Chapter 25

9.7K 223 10
                                    

Nica's POV

Pagkagising ko pa lang kanina, nag-ayos na ako at nag-tungo dito sa school. Matapos nang pag-uusap namin ni Jake kagabi, umuwi na kami at nag pahinga. I can't sleep last night, my past is now hunting me.

"May problema ka pa ba?"-Napalingon ako kay Ashley na kalalabas lang mula sa pinto, as usual nasa roof top kami. Favorite spot.

"Bakit gusto mo bang bigyan kita?"-Pang-aasar ko na ikinatawa niya.

"No thanks. But you can share."-Ashley.

"Tss. I'm not into dramas, anyways I want you to help me with something."-Tinignan niya lamang ako, naghihintay ng isasagot.

"Si Ezekiel Ejercito, sino siya?"-Tanong ko. Ang gago lang Nica, kinuha mo ang buhay ng isang taong hindi mo naman kilala, tss.

"Bakit mo natanong?"

"Pwede ba Ashley kapag tinatanong kita sagutin mo kaagad. May paganyan-ganyan ka pa, wala ka sa drama oy!"-Tumatawang naupo siya sa tabi ko.

"Chill. Malamang, kapatid ni Ezekiel si Jake, nakita namin kung gaano ka-close sina Jake at Ezekiel, nasaksihan yun ng lahat. At alam mo ba? Masayahin si Jake noon, sobra wala siyang babae. Well meron naman pero girlfirend lang. As in mahal n ---"

"Sino?"-Biglang tanong ko. May girlfriend siya at tama ba ang narinig ko, mahal niya!? Nilingon niya ako tska bumuntong hininga. Minsan ang sarap ring sapakin ng babaeng to eh, nangaasar yung mukha niya. -.-

"Sekhini."

"Pinaglihi ba siya zucchini?"-Mapang-asar na tanong ko. Nilingon niya naman ako tska ngumisi at biglang umangat ang daliri nito tska itinuro mismo sa mukha ko.

"Alam mo may napapansin ako diyan sa mukha mo, mukhang selosa? At sa sobrang selos mo nanlait ka pa?"-Ashley. Bumilis ang tibok ng puso ko pero inirapan ko lang siya tska pinitik ang noo niya.

"Tss! Dali na mag-kwento ka pa."

"Oo na! Tsk! Hindi namin alam ang mukha niya pero ang sabi ng iba, madilim raw ang mundo ng babae niyang yun."

"Paanong naging madilim?"-Jake's life is getting interesting!

"Ito ha, huwag kang mabibigla. Sindikato siya, kasapi sa isang sindikato si Sekhini."-Napalingon ako kay Ashley dahil sa sinabi niya. Sindikato.

"Ano? Gulat ka no? Tss. At ito pa, kasapi rin si Ezekiel sa isang sindikato and guess what, si Sekhini ay ksama si grupo ni Ezekiel."-Muli akong napalingon kay Ashley dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. 

Napakatagal ko nang alam na kasapi si Ezekiel sa sindikato. I know that very well, pero hindi ko alam ang tungkol kay Sekhini. 

"Bakit sila naghiwalay ni Jake?"

"That my friend, I don't know. Walang nakakaalam, they just broke up."

"Is that why Jake turned up like that? Bossy, scary, short tempered at parang demonyo?"

"Kay Sekhini? Nah, sad to say, naging ganyan ang ugali niya na sobrang pangit dahil sa kuya niya. At sa tingin ko ang pambabae niya ay pampalipas oras lang."-Sagot niya. Napatitig ako sa kawalan.

"Naging ganyan na siya dahil pinatay ang kuya niya. At kalat sa amin na babae pa."-Pakiramdam ko namanhid ang katawan ko.

"And they all said she's untouchable. Hindi mo raw siya mahahanap, she's protected, at napaka-taas niya raw. Lahat takot sakanya. Kung totoo mang babae siya, o kahit sino man siya. Kumusta na kaya ang buhay niya? Namamatay pa rin kaya siya?"-Mariin kong pinikit ang mga mata ko. At pakiramdam ko anumang oras ay may malalaglag na luha mula rito. 

Maging bato ka Nica, tigasan mong muli ang puso mo at huwag mong hahayaan ang mga mata mong ipakita sa iba kung ano ang kahinaan ng puso mo. Dahil alam mong ito a bala nila sa'yo.

Naging boses ko ang sarili ko kaya binuklat ko ang mata ko at nilingon siya. 

"Tama ka. Sa tingin mo kapag nalaman nina Jake na dumating siya ano kayang mangyayari?"-Patay malisyang tanong ko. Tumango-tango naman siya at parang nag-iisip pa. 

"Sa tingin ko kapag nakita na niya yung babae, sisilay na sa mga mata niya ang kasiyahan. Justice served."-Nakangiting sagot niya. 

"Pero kahit ganuon yun si Jake, may natitira pa rin akong awa para sakanya. Kahit ano kasi ang gawin niya, kahit anong organisasyon na ang kinapitan niya, hindi niya pa rin mahanap yung babae, o kung sino man yan."

"Wait. Kumakapit siya sa ibang organisasyon?"

"Oo, kung sinu-sino."-Napa-irap ako sa ere, ikamamatay mo yan Ejercito.

"A-Ah! P-pero huwag mo siyang kakausapin tungkol diyan, p-parang awa mo na, huwag kang mag-sasalita tungkol sa mga sinasabi ko sa'yo."-Nilingon ko si Ashley at bakas sa mukha niya ang takot.

"Anong mukha yan? Bakit parang maiiyak ka na?"

"Jusko Nica! Hindi mo alam kung ano ang inabot nung ex niya noon nang in-open niya yan dito pa mismo sa school."-Napa buntong hininga ako.

"Tss. Fine."

***

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi ko alam kung ano ang dapat na isipin ko. Naglalakad ako ngayon sa ewan ko kung saan, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Hindi ako pumasok ngayon, wala akong gana. 

Napahinto naman ako sa paglalakad nang mag-vibrate ang cellphone ko. Agad ko itong tinignan at bumungad ang contact ni Jake. Lunok laway kong sinagot ito.

"Babe! Where are you bakit hindi ka pumasok?"-Napangiti ako nang marinig ang nag-aalalang boses nito.

"Sorry babe, sumama kasi bigla pakiramdam ko but don't worry nag-luto ako ng soup para umayos pakiramdam ko."

"What about medicine babe?"

"Tapos na po. Sige na babe, may klase ka pa. Hintayin kita mamaya?"-Nica, you're damn good at lying.

"Tss fine. Ingat ka, call me when you need me."-At nagpaalam kami sa isa't isa. Ibinulsa ko ang phone ko at naupo sa isang bench na malapit sa akin. And then suddenly, my tears started to flow. Hindi ko ito pinunasan o pinilit ang sariling huwag ituloy ang pag-agos, hinayaan ko nalang ito.


Three Years Ago

"You're such a mess Nicamaine! Bakit ka ba sumasama sa lolo mo!? What!? You want to be like your mom!? Your mom doesn't want you to be like her!"

My dad is drunk, again. He's a mess, we both are.

"Huwag mong babanggitin ang lolo ko sa galit mo. Mas mabuti siya kaysa sa'yo."-Walang ganang sagot ko, bigla namang napatayo si dad. At nanlilisik ang mga mata nito.

"How dare you talk to me like that!"-Malakas na sigaw niya habang naka-turo pa sa akin. Tinignan ko siya at nginisian habang naka-krus ang mga braso sa dibdib.

"Ang yabang lang mag-salita dad ah? Kumusta naman yung paraan ng pakikipag-usap mo at talagang binaggit mo pa si lolo?"

"Bastos kang hayop ka!"-At isang mabigat na palad ang dumapo sa pisngi ko, and it felt nothing. Tinignan ko siya at nginisian. 

"Isa pang banggit mo kay lolo at kay mama, makakalimutan kong tatay kita."-Matatalim na tingin ang ibinigay ko sakanya. Kita ko kung paano siya nagulat at kung paano lumabas sa mukha niya ang sakit. Pero tila wala akong nakita at naramdam sa hitsura niya.

Present


Napa-kagat ako sa labi ko at napapikit ng mariin. 

Ganyan ako noon, bata palang namulat na ako sa isang mundong madilim na walang kikitaan ng liwanang. Wala akong kinakatakutan.

***

@AnicaBlaze twitter

DakilangCrazyMedusa Facebook.


Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon