Chapter 2

17.3K 299 7
                                    

CrazyMedusa Wattpad || Facebook Page

Give me your COMMENTS. Hit that VOTE. FOLLOW me miyamor aaaaand ask me for DEDICATION na minsan ay ako ang nag-kukusa kapag natutuwa ako sa mga message or comments.

COMPLETED or NOT. AMAZING comments. There will be DEDICATIONS.


Nicamaine's Point of View

"Allen may kwento ako."-Pag-uumpisa ko at agad na ikinwento ang lahat ng nangyari, as in lahat. Mula sa pinaka-una hanggang doon sa bold na nangyari. -___-

"Oh tapos? -- ANO!?"-Malakas na sigaw niya dahilan para pag-tinginan kami ng mga customers dito sa Starbucks. Pinanlakihan ko ng mata ang mga taong naka-tingin kung kaya'y sila ay umiwas ng tingin. Mga echosera. 

"Nica naman! Dalawang araw ka palang sa school na pinapasukan mo, may kagimbal-gimbal ka ng katangahan!?"-Malakas na sigaw ni Allen. Umirap ako at napatingin nanaman sa mga tao at ang napansin ng mga mata ko doon ay ang mga babaeng naka-upo sa isang table na hindi gaano kalayo sa amin, nakatingin ang mga ito sa akin at pinagtatawanan ako at narinig ko ang sinabi nung isa, dahil sa napakalakas nitong boses at naging dahilan ito para mag-pantig ang tenga ko.

"Katangahan? Oh, maybe she's a whore! Haha."-Mapanglait girl one.

"Allen Rodriguez, mamaya mo na ako husgahan, tignan mo muna ang mga magagandang babae doon sa kabilang table, huwag kang magpapahalata ah."-Utos ko sakanya, he rolled his eyes at ginawa ang inutos ko. Makalaipas ang isang minuto.

"Ayon sa kanilang hitsura, pananamit at kilos, sila ang mga babaeng hindi pasado sa akin at saiyo, sila ang tipong 'I'll give everything.' at 'Come to my place.'"-Sagot ni Allen.

Hindi naman sa judgemental kaming dalawa ni Allen, sadyang ganito lang talaga kami sa mga taong dapat bigyan ng pansin dahil mali ang ginagawa nila. Tinawag ba naman akong bitch. Words are powerful diba? Tss.

"Wait lang."-Pagpapaalam ko. Lumapit ako sa mga babae.

"Hi girls."-Ngising salubong ko sakanila.

"Yes?"-Mataray na tanong nung mapanglait girl one.

"My friend wants you to enter your digits here."-Sabi ko kasama ang aking matamis na ngiti. Nilingon naman nila si Allen at binigyan niya ang mga babaeng ito ng isang kindat. Kinikilig na nilagay ng babae ang number niya.

"And also, he wants you to come to his place tonight."-Kinikilig ding sabi ko. Nakita ko kung paano niya kinagat ang ibabang labi niya.

"Sure."-Malanding sabi nito dahilan para mapairap ako. Sinuntok ng dalawang kamay ko ang lamesa na ikinagulat ng lahat, kasama ang ibang customers sa Starbucks. Tinignan ko sila isa-isa, huminto ang tingin ko dun sa mapanglait girl one, sinipa ko ang upuan niya.

"What the hell is your problem?!"-Sigaw niya sa akin.

"Katangahan? Oh, maybe she's a whore! Haha"-Panggagaya ko sa paraan ng pagkakasabi niya kanina. Lumunok siya at ngumiti ng nakaka-asar.

"Bakit girl? Totoo naman diba?"-Proud na sagot niya habang tinignan ako mula baba hanggang taas.

"Kelan birthday ko?"-Kalmadong tanong ko.

"Aba! Malay ko sa'yo!"-Malakas na sigaw niya. Ngumisi ako.

"Yun na nga eh! Hindi mo alam kung kailan ang birthday ko pero kung twagain mo akong 'whore' parang kilalang-kilala mo ako ah!"-Malakas na sigaw ko na halos yun lang ang naririnig mo sa buong Starbucks.

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon