Chapter 22

9.6K 260 19
                                    

CrazyMedusa Wattpad || Facebook Page

Give me your COMMENTS. Hit that VOTE. FOLLOW me miyamor aaaaand ask me for DEDICATION na minsan ay ako ang nag-kukusa kapag natutuwa ako sa mga message or comments. 


Nicamaine's Point of View

Ala-sais na ng makarating ako sa bahay, hindi kami nagsabay ni Jake pauwi at hindi niya ako kinibo sa classroom. Pumasok ako sa loob ng bahay at bumungad ang tahimik na living room at kitchen, kaya naman umakyat ako sa itaas at nag-tungo sa kwarto namin and there I found him watching. Pumasok ako at inilapag ang bag sa table malapit sa akin, nakatingin ako sakanya pero siya ay hindi, tila para akong hangin. Hindi ako naka-tiis kaya nilapitan ko siya.

"Jake. May problema ba?"-Tanong ko at hinawakan ang kamay niya. Hindi niya iyon tinabig o pinalis pero hindi niya ako kinibo, para ako tangang nakikipag-usap sa isang mannequin. 

"Jake."-Muli kong pag-tawag sakanya pero hindi niya ako kinibo, ang talim ng tingin niyang nanunuod sa TV. Nainis ako bigla kaya tumayo na ako at naligo, pagkatapos ay lumabas na rin ako matapos kong magpalit sa loob ng banyo. Nanunuod pa rin siya. Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat pero nagulat ako sa sinabi niya.

"Get your filthy off me."

Sa gulat ko ay agad kong inalis ang kamay ko na para bang napaso ako.

"Jake."-Pagtawag ko sa pangalan niya, pinapahiwatig na ano ba ang pinagmamaktol niya. Pero tumayo lang siya, kinuha ang unan at nag-lakad papalapit sa pinto at lumabas ng walang pasabi. Napakamot ako sa ulo at humiga sa kama tska pumikit. 

Hindi ko ugali ang mag-habol ng tao. Bahala siya. 


NAPABALIKWAS ako ng makarinig ako ng napakalakas na kidlat, bumangon ako at sumilip sa bintana. Napaklakas ng hangin at ulan gayun din ang mahihinang kururug na nagmumula sa itaas. Napailing ako at kinuha ang jacket mula sa cabinet tska lumabas, bababa na sana ako sa hagdan ng mapahinto sa nakasaradong pinto ng isa pang kwarto, lumapit ako roon at pinihit ang door knob. Laking pasasalamat ko nang bumukas ito, binuksan ko ang pinto at naabutan si Jake na nakahiga, nakapatong ang braso sa noo at nakatitig sa ceiling, gising siya. Pumasok ako sa loob at mahinang isinara ang pinto. 

Hindi ko siya maintindihan kung bakit siya nagkakaganyan. Napakaling question mark para sa akin ang nangyari kahapon pero ibinaon ko iyon sa limot. Hindi ko ugaling isipin ng napakatagal ang mga prolema, p-problemahin ko siya ng mga dalawa o tatlong oras pero lilimutin ko din. Pampadagdag stress yun. Pero sa ikinikilos ni Jake ngayon at noong kahapon ay maaaring dahilan nito ang naging pangyayari kahapon din. 

Inilagay ko ang kamay sa dibdib niya.

"Babe, kausapin mo naman ako."- Maayos na paki-usap ko. Ayaw ko nang ganito, kaya kung maaari ay lalambingin ko siya. Napa-pikit ako nang hindi niya nanaman ako pinansin o kahit tapon tingin lang. Kaya naman ay inilapit ko ang mukha ko sakanya at idinampi ang labi ko sa labi niya. Pero para lamang akong humalik sa isang rebulto. 

"Ano bang problema mo!?"-This time napatayo at napa-sigaw na ako. Pero dahil sa inasal ko, nilingon niya ako, still on his position.

"Yung nangyari sa'yo. Nasaan ka?"-Hindi siya galit pero sinasabi ng mga tingin niya na dapat kong sagutin ng maayos ang tanong niya.

Napa-kunot ang noo ko at hindi sumagot. Hindi ko talaga siya maintindihan.

"Hindi kita maintindihan Jake. Ano ba ang gusto mong marinig mula sa akin?"-Inis na tanong ko. Nag-uumpisa ng uminit ang ulo ko sakanya. 

"Yung totoo Nica, yun ang gusto kong marinig mula sa'yo."

"Yung totoo, sinabi ko na sa'yo ang totoo kaya anong totoo pa ba ang hinahanap mo?!"-Singhal ko. Napatyo siya at mahigpit ng hinawakan ang braso ko, pisil niya ito at bwisit na bwisit na ang mukha niya.

"Yung mansion! Yung plate number ng motor na ginamit mo! Ikaw yung ---"- Kusang napahinto siya. .

Bumilis ang tibok ng puso ko. At nakaramdam ako ng kaba pero hindi ko iyon pinahalata, hindi dapat.

"Mansion? Puchang mansion yan! Kahapon ka pa ah! Sinabi nang nasa park ako ng time na yun! Ano ba kasing pinaniniwalaan mo? At bakit ba ganyan ka nalang kagalit?"

Hindi siya nakasagot na dapat ay sumagot na siya! Hindi kami maliliwanagan nito kung ganyan siya, bwisit! Gusto ko na tuloy malaman kung bakit siya nagkakaganyan! Lumalala siya na parang isang sakit. 

"H-Hindi nga siguro ikaw yun, nagkakamali lang siguro ako."-Lintanya niya.

Mula sa mga binitawan niyang salita ay gumaan ng kaunti ang loob ko at lumuwag ang pag-hinga. 

"May pinagdadaanan ka ba?"-Lakas loob na tanong ko. Gusto kong mag-mukhang totoong tao sa harap niya. Hindi ko alam kung ano siya at sino siya, pero ang alam ko lang ngayon, kailangan kong maging totoo sa harap niya. Ganito ako at ganuon sila, tinuruan ako kung paano mag sinungaling at kung paano mag-mukhang totoo. 

"Nothing. I'm sorry."-Pag-umanhin niya tska siya naupo sa kama. Ayaw ko nang kilatisin siya dahil magtataka siya kung bakit ako nagtatanong pa.

"Kung may problema ka Jake huwag ka sanang mahihiyang mag-sabi sa akin."-Lumuhod ako sa harapan niya at sinabi ang mga katagang iyon. 

"How do you know when you can trust that person?"-Makahulugan tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko. 

"Hindi mo malalaman na maaari siyang pagkatiwalaan  kung hindi mo siya susubukan."

Ngumisi siya tila hindi sang-ayon sa sagot ko. 

"Is that the only option?"

"There are many options Jake and if you will try that options you might regret yourself from trying to learn how to trust a person. Learning how to trust is the hardest lesson for me dahil kahit pa araw-araw mo siyang pag-aralan, hinding-hindi mo siya makukuha. Dahil mas mahirap pa ang magtiwala kesa sa pag solve ng math."-Makahulugang sabi ko.

"Then there is no way para matutunan ko kung paano ang magtiwala."

"Meron at merong paraan Jake pero nasa sa'yo iyan kung paano mo matututunan. You trusted your friend and told him your secrets, pero mabunganga siya at boka kaya pinagkalat niya, nasira ka sa harap ng ibang tao at naging madumi ang tingin nilang lahat sa'yo. Kaya dahil doon natuto ka. Natuto kang huwag magtiwala sa lahat, kahit pa sa kaibigan mo. That is the common lesson on how to know when and who to trust."-Makahulugan pa ring sabi ko. Hindi siya nagsalita at napatitig sa akin.

"Is that for me Jake? Hindi ka ba nagtitiwala sa akin?"-Takang tanong ko. 

"Oo. May kakaiba na sa'yo at hindi ko malaman kung ano dahil nagtatago ka. I don't trust you enough Nica, there is something about you that I don't like."

Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. 

"What do you mean?"

Napangisi siya at hinawakan ang baba ko tska tinignan ang kabuoan ng mukha ko, tila may hinahanap siya na matagal ng nawawala na tila nasa akin iyon.

"Your profile here in school is fake. And I am not that stupid para hindi magtaka sa kung sino ka. I asked you yesterday para sana doon ako magkaroon ng hint pero ang tibay mo. Gusto kong limutin iyon dahil ayaw kong kalkalin ka lalo pa't nakita ko ang buhay mo sa piling ng ama mo. Nang makita ko kayo ng ama mo at kung paano ka niya tratuhin, nakita ko kaagad na hindi maayos ang buhay mo sa piling ng pamilya mo. Pero nagbago ang isip ko nang mabaril ka at nang makita ko ang nakapaliit na tattoo sa hita mo na hinaharangan lamang ng underwear mo. Nabbwisit ako, sino ka ba talaga?"-Nanggagalaiting tanong niya. 

Nanlamig ako, nanginig ang mga kamay ko at napako ang tingin ko sakanya.


Devil Beside Me

CrazyMedusa Wattpad || Facebook Page

Give me your COMMENTS. Hit that VOTE. FOLLOW me miyamor aaaaand ask me for DEDICATION na minsan ay ako ang nag-kukusa kapag natutuwa ako sa mga message or comments. 

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon