Chapter 70

9.3K 171 2
                                    

Nakapikit na nakatingala si Nica habang hawak-hawak nito ang pregnancy stick.

"Hon. Okay ka lang diyan?"

Hindi niya ito sinagot at patuloy lamang sa pag-dasal. Pakamot-kamot sa ulo na umalis si Jake dahil sa inaasal ng asawa. Limang buwan na silang kasal at nitong mga nakaraang araw, pinag-iinitan siya ng asawa, meron pa yung tinutukan siya ng water gun at pinagbabaril habang sumisigaw ito na pangit raw siya at minsan naman, sinusuntok siya ng asawa.

Makalipas ang ilang minuto, ibinuka ni Nica ang isang mata at nanginginig na sinilip ang stick. At nanlaki na ang mga mata ng makita ang ang dalawang guhit na siyang resulta nito. Tahimik itong tumatalon-talon at iniiwasan ang sariling sumigaw at mag-wala sa sobrang saya. Susurpresahin kasi nito ang asawa na hindi matae dahil sa galit na ibinubunton niya dito. Ibinulsa niya ang stick at lumabas sa banyo tska nag-tungo sa kusina sa kung saan naabutan si Zyhena na kumakain.

"Psst panget!"- Tawag nito sa asawa. Lumingon si Jake pero naka-nguso lang ito at ibinalik ang atensiyon sa pag-luluto.

Lumapit si Nica at dahan-dahang inilapag sa harapan ni Jake ang resulta ng pregnancy test nito. Tumingin dito si Jake at nanlaki ang mga mata sa isang bagay na nasa harapan niya ngayon. Agad niyang niyakap si Nica at pinag-hahalik ang mukha nito.

"Eew daddy! Why are you eating mom's face!?"- Irap nito sa dalawa. Natawa si Jake at niyakap-yakap din si Zyhena.

"We have a baby. Magkakaroon ka na ng kapatid, you want that diba?"

Nanlaki ang mga mata ni Zyhena at nag-tatatalon din sa tuwa.

"Come'n fix yourself, kailangang magpa-check up ni mommy."

Tumango ang mag-ina at magka-hawak na nag-tungo sa banyo para sabay na maligo na kadalasan nilang ginagawa bilang bonding.

"CONGRATULATIONS Mrs. Ejercito, you are two months pregnant."- Saad ng OB nito tska iniabot ang isang litrato, ang ultrasound image na kinuha kanina.

Nagkaroon ng mga instructions mula sa doctor sa kung ano ang dapat iwasan at kung ano ang mga pagkaing magiging healthy para sa mommy at sa baby. Natatawa si Nica sa loob-loob nito dahil ang asawa nitong may tattoo sa isang braso ay nakakunot ano noo at marahang nakikinig sa pinapayo ng doctor.

"Look at daddy. He's being a crazy man."- Bulong ni Zyhena sa mama nito at iiling-iling na pinanuod ang ama.

Matapos ang ilang payo mula sa doctor, lumabas na ang mag-pamilya at sumakay sa kotse ni Jake.

"Where do you guys like to eat?"

"Lecentrei."

Nanlaki ang mga mata ni Jake at Zyhena.

"Sainyo po mommy? Yehey! I've been waiting to go there!"- Pumapalakpak na sigaw ni Zyhena mula sa back seat.

"Wait Nica. This will be the first time na pupunta tayo doon, will it be safe ---"

"It's highly protected just for this day dahil iniimbitahan tayo doon."

Nakangiting tumango si Jake at pinakinggan ang gusto ng asawa.

'Lecentrei it is.'

INIWAN muna ni Nica ang mag-ama sa living room tska dahan-dahang umakyat sa silid ng ina nito, mula sa nilalakad niya ay rinig niya ang musikang 'Wonderful Tonight by Eric Clapton' Nangunot ang noo niya kaya mas minadali ang paglalakad at tahimik na sumilip sa nakabukas na pinto. Napangiti ito ng masilayan ang ina at ama nitong sumasayaw.

Tumikhim siya kaya agad naghiwalay ang dalawa pero nang makita siya ay agad na yumakap ang ina ni Nica.

"You're here at sinira mo ang moment namin."- Saad ni De Learies pero sinikuan lang siya.

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon