Huwag niyo po iyang aalisin mom and dad ah." Pag-uutos ko na ikina-tango naman nilang dalawa.

"Parehas kaming tatlo." Kunot noong pag-singit ni Jake.

"Oo naman, dapat pair tayo no." Tska ko itinaas ang kamay ko na may singsing rin kapareha ng sakanila, tska ko iniabot kay Jake ang isa pang box. "Para kay kuya Stephen, iabot mo sakanya Jake ah. Huwag mong kainin." Pang-aasar ko rito dahilan para mabatukan ako ng di-oras.

"Namamaalam ka ba babe?" Inirapan ako ni Jake. I smiled to hide the truth.

"Oo namamaalam na ako dahil tutungo ako sa puso mo." Pang-aasar ko dahilan para ngumiti siya hanggang sa inasar na kaming dalawa.

NAPATITIG ako sa maliit na orasan sa harapan ko, 9:30 PM. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa upuan tska lumapit kay Jake at inayos ang kumot nito.

"Ikaw ang pinaka-unang taong nagpasaya sa magulo, madilim at nakakatakot na buhay ko. Ikaw ang sumira sa batas na pinaniniwalaan ko, pero dahil sa ginawa mo, madami akong natutunan at nalaman. Binago mo ang pananaw ko sa buhay, sa araw-araw na nakasama ka, ipinaramdam mo sa akin kung ano ang feeling ng mahalin ng isang tao. At oo, napakasaya at nakakalunod. Nangako ako na p-protektahan kita habang buhay at hindi iiwan pero sira ang pangako na iyon. P-protektahan pa rin kita pero sa paraang kailangan kong iwan ka." Tumulo ang luha sa aking mga mata, kaya umayos na ako ng tayo at inilagay sa gilid niya ang unan na siyang inuunanan ko.

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon