Chapter 4

15.5K 285 11
                                    

Nicamaine's Point of View

Lutang akong naglalakad dito sa school. Jusko, alas kwatro palang, nagising na ako at tinakbuhan ang damuhong yun. Bakit ba all of people, ako ang pinag-ttripan niya. Ano ba ang takbo ng buhay ko ngayon? Tss.

Habang nag-lalakad sa hallway, nakarinig ako ng sigawan sa isang room, huminto ako at tinapatan ang naka-sarang room. Hahawakan ko nasana ang doorknob ng may mag-salita sa likod ko.

"Huwag ka ng tumulong, mapapahamak ka lang."-Komento ng isang nerd. Kumunot ang noo ko at hinarap siya.

"Palagi ako sa gulo, no sweat na sa akin yun."-Sagot ko tska siya inirapan, binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Lency na naka-handusay sa sahig at pinag-papawisan, at may tatlong babaeng patuloy siyang sinasaktan, dahan-dahan kong isinara ang pinto tska pumalakpak. Lumingon silang tatlo, at ang mga walang hiya ay ang tatlong classmate namin. Ngumiti sila sa akin ng matamis.

"Kawawa ka naman Lency."-Nakangising sabi ko habang tinitignan siya. Tinignan ko naman ang tatlong ugok na ngayon ay proud ang mga mukha.

"Pero pwede bang labas muna kayo? May gagawin lang ako sakanya."-Sabi ko sabay nguso sakanya. Tumango naman sila pero bago umalis hinila muna ng isa ang buhok niya tska sila tuluyang umalis. Ni-lock ko ang pinto at ng masiguradong wala na sila, nilapitan ko si Lency.

"Tumayo ka nga diyan kundi uupakan kita."-Pananakot ko pero hindi ko naman talaga yun gagawin.

Dahan-dahan siyang tumayo pero pagkatayo nito, napa-luhod ito at patuloy na umiyak ng umiyak ng umiyak. Naaawa ako sakanya.

"Bakit ba hindi ka lumalaban?!"-Sigaw ko sakanya dahilan para mapa-pikit siya.

"L-Layuan mo na si Jake. Hayaan mong ako nalang ang m-masaktan."-Komento naman niya na ikinakunot ng noo ko.

"Ano bang sinasabi mo? Iba ang sinasabi ko tapos iba din sayo. Baliw ka ba? Sagutin mo nalang kasi tanong ko."-Naiinip na sagot ko sa sinabi niya. Pero imbes na matinong sagot ang matatanggap ko, isang sunod-sunod na iling ang natanggap ko.

"Basta layuan mo siya. Please."-Nanghihinang sabi niya tska tumayo at nag-lakad pero hinila ko ang braso niya na may pasa.

"Umupo ka diyan."-Komento ko na agad niya namang ginawa, lumabas ako at nag-punta sa clinic, humingi ako ng mga kung anu-ano na kailangan para pang-gamot sa mga bruises. Bumalik ako sa room at binuksan ang pinto pero napa-hinto ako at napa-kunot ang noo dahil nakita kong may kaaway yata si Lency, at yung lalaki ay nakatalikod sa akin pero siya ang nasa harap ni Lency.

"You're my whore right?"-Nagpantig ang tenga ko sa sinabi nung lalaki. Nahagilap ng mga mata ko ang pag-tayo ni Lency. Tinignan ko ang isang corner na may nakaharang na mga gamit, ala ninja akong nag-punta doon at nagtago.

"You ruined me Jake! Lahat ng babae sinira mo! At huwag na huwag mong idadamay ang babaeng iyon!"-Sigaw ni Lency. Jake? I heard the guy laughed and trust me, nakakatakot ang tawa niya.

"I like her. Paano ba yan?"-Sabi nung Jake.

"Please Jake! Hindi siya ganung babae, alam ko yun, maghanap ka nalang ng iba basta huwag lang siya."-Komento ni Lency. Ano ba ang pinag-uusapan ng dalawang to?

"No baby. Hindi ko siya papalitan. Siya na ang flavor of the month ko and after a month, she will also be the flavor of the girls here until I'll find a new one."-Jake.

"Demonyo ---"-Napatigil si Lency sa pagsasalita pero nakarinig ako ng tunog ng halikan? I know that sound, palagi ko naririnig yan when it comes to Allen and his girls.

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon