Chapter 64

6.7K 194 14
                                    

Makaraan ang dalawang taon.

Nica's POV

Sinampal ko ng napaka-lakas ang babaeng nasa harapan ko at marahas na inipit ang magkibalang pisngi nito gamit ang isang kamay ko.

"Tss. Sayang, hindi pa natuluyan si Zacharias."- Sigaw niya at tumawa-tawa. Ngumisi ako at pabalyang binitawan ang pisngi niya. Last week, papauwi na ang lolo ko nang mabaril ito ng isang SUV, agad-agad namin siyang dinala sa loob ng mansiyon at sa tulong ng private doctor namin agad napigilan ang pag-ubos ng dugo niya. The SUV was controlled pero itong babaeng ito lang ang nahuli dahil pinatakas niya ang iba. Tss! Masyadong loyal.

"Sino nag-utos sayo?"- Tanong ko nang hindi pinapansin ang pinag-sasasabi niya. Inirapan niya lang ako at nagkibit-balikat.

Napatitig ako sakanya pero umiwas siya at napa-lunok. Ang katulad niya, hindi basta-basta mapapa-amin. Tumalikod na ako at lalabas na sana pero hindi ko mapigilan, sinipa ko siya mula sa dibdib dahilan para mapatumba siya kasama ang upuan kung saan siya nakatila.

Mura ito ng mura pero hindi ko na siya itinayo at umalis na, bahala siya.


NAUPO ako sa couch andito ako sa silid ni lolo nandito din si Maze, Nine at mama.

"Napasalita mo na?"- Seryosong tanong ni mama. Tinignan ko sila at umiling.

Nag-salita naman si Maze at iniabot ang isang puting folder. "De Learies." Agad ko itong kinuha at napatingin kay mama, naalala ko ang mga lihim na sinabi niya sa akin noon. Nakatitig lang naman siya sa akin kaya binuksan ko ang folder at bumungad ang litarto ng isang lalaking napaka-kisig. Yung mata at ilong ko, parehas ng kanya.

Siya daw ang ama ko. Hindi kaya ---

"We've found out. It was him who plotted the easy killing for you grand father. It's his revenge about him and your mom."- Pag-uumpisa ni Maze. Hindi makapniwalang tinignan ko si mama.

"Andito na siya sa ---"

Hindi na natapos ni mama ang sinasabi niya ng marahas na bumukas ang pinto. Napa-tigil sina Maze at mama habang naka-titig sa nag-bukas na pinto, hindi ko alam kung sino ang bastos na pumasok dahil hindi ko pa ito nililingon at pinapakiradaman kung sino ito pero halos masamid ako ng mag-salita si mama.

"D-De Learies."

"Long time no see, love."- Yung boses niya.

De Learies?! Ano namang pakulo niya at nandito na siya mismo sa mansiyon!? Napatingin si mama sa akin at nanduon lahat ng takot at pangamba niya. Naalala ko tuloy ang sinabi ni mama na balang araw raw ay babalik si De Learies para makapag-higanti sa lahat ng tao ni mama, maging ang anak nito at ako yun. Lilingon na dapat ako para makita siya ng umalingangaw ang isang putok. At nalaglag ang panga ko ng makitang nagdurugo ang hita ni mama!

Fuck! Agad akong nabuhay at agad na lumingon kaya nag-tama ang mata namin ni De Learies, ang mga matang kaparehas ng akin, napatigil siya napa-kunot ang noo. Walang ano-ano'y mabilis akong tumakbo at tinapakan ang lamesa tska lumipad at nang nasa ere ako ay sa isang iglap, nakabulagta na sa sahig si De Learies dahil sa pag-sipa ko dito. Nag-durugo ang ilong niya at agad ko siyang nilapitan at kinwelyuhan.

"Gago!"- Malakas na sigaw ko. At hindi inisip na siya ang ama ko, inilabas ko ang baril ko at ipinutok ito sa tyan niya.

"Nica!"- Rinig kong sigaw sa paligid ko. Pero naka-titig lang ako kay De Learies na titig na titig din sa akin.

HINAWAKAN ni Maze ang kamay ko tska ito naupo sa tabi ko.

"Ang tapang niyo pareho."- Natatawang pag-umpisa niya.

Devil Beside Me ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon